Na para lamang sayo..."

Muntik ko ng mabitawan yung gitara nung biglang may tumikhim sa may pinto nitong room.

"Oy nandyan ka na pala. Wait lang ayusin ko lang to"

Tumayo na ko at inayos yung gamit ko.

"Ang ganda talaga ng boses mo and sobrang dama yung emotion. Pero Lili bat di mo sinabi?"

"Ang?"

"Yung totoo mong nararamdaman sa kinanta mo. Bat di mo kayang sabihin sa tao na tinutukoy mo sa kanta"

"Kasi---"

"Bat di mo sinabi sakin?"

"Anong sinasabi mo dyan?"

Nananaginip na naman ba ko. Bakit ang weird na naman nito.

Pero grabe yung kabog ng dibdib ko.

"Nung sinabi sakin ni Yvonne noon yung dahilan kung bat nya ko nagawang lokohin. I thought isang pantitrip na naman nya yon o feel nya lang, dahil akala ko kaibigan lang talaga turing mo sakin. Pero nanggaling na sayo. Sa sinabi mo kanina"

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. O kaya ko pa bang magsalita sa harap nya.

"Nasasaktan na pala kita ng hindi ko alam. Bat hindi mo sinabi Haeli?"

"P-para saan? Alam ko namang si Yvonne ang mahal mo"

"Pero sana sinabi mo man lang para di kita nasasaktan... Haeli sobrang pasasalamat ko na naging kaibigan kita, and Im really sorry kung ang kapalit non ay nasasaktan na pala kita, sorry hindi ko alam"

"It's fine. Paghanga lang to. So don't worry"

Paghanga. Sinong niloko mo Haeli. You know na higit pa don.

Sinukbit ko na yung bag ko at yung gitara.

I try so hard na hindi mailang sa kanya.

"Tara na"

"Tulungan na kita dyan"

"Di na. I can handle"

Nauna na ko maglakad sa kanya.

Katahimikan.

Hindi ako sanay sa ganto. Sobrang layo sa dati.

"Bye"

Bumaba na ko sa tricycle at di na lumingon pa.

"Sandali lang Haeli"

Haeli. Nakakapanibago.

"Sana walang magbago"

Lumakad na ko palayo.

Alam kong hindi ganon kadali yon, dahil ngayon pa lang may nagbago na.

**

"Good morning. Sabay tayo mag lunch mamaya?"

"Sige. Maya na lang, may klase pa ko"

Napatigil ako sa paglakad nung muli siyang nagsalita.

"Bat parang hindi na ikaw si Lili na nakilala ko? Three weeks na yung lumipas, akala ko magiging okay din uli kaya hinahayaan lang kita. Pero ang cold mo parin hanggang ngayon"

"It's one of the reason kung bakit ayokong malaman mo. Dahil magiging awkward sa pagitan natin"

"Pwede namang hindi maging awkward di ba"

"Pano? Kalimutan ko kung ano yung nararamdaman ko every time na kasama ka? Its not easy like what you think"

"Bakit ba kasi naging ganto. Tanggap ko naman yung nararamdaman mo. Anong mali don?"

Napayuko ako.

"Nahihiya ako"

"Bakit naman?"

"Kasi magkaibigan tayo. Pero lumagpas ako sa limit"

"Hindi mo naman yon kasalanan. I know how hard it is na kontrolin yung nararamdaman but in the end yung puso parin natin yung nasusunod"

"Pero hindi ko to dapat nararamdaman"

"Paghanga lang naman di ba sabi mo? Wala namang masama don"

Hanggang don nga lang pala ang pagkaka alam nya. He doesn't know how I really feel. So bakit nga ba ko nag iinarte kung paghanga lang.

"I treasure our friendship Lili. Sana ganon ka rin"

Napaisip ako.

Kaya natatakot akong malaman nya non dahil ayokong mawala siya pero ako ngayon ang lumalayo sa kanya.

Sa nagdaang linggo. Im longing for what we have.

Hindi ko talaga kayang malayo sa kanya.

And Im so lucky dahil hindi siya lumayo kahit nalaman nya yung totoo.

Well. Not really the truth pero hays basta ayokong malayo sa kanya.

I really love him.

"Yes. Tama ka. Pasensya na"

"No. Wala kang nagawang masama. Ako dapat ang humihingi ng pasensya sa nagawa ko"

I sighed.

"Hindi mo naman alam eh"

"So Lili okay na tayo?"

Tumango ako.

Shete bat pakiramdam ko nagkaron kami ng lq hahah.

"Yes! Namiss kita Lili"

Nabitawan ko yung dala kong libro dahil sa bigla nyang pagyakap.

Na ikinagulat ng puso ko. Sobrang bilis ng tibok nito.

Agad akong napaatras kaya binitawan nya ko.

Mabilis kong kinuha yung mga libro ko.

Tinulungan nya ko habang todo ngiti siyang nakatingin sakin.

Nakakahawa grabe. Di ko rin naiwasan na ngumiti sa kanya.

"Here"

"Thank you"

"Sabay tayo mamayang lunch ah? Liliiii"

"Hahahah di naman halatang na miss mong itawag sakin yan"

"Kasi naman parang stranger ka sakin nung nakaraan"

"Wushu. Eh nung di pa nga tayo close yan na tawag mo sakin. Nung fc ka pa"

"Friendly nga kasi"

"Hahhaa parang naulit lang ah. Sige na bye"

"Bye Lili"

Tumalikod na ko. Hindi ko parin mapigilan ngumiti. Sobrang swerte ko to have him.

Sabi nga ng mga Stoics, maa-achieve lang ang tunay na kasiyahan sa pagiging kontento.

Hindi natin kayang baguhin ang tadhana. The only thing we are capable of doing is controlling our own thoughts to find peace.

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now