Chapter 7: Sorry gifts

31 1 0
                                    

Zianne's

"Ate, isang asado siopao nga po tsaka coke."

Nandito ako ngayon sa cafeteria namin para bumili ng pagkain dahil una, nagugutom na ako at pangalawa, quotang-quota na ako sa kahihiyan na ginawa ko kanina sa RP room, idagdag  pa ang pagiging assumera ko, ayoko munang bumalik pangsamantala. Napasabunot na lang ako sa buhok kong kakatali ko lang kani-kanina sa washroom pagkatapos magpalit ng damit.

------------

Kunot noo kong binuklat yung papel na nasa loob ng paper bag... sulat. 'May sulat si Liam sakin? BAKIT?!'

Hi, 'Hindi nakaaddress sakin yung sulat? Akin ba talaga to? Pero sya mismo yung naglapag nito sa mesa ko.' Ipinagsawalang bahala ko na lang yung iniisip ko at itinuloy ang pagbabasa.

Hi, I don't know what's wrong but you seemed to be spacing out, a lot. Anyway, I just wanted to say sorry for bumping into you earlier sa hallway and this is a sorry gift. ...

'Sorry lang naman ok na bakit kailangan may damit at sapatos pa?'

... I don't know if you haven't noticed or you just don't have any spare clothes, but might as well be sure na hindi ka manlalagkit sa suot mo.

'Suot ko? May nakakabother ba sa suot ko?' Napatingin ako sa uniform kong may pink na mantsa at nanalaki at mata ko. 'SINASABI KO NA NGA BA EH! HINDI MAKAKATULONG SI LIAM SA BUHAY KO!'

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahilan para malukot yung papel na hawak ko. Binalikan ko ito ng tingin at napansing meron pang kasunod yung sulat nya.

... You might want to get changed. So, yeah. See you around.

Agad-agad akong pumasok sa isang cubicle at nagpalit ng pang itaas, doon ko lang din napansin na natapunan din yung vans kong suot. Mabuti na lang pala at naka p.e. uniform ako ngayon, mas madaling bagayan kumpara sa daily uniform namin.

------------

Bumalik ang kaluluwa ko sakin ng iabot ni ate yung inorder ko. Binigay ko sa kanya yung bayad ko at nagantay ng sukli. Napagdiskitahan ng mata ko yung mga nakadisplay sa harap na chocolates, at dahil napakatakaw ko kumuha na din ako ng dalawa, just in case na kulangin yung isa sakin.

"Dagdagan nyo na din po pala nito." Pinakita ko sa kanya yung kinuha kong chocolates, Hershey's with Almonds, ughhh stress reliever.

"Irish, tapos mo na ba yung report mo? Kailangan ko na kasi yun bukas para i-edit." tanong ko kay Irish habang nagaayos kami ng mga gamit namin. Tapos na kasi yung shift namin dito sa RP, 6:03 pm. In 27 minutes dapat ay nasa quadrangle na kami ni Irish dahil magkaklase kami at kailangan naming magpractice para sa Fancy Drill namin.

Hindi sya sumasagot kaya naman nilingon ko na sya, nagulat ako dahil nakatingin na pala sya sakin. "Yep, send ko na lang tomorrow." she said with a smile on her face. 'Is it just me or ang sama  ng tingin nya sakin kanina?' I shrugged off the thought and continued with what I was doing.

Sinilip ko si Liam mula sa pwesto ko ng hindi nagpapahalata kay Irish, mahirap na, masyado ng madaming nangyari sa araw na ito. Nakatutok pa din sya sa computer nya at nagaayos-ayos dun sa mga kuha niya.

Nawala ang tingin ko kay Liam ng hilain ako ni Irish sa braso ko "Zianne! Sabay na tayong pumunta sa practice ha?" tanong nya sakin pero hindi naman na din ako pinasagot dahil hinila na nya ako palabas ng RP room.

Nagmamadali kaming nagsitakbuhan ng mga kaibigan ko papunta sa cafeteria para bumili ng maiinom. Pagod na pagoad at uhaw na uhaw na kami dahil sa practice namin. Lahat kami seryoso na sa routine na pinagagawa samin, this is our last performance in this school kaya dapat lang na maging worth remembering ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lies Which I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon