Dalawa.

Tatlo.

BANG!

I pulled the trigger pointing to the wall at his back. Sinadya kong hindi siya patamaan kasi wala akong sapat na dahilan para patayin siya. Agad kong pinuntahan si De la Vega na puno na ng dugo ang kaniyang katawan. Marami na ring nawala na dugo sa kaniya at idagdag mo pa ang mga sugat at pasa niya rin sa katawan. Pinipilit niyang imulat ang mga mata niya pero inunahan ko na siya.

"Huwag mo nang ipilit pang imulat ang iyong mga mata De la Vega, mahihirapan ka lang. Ako na ang bahala sa lahat kaya huwag ka nang mag-alala." sabi ko habang tinatakpan ang sugat niya gamit ang damit ko na pinunit.

"Isabel... " napatingin ako sa kaniya. Parang nangungusap ang mata niya at may gusto siyang sabihin kaya napatingin ako sa likod ko. Only to find out that the man is pointing something on me. My reflexes are quick at mabilis akong nakailag. Naglaban kami at sinigurado kong tatamaan ko ang parte ng sa tingin ko'y   mawawalan siya ng malay pansamantala. Nakahandusay siya sa sahig at tsaka may pumasok na tao ay mali, mga tao pala. Mabilis nilang inalalayan si De la Vega.

--

"Anak...ikaw muna ay huwag kumilos at baka mas lalo kang malagay sa alinlangan 'pagkat sariwa pa ang iyong sugat."nag-aalalang sabi ni Doña Celestina kay De la Vega.

Nandito kami ngayon sa silid ni Doña Celestina kung saan nakahiga si De la Vega. Ginamot na ng mga doktor ang kaniyang natamong mga sugat. Sa ngayon hindi pa nakakaabot sa mga tao ang nangyaring pag-atake sa Gobernador-Heneral at nanatiling sa amin lang muna kasali na ang mga Hermañes. Marami ang napasugod dito sa hacienda ni De la Vega nang malaman nila ang nangyari kay De la Vega.

"Ina ako'y mabuti na. Hindi katulad kanina kaya 'wag na kayong mag-alala pa ng lubusan." pagpapanatag ni De la Vega sa kaniyang ina.

"Hangad ko lamang ang masiguro ang iyong kalagayan anak." sabi ni Doña Celestina. Ngumiti lang siya ng matipid. Wow. Ngumingiti din pala ang isang 'toh!

"Kami ay lubhang nabigla sa nangyari Martin. Kaya kami ay nababahala sa iyong kaligtasan." ani ni Don Miguel.

"Martin, ako ay nakikiusap na ingatan mo ang iyong sarili at laging pakatandaan ang halaga ng iyong kaligtasan sa amin." sabi naman ni Felicia na puno ng pag-aalala. Pag-ibig nga naman! Tsk!

"Bitter lang, Anderson? Palibahasa kasi, hindi ka pa naiinlove."

"Ayan! Sige makipag-usap ka pa sa isipan kong orasan ka! Eh ikaw? Diba hindi rin naman?! Makaasar ka no? Suntok gusto mo?"

"Hindi noh! Dahil hindi kami pwedeng makaramdam ng ganyan."

"Tumahimik ka na nga lang!"

"Paumanhin, Felicia ngunit hindi ito maiiwasan. Hayaan mong pakakatanda ko ang lahat iyong tinuran." si De la Vega 'yan.

Kami ay napatingin sa bungad ng pintuan at may dumating na lalaki. At sa tingin ko siya iyong 'Patricio' na minsang dumating din sa opisina ni De la Vega noon.

"Paumanhin kung kayo ay aking naabala ngunit may mahalaga akong sasabihin." panimula niya.

"Huwag kang mag-alala, Tamang-tama lamang ang iyong pagdating. Ano ang mahalaga mong sasabihin Patricio?" ani ni De la Vega.

"Ang salarin sa nangyari sa iyo ay aming nakausap. Ngunit kahit anong pagpapahirap ang aming gawin ay ayaw niyang magsalita." sabi ni Patricio. Well I expected that to happen. Sa ilang taon kong pagtatrabaho bilang pulis, naku 'yan talaga ang madalas na nangyayari. And the only solution to that is to caught him off guard. Napapailing na lang ako dahil dito.

Saving The Governor-General (Completed) ✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt