Pumunta lang pala sila dito para maupo at hindi manuod tsk sayang naman.

Susuot ko na sana yung eyeglass nung makilala ko kung sino yung tinitingnan nya di kalayuan sa harap nya.

Its Yvonne and her ex? Uhm wait di ko alam ano status nila, kung sila pa nga ba.

"Bat kailangan dito pa tayo mag usap?  May mga kasama ko"

"Masama ba kung gusto kitang masolo"

"How many times do I need to tell you na tumigil ka na. Move on please"

"Move on? Sana ganon kadali yon no. Minahal kasi kita ng sobra pero ako...pinagpalit mo lang ng basta basta"

"Sorry pero siya talaga ang mahal ko"

"Pero ikaw mahal ka ba nya?"

Napatigil si Yvonne.

Hindi ko dapat sinasayang ang oras ko sa issue nila pero hindi ko magawang umalis.

"Pano kung mahal din nya ko. Titigilan mo na ba ko... kami?"

"No. Alam ko ang sitwasyon mo Yvonne. You're pregnant and hindi ko kayo kayang iwanan ng basta basta gaya ng ginawa mo"

"P-pano. P-pano mo nalaman?"

"Oo lasing tayo nung nangyari yon pero we both know kung anong nangyayari and pareho nating ginusto yon"

"S-shut up. H-hindi. Isang pagkakamali ang nangyari. H-hindi dapat yon n-nangyari"

"You're 3 weeks pregnant. Alam mo na hindi kita iniwan kahit pinagpipilitan mo kong layuan ka. And now mas lalong hindi ko yon kayang gawin sayo.. sa inyo"

Naalis yung pagsandal ko sa upuan at agad akong napatingin kay Aiden.

F*ucking sh*t.

Napakuyom ako ng kamay at bigla na lang tumulo yung luha ko.

Sobrang pagtitimpi na yung ginagawa ko para lang di magkagulo, pero gustong gusto ko ng sabunutan tong babaeng to.

Nakakapanggigil!! Tangna!

Bakit lagi nya na lang sinasaktan si Aiden!

Bakit kung kelan natatanggap ko na, na sila ang bagay, na extra lang ako. Bakit ganto pa.

Sa kabilang banda, dapat maging masaya ko dahil baka may chance na mahalin nya din ako... pero hindi eh. Dahil alam kong si Yvonne talaga ang mahal nya.

Tumayo si Aiden na nakakuha ng attention nila.

"I thought... No... Umasa ko... na meron pang chance satin. K-kung hindi ko pa nalaman, malamang patuloy mo kong paglalaruan. Buti na lang nalaman ko ng mas maaga para hindi na ko uli magmukhang tanga. Anyway congrats again"

Tumayo narin ako para sundan si Aiden.

Pero bago ko lumabas, tumingin ako kay Yvonne.

Inis, galit, halo halong negative ang gusto kong mabasa nya sa mata ko but in the other side ayaw parin tumigil ng luha ko kaya tumalikod na ko.

Agad kong nakita si Aiden na galing sa isang food stall at papunta ngayon sa Space Shuttle.

Hindi nawaglit sa mata ko ang agad nyang pagpahid ng luha at pagbuntong hininga.

Sh*t naiiyak na naman ako.

Sobrang babaw kasi talaga ng luha ko pag mahalaga sakin ang usapan.

Pagdating nya sa pila. Naglingap siya kaya lumapit na ko.

"San ka galing?"

"Dyan lang. Uhm pede mag Ferris wheel na lang muna tayo?"

"Kala ko ba gusto mo ma try to?"

"Nagbago na isip ko. Light na rides muna"

"Sige. Eto oh, sensya na natagalan"

Inabot nya sakin yung binili niya.

In his simple action, sobrang laki na ng impact sakin. Pakiramdam ko mahalaga ko sa kanya dahil hindi nya ko iniwan kahit alam kong gusto nyang mapag isa dahil sa nangyari.

"Salamat. So tara?"

Tumango siya kaya medyo nauna na ko maglakad.

Lumingon ako sa kanya and with that biglang nagbago yung reaction nya.

I know. Pinipilit nya lang ngumiti pag nakaharap ako. Kaya mas minabuti kong mauna na lang maglakad.

Konti pa lang yung pila sa Ferris wheel dahil maaga pa. Pag malapit na ang sunset for sure sobrang haba dito.

Open ang Ferris wheel dito unlike SkyRanch kaya mas dama yung paligid.

Sobrang lakas ng hangin at ang ganda ng view.

Magkaharap kami pero tumagilid ako at pinagmasdan ang paligid.

Nag take ako ng pictures ng view at konting video ng paligid.

Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin.

Manahimik na lang ba talaga o sabihin kung anong nalaman ko.

One move can change the atmosphere.

Pinili ko na lang na manahimik not until si Aiden ang nagsimulang magsalita.

"Wala na...wala ng chance samin. Hindi na talaga mababalik sa dati ang tuluyang nasira na"

Di ako nagsalita at inintay lang siyang mag open up.

"Hindi mo ba itatanong kung bakit?"

Tumingin ako sa kanya. Namumula yung mata nya, pinipigilan nya ang luha nyang wag tumulo.

"Alam ko kung bakit. Sorry, hindi dapat ako nangialam pero kasi...sinundan kita"

Napaiwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan.

"Ganon din naman ginawa ko. Kung hindi ko yon ginawa, malamang nagmumukhang tanga parin ako ngayon dahil di ko alam na buntis pala siya and yet she always kept on telling me how much she loves me"

"Mutual naman ang feelings nyo di ba"

Napahilamos siya ng mukha.

"Yan ang pinanghawakan ko, dyan ako umasa, and now it's nonsense. Yung bata ang mahalaga dito. Na karapatan nya na makasama yung totoo nyang magulang... Ayokong manira. Kasi naranasan ko din kung gano kahirap ang broken family"

Natahimik ako.

Hindi ko pa nga talaga siya kilala. Hindi kasi kami nag o-open about family. Kagaya ko, I think di rin siya komportable na mag kwento kapag tungkol sa pamilya.

"Pero mahihirapan din yung bata kung di rin naman magkasundo yung magulang nya. Kasi hindi mahal ni Yvonne si Tristan. Sa hindi maayos na pagsasama ng magulang, ang bata ang lubos na nahihirapan. I can relate with that"

"Hindi natin alam, malay mo mahal o mahalin din siya ni Yvonne. Naging sila nga di ba"

"Malay. Pano kung hindi. Naging ex nga di ba"

"Teka nga. Hindi porket Humss ka lagi ka na lang nakikipag debate. Dapat nga kino-comfort mo ko"

"Hoy anong pina-pout mo dyan. Para kang bata at hindi broken"

He sighed at bigla na lang tumulo yung luhang kanina pa nya pinipigilan.

He Who Passed By (Completed)Where stories live. Discover now