HWPB 16

8 11 1
                                    

"Dito ka lang. Bibili lang ako saglit ng pagkain"

"Hindi. Wag na. Busog pa ko, saka masyado na kong abala sayo"

"Hindi ka abala. Natural lang na mag alala ko sayo dahil kaibigan kita. Bibili lang ako saglit ah"

Kaibigan.

Yeah right.

"Ang kulit mo talaga noh. Busog pa talaga ko promise"

"Hayst sige sabi mo eh"

Imbis na humiga. Sumandal na lang ako sa headboard ng kama.

"Labas muna ko Lili"

"Tingnan mo to. Iiwan mo kong mag isa dito matapos mo ko pilitin na pumunta dito?"

"Take a rest muna. Para makapagpahinga ka"

"Oks na ko sa ganto. Dyan ka lang"

Umupo siya uli sa katabing upuan ng bed nitong clinic.

"Kamusta na nga pala? Madalang na lang tayo mag usap dahil sa sobrang busy"

"Ayon, stress. Madalang na lang din ako makapag online dahil sa dami ng gawain"
"Yung last na kita natin nung sa Garaje pa. Kamusta kayo?"

"Nakakausap ko na uli siya pero awkward parin. Lagi siyang nag so-sorry pero paulit ulit lang din bumabalik sa isip ko yung nangyari... Ang sitwasyon namin ngayon parang magkakilala lang na konting usap pag nagkita then thats it, ang hirap na talaga mabalik ang nasira na"
"Nga pala, nakasakay ka ba agad non?"

"Oo pero nabasa din ako dahil lumakas yung ulan bago pa ko makasakay"

"Sabi na nga ba wala ka na namang dalang payong eh kaya sinundan kita pero wala ka na"

"Umuwi ka na din non?"

"Oo"

"Si Yvonne?"

"After ko gamutin yung sugat nya umalis na din ako"

Sinundan nya pala ko that time.

Langya ang pa-fall ng lalaking to.

"Anyway magaling ka pa lang kumanta ah"

"Aist nakakahiya kaya boses ko, sinisipon pa ko"

"Pa humble naman haha. Sino nga ba yung tinutukoy mo sa kanta mo gaya ng tanong ng Sir mo?"

Napatigil ako.

"Kailangan talaga may tinutukoy sa kanta? Ginawa ko lang yung kanina para sa grade"

Ang galing mong umarte Haeli.

"Di ako naniniwala. I know meron kang tao na iniisip non"

"Mas kumulit ka ngayon. Anyare haha"

"Sino nga kasi?"

"Wala nga"

"Daya naman. Hindi ko man lang kilala kung sino yung taong gusto mo"

"Nasa Korea"

"Seryoso. Sino nga?"

"Loyal ako sa bias ko. His name is Lee Donghae. Okie?"

"Tss"

"Bahala ka kung ayaw mo maniwala"

Kinuha ko yung unan na sinasandalan ko saka ko tinakip sa mukha ko.

"Ayaw mo mahiga?"

"Ayoko, makakatulog ako. Ilang minuto na lang uwian na"

"Kaninong bahay yung pinupuntahan nyo sa north subd?"

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now