5-Word Story

539 17 1
                                    

Jaki's POV

"Sige. See you!" Sabi ko sa mga co-dancers ko at umalis na. Katatapos lang ng rehearsal namin at ramdam ko ang pananakit ng katawan ko. Nakaramdam din ako ng uhaw kaya dumiretso muna ako sa isang coffee shop na malapit sa ABS.

Napansin ko ang mga disenyong nakalagay at nakasabit sa labas nito. Puro mga hearts at kupido.

Oo nga pala. Valentines' Day nga pala ngayon.

Hindi ko na lang ito pinansin at pumasok ba sa loob. Bumungad naman sa akin ang aroma nung kape kaya mas lalo naman akong ginanahan sa pagbili dahil sa sobrang bango nito.

"One Caramel Frappe please." Sabi ko dun sa cashier. Nginitian naman niya ako.

"Sige po Ma'am. 'Yun lang po ba?"

"Hmm.. sige, mag-add ka na din ng tinapay." Sabi ko dito. Iniabot ko sa kanya 'yung bayad ko at umupo saglit sa bakanteng upuan malapit doon sa bubog na pader. (A/N: Di ko lams tawag hahaha)

Kitang-kita ko naman 'yung mga sasakyang dumadaan at ilang couple na naglalakad.

Holding hands pa.

Bakas na bakas sa mga mukha nila 'yung saya. 'Yung iba naman, ramdam ko at kita kong hindi nila mahal 'yung isa't-isa. Tila nagpapanggap lamang at hindi na pagmamahal dun sa taong 'yun 'yung pinanghahawakan nila.

Ilang saglit pa ay dumating na 'yung order ko.

"Ma'am here's your order. Enjoy." Nakangiting sabi sa'kin nung waitress.

"Thank you." Sabi ko dito at umalis na siya.

Napansin ko naman 'yung note dun sa gilid nung plate na may lamang tinapay.





"Your first love changes you."

— 5Word Story





5 Word Story??

Napatigil ako saglit. Wala na. Naalala ko nanaman siya.

Agad din namang sumagi sa isip ko ang limang salita.





"Your smile changed my life."

"I miss you, mi amoré."




Hindi ko na lang 'yun pinansin at sumipsip na lang ako dun sa kape dahil sa uhaw. Doon ko naramdaman ang pagdaloy ng lamig sa lalamunan ko na ikinaginhawa ng pakiramdam ko.

"Ahh. Ngayon na lang ulit kita natikman. I missed you." Parang tangang sabi ko dun sa kape.

"I miss you too."

Nagulat ako nang may marinig akong magsalita.

Sinuri ko 'yung kape kung may bibig ba 'to o kung ano dahil sa misteryosong boses na narinig ko.

"Wala ka namang bibig. Pucha. Sino 'yon?" Para ulit tangang sabi ko dun sa kapeng hawak-hawak ko.




"Ako kasi 'yun."





Napatingin ako sa likuran ko.





Natigilan ako.





"V-vice?"





"Hi. I missed you." Bati nito sa'kin. Kita kong umupo siya sa upuang nasa harapan ko at kumurit dun sa tinapay tsaka ito kinain.

Ako naman, tulala pa din.






ViceJack One Shot StoriesWhere stories live. Discover now