Social Distancing

702 20 3
                                    

Mild SPG Alert














Vice's POV

"Goodbye Madlang People sa mga bahay nila! Sobrang mamimiss ko kayo!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.

Eto na 'yung huli naming live sa Showtime dahil sa crisis na nangyayari sa buong mundo.

Aaminin ko.. sobrang lungkot ko.

Paano ba naman kasi, 'yung nakasanayan mo nang magpatawa ng tao halos araw-araw tapos lahat ng 'yun saglit mawawala dahil sa mga kaganapang nangyayari sa mundo.

Oo nga, panandalian lamang 'yun pero paano kung huli na palang pagpapatawa ko 'yun sa madlang people??




Ano ka ba Vice! Stay positive! Matatapos din ang lahat ng 'to.




Hayy, sana nga matapos na din 'tong crisis na 'to.


Dumiretso na ako sa DR ko at kinuha 'yung mga gamit ko para umuwi na. Bigla namang tumunog 'yung cellphone ko kaya kinuha ko 'yun.



From: Jaki ko

Bibi kuu, sunduin mo na ako sa DR namin. :"> I mishu na agad.

To: Jaki ko

Sige. Wait mo'ko inaayos lang namin nina Buern mga gamit ko. Love you.

From: Jaki ko

Yabyutu. Mwa mwa mwa mwa mwa mwa mwa.

Natawa na lang ako sa reply ni Jaki.

To: Jaki ko

Oops, bawal kiss. Social distancing muna. 😝

From: Jaki ko

Eeeeiiii! Wala naman akong virus eh. Kikiss pa din kita.

To: Jaki ko

Ayoko. Social distancing nga Jaki eh. Social DISTANCING. Wala munang kiss o hug.

From: Jaki ko

Walang makakapigil sa'kin! Kiss kita mamaya d'yan eh. Hmp.

To: Jaki ko

Hala sya! 'Wag po. Hahahhahaha. Bawal nga muna kasi Jaki. Flying kiss na lang. Mwa. O 'yan, pinapunta ko na sa DR niyo. Saluhin mo ah.

From: Jaki ko

Ayoko.

To: Jaki ko

Yabyu.




Pinatay ko na muna 'yung phone ko at tinuloy 'yung pag-aayos ng gamit ko.

*tok tok tok*

Napatingin naman kami ni Buern sa pintuan dahil may kumakatok.

"Ako na Ate." Pagpepresenta ni Buern. Agad naman siyang lumapit sa pinto at binuksan 'yun.

Nakita ko naman iniluwal ng pintuang iyon si Jaki. Nakapamewang at ang sama ng tingin sa'kin.

"Hoy pakiss." Mapangdiktang sabi nito sa'kin. Napatingin naman ako kay Buern na halatang nagpipigil ng tawa.

"Buern labas ka nga muna. May virus dito eh. Baka mahawa ka pa." Biro kong sabi kay dito.

"Hoooyy! Virus ka d'yan. Malinis ako sa katawan ko noh! 'Di katulad mo." Iritang sabi sa'kin ni Jaki. Natatawa na lang ako. Ang sarap talagang inisin ng babaeng 'to.

ViceJack One Shot StoriesWhere stories live. Discover now