Chapter 6: Unhealthy

38 0 2
                                    

Zianne's

Ilang buntong hininga ang pinakawalan ko para palakasin yung loob ko na pumasok sa RP room, pero hanggang ngayon hindi ko pa din mabuksan yung pintuan.

Pinilit kong hawakan yung doorknob for the 15th time, and again, binaba ko lang yung kamay ko. 'Hindi ko kaya' Hanggang ngayon ay nilalamon pa din ako ng hiya sa katangahang ginawa ko kanina.

'Aish! Kung bakit ba naman kasi lutang ako kanina?! Ay tama, iniisip ko kung anong itsura nung Liam na yun. Pahamak na Liam.' pinukpok ko yung ulo ko gamit ang dalawang kamay ko dahil sa pagkairita sa sarili. Nung isang araw nya pang pinepeste yung utak ko. May isang quiz akong hindi nakuha dahil nainis yung teacher ko sakin dahil nakatulala lang ako sa klase niya, kasalanan ni Liam yun. Simula nang magfangirl si Chailee sa kanya ay hindi na sya naalis sa isip ko.

Sinandal ko yung ulo ko sa pintuan sa harapan ko, napalakas ata kasi sumakit yung noo ko, pero wala akong pakielam sa pisikal na sakit ng ulo ko ngayon. "Nakakahiya talaga! ARGHH! Pesteng Liam. Bwisit. Pahamak na Liam." paulit-ulit kong binabanggit yun nang biglang magbukas yung pintuan, may humila dito mula sa loob, dahilan para matumba ako sa kung sino man yung nangbukas ng pintuan. Mabuti na lang at nasalo ako nito gamit ang mga braso niya, kaya naman ay nakasandal ako sa dibdib niya.

It's a guy, I can say dahil na din sa buff na body built nito at sa pabango niyang gamit. Nakakaadik. Sobra.

Sa hindi malamang dahilan ay inamoy ko sya. 'Ang bango talaga, masculine scent but not too strong, tsaka parang amoy... amoy... strawberry? Bakit amoy strawberry?' Ilang beses ko pa syang inamoy bago ko marealize ang ginagawa ko at kung sino tong nakasalo sakin.

Dahan-dahan kong iniangat yung ulo ko para salubungin yung mga mata nyang nagtatanong at kilay niyang magkasalubong. 'Shet! Strike 2!'

Gamit yung sarili niyang kamay ay itinayo niya ako ng maayos. Laking pasalamat ko dahil hindi niya ako binitiwan agad, kung hindi ay baka sumalampak lang ako sa lapag, dahil sa oras na toh ay BFF na kami nang sahig, sa katunayan pwede na niya akong kuhain ngayon. "Uhmm... miss ok ka lang?"

Tumango lang ako dahil wala ako sa sarili ko ngayon, yung kaluluwa ko... hindi ko na alam kung saan nagpunta, kinuha na ata nitong lalaki sa harapan ko.

Ilang segundo pa kaming nagtitigan, ako na tulala pa din at sya na nakakunot pa din ang noo at salubong pa din ang kilay. Nang may magsalita sa gilid ko, dahilan para mapalingon ako sa mga ito... yung mga ka org ko.

"Ok ka lang Zi?" tanong nang isa kong kaclose dito sa RP, si Irish. Lumapit siya samin at sumulyap dito sa lalaking kaharap ko bago ako tuluyang iharap sa kanya. Tumingin siya sa damit ko sa hindi ko malamang dahilan bago nagpatuloy sa pagsasalita "Ano ba kasing ginagawa mo sa harap ng pintuan?" tanong nya gamit ang malambing na boses bago sumulyap ulit sa lalaking ngayon ay medyo nakalayo na samin dahil naglakad na sya palabas nang pintuan. 'So ibig sabihin ba nun ay hindi siya member dito? Mali pala yung iniisip ko kanina na maaring siya si Liam or si Aidan man lang.'

Sinundan pa ni Irish nang tingin yung lalaki, at ng masiguradong malayo na talaga ito samin ay tumili siya nang pagkalakas-lakas, kaya napatakip ako ng dalawang tenga ko, sa tingin ko ay bumalik na ang kaluluwa ko sa ginawa niya. "Ang gwapo ni Liam!!!" naghuhumerantado siyang nagpatalon-talon sa RP room. Onti pa lang naman din ang tao sa RP room ngayon dahil busy pa din yung iba sa paghahabol ng ilang requirements na kailangan nila at yung iba naman ay may klase pa dahil mga college students na, kaya ayos lang na magingay siya.

Naglakad sya pabalik sa inuupuan niya habang nagkwekwento tungkol sa unang pagpasok ni Liam dito na narinig ko naman dahil nasa phone ako nun. Pero hindi ko na din nasundan yung pagkwento niya dahil occupied nanaman yung utak ko.

Nilingon ko yung bukas na pintuan kahit na wala naman nang tao sa labas 'So tama ang hinala ko? na si Liam yung lalaki kanina?' Ilang kurap pa ang ginawa ko bago tumingin ulit kay Irish na hanggang ngayon ay hindi mapakali sa inuupuan niya.

'Inaasahan kong gwapo si Liam pero hindi ko naisip na ganon siya kagwapo. Kaya naman pala ganon na lang ang reaksyon ni Chailee.'

Hindi pa din nakakabalik si Liam mula nang lumabas siya kanina. Nagsimula kami sa kanya-kanyang trabaho namin dahil kanina pa dumating yung president namin, at wala siya sa mood kaya naman naging busy na din ulit kaming lahat. Natigil na din sa paghuhumerentado si Irish dahil napagalitan na siya nang president namin.

Kumakalam na yung sikmura ko dahil hindi naman ako kumain nang heavy lunch kanina, sandwich at yung strawberry shake lang yung nakain ko kanina, kalahati pa nung shake ko ay natapon lang sa kay Liam. Natigilan ako sa pagtatype nang maalala ko nanaman yung scene na yun kanina. 'NAKAKAHIYA TALAGA! To think na si Liam pala yun! SI LIAM NA MATAGAL KO NANG INIINTAY NA MAKITA. SI LIAM NA LIHIM KONG CRUSH KAHIT NA HINDI KO PA NAKIKITA. SI LIAM. SI LIAM. SI L I A M.'

Ibinagsak ko yung ulo ko sa mesa ko, medyo napalakas nanaman yun at talagang tumunog pa yung pagkauntog ko, and this time naramdaman ko na talaga yung sakit kaya naman napahawak na ako sa noo ko, pakiramdam ko ay magkakabukol pa ata ako.

'Hindi maganda toh. Tingin ko ay nakakasama sa sistema ko si Liam. Unang pagkikita pa lang namin toh at ilang beses na akong napahiya sa harapan niya, ilang beses ko na din nasaktan ang sarili ko physically at ilang beses na din akong natutulala nang dahil sa kanya. Ni hindi ko pa nakakalahati yung trabaho kong kailangan na next week. Dapat ko na kayang iwasan si Liam? Pero ayoko. AYAW KO.'

Nasa matindi akong pagiisip nang may magpatong ng isang paperbag sa lamesa ko. Isang sikat na brand ang nakaburda sa yellow na paperbag na yun.

Nilingon ko yung naglapag pero wala ng tao sa likod ko, nakita ko lang yung mga kaorg ko na nakatingin sa isang direksyon kaya naman sinundan ko ying mga tingin nila, at nakatingin ito sa kay Liam na ngayon ay kinakabit yung dslr niya sa computer gamit ang isang cord.

Tinignan ko yung dilaw na paperbag 'Sa kanya ba galing toh?' Hinawakan ko iyon at bumilis ang tibok ng little heart ko. Nakakatakot.

"Bakit ka nya binigyan niyan?" bulong ni Irish na ikinagulat ko kaya naman napabitiw ako sa paperbag at napatili. Nagulat din si Irish dahil sa pagtili ko, napatingin siya sa mga kasamahan namin kaya tinignan ko din ang mga ito, lahat sila ay nakatingin sakin. Malamang sa malamang ay nakatingin din si Liam ngayon, hindi ko makita dahil nakaharap ako kay Irish ngayon kaya nasa likuran ko yung pwesto ni Liam. Yumuko na lang ako para malaman nilang apologetic ako sa ginawa ko. 'Strike 3. Qoutang-qouta na ako sa araw na toh.'

"Huy, ano?" naiinip na tanong ni Irish. 'Ibig sabihin kay Liam talaga nanggaling toh?'

"Ha? Hi-hindi ko alam." nauutal na sagot ko. Totoo naman na hindi ko alam kung bakit niya ko binigyan nito, kahit ako walang sagot na makuha.

Hindi ko na lang pinansin si Irish at sinilip yung loob ng dilaw na paperbag, may brown na kahon sa loob nun, at sa ibabaw nito ay may bluegreen na may nakapaibabaw pang puting papel na nakatiklop.

Tumingin ako sa side ni Liam pero muhkang busy siya kaya hindi ko magawang lumapit para magtanong, at kahit naman hindi siya busy ay hindi ko pa din magagawang lumapit sa kanya. 'Bakit naman niya ako bibigyan nito?'

Tumayo na lang ako at lumabas dala yung paperbag na binigay niya sakin. Dumiretso ako sa comfort room at doon binuksan yung paperbag.

Iniangat ko yung bluegreen na tela, polo. Hindi lang pala basta tela yun, isa siyang bluegreen na polo. Ibinalik ko sa loob iyon sa loob nang paperbag at binuksan yung box... sapatos, isang pares ng puting sapatos. At isa lang din ang iniisip ko ngayon... 'BAKIT?!'

Lies Which I LoveWhere stories live. Discover now