35. The Runaway

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tulungan mo kaya ako?!" singhal naman ni Lorraine na hirap pa rin dahil sa damit at takong niya.

Napailing si Brie habang nakatingin dito. "Tanggalin mo kaya 'yang takong mo?" suhestiyon niya at tumigil muna.

Ganoon nga ang ginawa ni Lorraine. Tumulong na rin si Brie. Pagkatapos ay basta na lang iyong itinapon sa kung saan, sabay takbo ulit. May narinig na silang mga humahabol na yabag sa likod kaya't lalo pa nilang binilisan.

Nakababa na rin sila ng hagdan ngunit sumalubong naman ang mga guwardiya sa gate.

"Ma'am, ano hong nangyari?" biglang harang sa kanila ng isang guwardiya na bakas ang pagtataka sa mukha.

Tumigil muna ang dalawa na parehong hinihingal dahil sa pagtakbo. Pareho pang napahawak sa tuhod.

Agad namang nakaisip ng idadahilan si Brie. "M-May nanggugulo do'n sa loob, bilisan niyo!" Pagkatapos ay parang walang pakialam na hinilang muli patakbo si Lorraine.

Nataranta naman ang mga guwardiya at sandaling hindi malaman ang gagawin. Maya-maya pa ay tumakbo na rin paakyat ng hagdan ang mga ito sa pagpapasalamat ni Brie.

Napangisi siya.

"Hoy, tumigil kayo!"

Agad ding napalis ang ngising iyon ni Brie. Paglingon nila sa taas ng hagdan ay naroon na ang tatlo sa security team na nagbabantay kanina sa labas ng pinto. Hindi agad nakasunod ang mga ito dahil sa bilis ng pangyayari.

Bigla ring natigil ang dalawang guwardiya na noon ay paakyat na sana at nasa kalagitnaan na ng hagdan. Napalingon muli sa kanila.

"Shit," napamura si Brie, "tara na!" Mabilis na niyang hinila palabas ng gate si Lorraine. Agad niyang kinuha ang pansin ng mga kalalakihang kasama nila. "Tulong!"

Mabilis namang nagsilabasan ang lima mula sa sasakyan ng mga ito.

"Pigilan niyo sila!" utos ni Brie na tinuro ang paparating na mga bodyguard ni Jace. Hila pa rin si Lorraine na tinakbo niya ang pinagparadahan ng kotse ni Trish.

"Sino ang mga 'yon?" naitanong ni Lorraine.

"Mga kaibigan ko," ang sabi lang ni Brie. Bubuksan na sana niya ang kotse nang bigla siyang matigilan. "Shit." Napapikit siya at napatampal sa noo.

"B-Bakit?" lito namang tanong ni Lorraine.

Sa loob ng simbahan...

"Ay, tanga..." biglang nausal ni Trish.

"Bakit?" taka namang tanong ni Devin. Nasa loob pa rin sila at hindi makaalis. Ayaw naman nilang makaagaw ng atensyon. Nakaharang din sa pinto ang ilan sa mga bodyguards ni Jace.

Napamaywang si Trish. "Bobo talaga ang babaeng 'yon. Nasa akin ang susi."

"Ano?!"

"Ano?!"

Halos nagkasabay ang pagbulalas nina Devin sa loob ng simbahan, at ni Lorraine na nasa labas.

"Hindi ko na nakuha kay Trish ang susi," natatarantang wika ni Brie.

Sa hindi-kalayuan sa kanila ay nakikipagrambulan na ang mga kasama nilang kalalakihan sa mga bodyguard ni Jace.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon