After mag dasal and magsalita sa mic nung tour guide namin. Pinatay na yung ilaw para makapag pahinga na kami dahil paniguradong 11pm pa kami makakabalik sa school.

Lumingon ako kay Aiden.

Nakasandal yung ulo nya at mukhang malalim ang iniisip.

Tumingin na lang uli ako sa labas ng bintana. Tinaas ko yung paa ko saka ko niyakap yung bag ko.

Ayoko talaga ng aircon. Hindi ako sanay pag di pinagpapawisan kamay ko. Naka jacket na ko pero sobrang ginaw parin.

"Gusto mong mag earphone?"

"Hindi na. Mas gusto kong enjoyin yung byahe"

Sumandal ako sa upuan. Nakita ko sa gilid ng mata ko na imbis na isuot nya yung earphone sa tenga nya, tinago nya na lang.

Tiningnan ko siya pero nakapikit na pala.

Ang bilis naman matulog.

Bumalik ako sa pagkakasandal.

Nabalot ng sobrang katahimikan ang paligid.

Nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.

"Haeli... bat di mo sinabi?"

"Ang alin?"

"Wag mo ng ideny"

"Ano ba sinasabi mo?"

"Wag na lang. Kung ayaw mo... Pero Haeli maniniwala ka ba kung sabihin kong nagustuhan din kita?"

"Aiden nasasabi mo lang yan kasi ako yung nasa tabi mo nung niloko ka nya"

"Haeli"

"Aiden stop it. Alam kong si Yvonne lang ang laman ng puso mo"

"Dyan ka nagkakamali, you don't know what's inside my heart"

"So bakit mo ngayon sinasabi? Para ano? Para paasahin ako dahil alam mo pala na may feelings ako sayo?"

"No. Gusto ko lang malaman mo. And I realized na napaka tanga ko. Gaya ng sabi mo kanina, may tao sa paligid natin na totoong nagmamahal satin pero di natin mapansin kasi naka focus tayo sa gusto natin. Ikaw Haeli. I was so lucky to have you kaya hindi ko napigilan na mahulog din sayo and Im sorry dahil nasasaktan na pala kita because of Yvonne"

Wala kong masabi.

Halo halong emosyon.

"Haeli. I think I still like you"

"Aiden...."

"Hey Lili! Lili!"

Napadilat ako ng mata nung may tumatapik sa pisngi ko.

Napamura ko bigla.

Shete isang panaginip!

Sabi na nga ba dahil ang weird lang sa pakiramdam na sasabihin yon ni Aiden right at this moment na broken siya.

Napaayos ako ng upo.

"Bakit?"

"Nananaginip ka"

"Eh bat ka todo makangiti dyan?"

"Paulit ulit mo kasing binabanggit name ko. Ikaw ah haha akala ko tinawag mo ko after ng sobrang katahimikan pero tulog ka na pala at ako ang laman ng panaginip mo"

"Napanaginipan ko yung nangyari kanina"

Pagpapalusot ko.

"We?"

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala"

"Hahahahh kala ko ba di ka natutulog sa byahe?"

"Di ko rin namalayan. Sobrang nakakapagod kasi"

"Kaya nga eh. Pero nakakabadtrip lang kasi ayaw akong dapuan ng antok"

"Mag earphone ka na kasi"

"Di na. Napaisip din ako sa sinabi mo eh. Mas okay din pala minsan yung sobrang katahimikan tas yung tunog lang sa paligid yung maririnig"

"Yeah. Yung sound na mula sa reyalidad. Weird pero nasa isip ko kasi enjoyin yung moment ng mundo habang nandito tayo. Kaya gusto ko ma experience yung iba't ibang bagay, to give myself some time narin, malayo sa lugar na puro stress"

"Ang lalim"

"Maturity hits me"

Nagkaron uli ng katahimikan samin, at pinilit ko na hindi na talaga makatulog.

10 pm na pero malayo parin kami sa Bulacan.

Napalingon ako kay Aiden nung bigla siyang sumandal sa balikat ko.

Ayaw daw dapuan ng antok pero naghihilik na hahah.

Sayang lang dahil di ko siya matitigan.

Napangiti ako sa pwesto namin.

At the same time, naaawa for Aiden.

Lagi na lang siyang sinasaktan ni Yvonne and hindi ko alam na broken family pala siya.

Ako kasi parang nasasanay na sa sitwasyon sa bahay na laging nagsisigawan mga magulang ko. Kundi dahil sa pamangkin ko na inaalagaan nila dahil nasa work sa Manila ang kuya ko at asawa nya baka hiwalay na ang parents ko.

Natatakot tuloy ako pag nagkaron ako ng partner sa future, dahil nakita ko kung pano magbago yung feelings sa isa't isa ng mga magulang ko. After almost 28 years na kasal sila bigla na lang parang nawalan ng bisa.

Kaya itong lalaking nasa tabi ko, na bigla na lang sumulpot sa buhay ko, na nagkaron ng malaking part sa life ko. Im very thankful dahil pag siya ang kasama ko nakakalimutan ko yung problema ko sa bahay. Because of him kaya ko parin tumawa at ngumiti ng totoo.

Kahit nasasaktan ako, yet siya din ang reason kung bakit nararanasan ko yung kakaibang feeling na sa kanya ko lang naramdaman.

He Who Passed By (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon