Playlist

22 2 1
                                        

Iyon na yata ang pinaka mainit na buwan taon. Kakatapos lang ng Graduation namin noon, Abril, sobrang init. Pagkatapos ng ceremony ay agad kaming sumakay ni Mama papuntang airport. Imbes kase na mag-celebrate ako kasama ang mga classmates ko ay mas pinili ko na lang sumama upang magbakasyon sa probinsiya.

"Nak, paano ba malalaman na nakarating na tayo?" Tanong ni Mama.

"Ayan, Ma. Nakikita mo yang arrow na yan? Iilaw yan pag nasa airport na tayo. Tapos ayan yung babayaran natin." Paliwanag ko sa kanya.

"Eto?' 458Php?" Gulat nyang tanong.

"Oo, Ma. 'Wag ka na mag ano jan. Marinig ka pa ng drayber."

Halos tumagal din nang isang oras ang byahe namin noon. Halo-halo ang nasa isipan ko. Ano na kayang ginagawa nang barkada ko ngayon. Eh siya kaya? Baka hindi ko na ulet siya makita.

"Uy, congrats ah!" Pangiting bati ko sa kanya.

"Uy, salamat ah. Congrats din." Bati nyang pabalik.

Apat na taon ko na siyang kasama sa kolehiyo. At dahil nga malapit lang ang kanto naming dalawa sa isa't isa ay mabilis kaming nagka-palagayan ng loob. Nasa ikalawang taon kami noon nang malaman nyang nagugustuhan ko siya. As usual, lumayo siya sa akin. Ganun naman palagi.

"Jake?" Nagulat ako sa aking narinig.

"Uy Shiela." Nanginginig ako. Dahil matapos ang dalawang taon ay ngayon ko na lamang narinig muli na sambitin nya ang pangalan ko.

"Di mo naman na ako gusto diba?" Pabiro nyang tanong sa akin.

"Ay,oo. Hindi na. At saka crush lang naman kita noon." Sinabayan ko ng halakhak ngunit ang totoo'y gusto ko pa rin siya.

Simula nung araw na 'yun naging magkaibigan na ulet kame. Syempre todo tago ako ng feelings. Masakit isipin ngunit ganun talaga.

Ilang minuto lang ang hinintay namin ni Mama. Maya maya pa ay pumasok na kami kasabay sila Papa at aking mga kapatid ko. Nauna na kasi sila sa airport.

Halos umabot din ng 45 minutes ang byahe namin. Mabilis lang kung tutuusin.

Naglalakad na kami palabas ng arrival venue, inaayos ko ang playlist na gagamitin ko sa byahe. Hindi ko na napansin na may kasalubong na pala ako.

"Ano ba yan, Kuya?!" Galit na sabi ng babae.

"Ay, Sorry Miss. Hindi kita napansin."

Tiningnan nya ako ulo hanggang paa na para bang sinisipat nya ang buo kong katauhan. Sinabayan niya pa ito ng eye roll bago tuluyang umalis.

*
"Yvainnneeee! Anong oras na bumangon ka na jan!"
Naririnig ko na naman ang sigaw ni Ate. Hindi ko napansin na halos ilang minuto na lang ay tanghaling tapat na.

"Kung anu-ano na naman 'yang pinapanuod mo kagabi ano?!" Pagalet nyang tanong sa akin.

"Ate, nakakatuwa kasi yung nag-aaway sa harap ni Idol Raffy kagabi." Patawa kong sabi sa kanya. Ngunit tinaasan lang ako ng kilay.

"Oo na, heto na at tatayo na. Anong oras ba flight natin?"

"Alas otso ng gabi. Kaya maghanda ka na riyan para hindi ka na nagmamadali mamaya. Mabagal ka pa naman kumilos."

Anong oras pa lang naman ngunit pinapaayos na ako ni Ate. Akala mo naman mahuhuli kami sa flight namin mamaya. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako ulet.

"Yvaaainnneeeee!!" Galet na galet na ang dragon!

"Halaaaaaa! Hindi ko na napansin!"

"Oo, sige. Ngayon ka magmadali. Juskooooo." Nagdadabog na si Ate.

Halos isang oras lang ang byahe papuntang airport. Hindi naman ako sasama upang magsaya doon. Gusto ko lang talagang makatakas sa mga pageant na pinapasalihan ni Mama sa akin. Sa totoo lang ayoko naman talagang sumali sa mga ganun pero gustong-gusto kasi ni Mama kaya wa rin akong magawa.

"Yvaine, pagka-baba natin hawakan mo agad ni Thea ha."

"Oo, te. Itatali ko pa 'yang anak mo para hindi na mangulit." Pabiro kong daing kay ate.

Halos 45 minutes lang ang byahe namin pauwe sa probinsiya. First time ko ito sa Cebu. Taga-rito kasi ang asawa ni Ate.

"Te, mag-c-cr lang ako ah."

"Osige. Bilisan mo. Maghahanap pa tayo ng bus na masasakyan."

Pabalik na ako galing C.R. nang mapansin ko si Angel Locsin. Sigurado akong siya 'yun kahit na balot na balot pa siya. Hindi ko napansin ang papalapit na lalaki.

"Ano ba yan, Kuya?!" Naiirita kong sabi sa kanya sabay hanap kay Angel sa paligid ngunit hindi ko na siya makita.

Nag-sorry naman siya ngunit naaasar ako dahil nawala sa paningin ko si Angel. Tiningnan ko siya ulo hanggang paa at eye roll bago ako tuluyang umalis.

*
Ang arte naman nung babaeng 'yon. Akala mo naman kung sino, humingi naman na ako ng dispensa ngunit ganun pa rin makatingin. 'Wag ko lang siyang makikita ulit.

"Nak, pumara ka na ng taxi jan sa labas." utos ni Mama.

Wal naman akong choice kung hindi maghanap na lang ng taxi.

"Ma, kaya pala ng taxi derecho sa atin?" tanong ko sa kanya. Huling uwi ko pa kasi sa probinsiya ay halos sampong taon na din ang nakakalipas, ten years old lang ako noon.

"Hindi. Ihahatid lang tayo nito papunta sa Bus station. Tapos 3 hours na byahe bago tayo makarating doon."

Saglit lang ang byahe sa taxi. Hindi na umabot ng 30 minutes ay nasa istasyon na kami, nakasakay na rin kami ng bus agad. Agad kong napansin 'yong babaeng nakatayo sa harapan. Naalala ko na. Siya yung nabangga ko kanina sa airport. Hindi nya napansing magkasabay kami sa sinasakyan naming bus. May karga siyang bata. Batang ina yata ito.

I JUST KNOWTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang