Sinilip ko ulit yung post.

Umabot na siya ng 13.4K comments. And 7 more minutes left.

Shuta mga little ponies kooooooo, bilis-bilisan niyo na! Omggggg.

"Meme, tara na." Aya sa akin ni Buern dahil magsisimula na nga yung show.

"Teka lang, kailangan ko pang tapusin 'yung natitirang oras dito." Pagdadahilan ko dito.

"Dun mo na yan tingnan Mamah. Boom ratatat nanaman ang aabutin mo kay Direk mamaya niyan."

Dahil sa sinabi ni Buern ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at dumiretso sa stage. Dinala ko rin yung phone ko para makita yung update tungkol sa pinost ko.











































































Segment: Miss Q and A


"What's up Madlang People!!" Bungad ko sa madla. Doon ko narinig ang hiyawan nila at palakpakan.

"Kiss! Kiss! Kiss!" Sigaw muli ng madlang people. Alam na siguro nila 'yung tungkol dun sa post ko.

Napangiti naman ako. Support na support talaga sila sa'kin kahit hindi nila alam kung sino 'yung tinutukoy ko na crush ko.

"Buern, ilan na ba?" Sabi ko kay Buern on mic. Pinasama ko na sila sa'kin para ma-check nila 'yung post every minute.

Lumapit naman ako sa kanya at tinapat 'yung mic.

"29.5 thousand na siyaaaa. Omahgadd." Sobrang kilig na sabi ni Buern at narinig ko ulit ang hiyawan ng madla.

"Ilang minutes na lang?" Tanong ko ulit dito.

"5 minutes more Vice Pogi!" Dagdag pa nito.

"OMG. Mga little ponies! Nananawagan po ako sa inyo. Galingan niyo pa sa pagtatype. More more para happy si horse horse!" Sabi ko sa camera. Narinig ko naman ang tawanan ng madlang people.

Bumalik na ako sa pwesto namin ni Anne.

"Ay sis-- I mean, bro, iba talaga. 'Nekenekenekeneke. 'Wag po kayong mag-comment madlang people, ini-scam lang kayo ni Viceral." Bitter na sabi ni Anne.

"Anne tumahimik ka na nga lang. Humaharang ka talaga eh." Sabi ko dito at tumawa ulit 'yung madlang people.






Jaki's POV

Nagsisimula na 'yung Ms. Q and A pero hindi pa din ako nakakalabas. Pano ba naman kasi...




Ang tanga-tanga ko.




Hawak ko na 'yung boteng may laman na kape nabitawan ko pa. Hay na'ko Jaki.

Sinubukan ko na din maghanap ng ibang damit sa wardrobe pero wala nang available. Ang sikip-sikip tapos 'yung iba naman konting kibot na lang mawawarak na.




Hay nako!




Ang taas taas at ang sikat sikat ng programang 'to pero walang pambili ng mga gamit.

Charot lungs. Mahal ko pa din 'to no kahit nakaka-disappoint hahaha.





*tok tok tok*

Nakita kong nagbukas 'yung pinto at niluwal nito ang isang staff.

"Jaki, magsisimula na 'yung second round. Bakit andito ka pa?" Tanong nito sa'kin. Bumaling naman ako sa kanya at ipinakita 'yung stain sa damit ko.

ViceJack One Shot StoriesWhere stories live. Discover now