--Chapter Three--

Start from the beginning
                                        

    "The dead won't give you answers."

     Gulat na napalingn si Xandria. A man was standing in a distant tree. Nakasandig ito sa puno at nakatanaw sa malayo.

      "Who are you? How long have you been there?" sa garalgal na boses ay tanong niya.

     "Long enough to witness you talking to a grave."

       Pilit inaninag ni Xandria ang lalaki ngunit dahil kalat na ang dilim at medyo may kalayuan ang lamp post sa bahaging kinaroroonan nila'y hindi niya makita ang mukha nito, lalo pa't hilam ng luha ang kanyang mga mata.

      "No matter how long you stay and ask, walang sasagot sa katanungan mo rito. It's dark, you should leave now," he said and pushed against the tree to straighten up. "Ikaw rin, baka magising ang mga patay dito sa kakapalahaw mo at multuhin ka," sabi pa nito bago tumalikod palayo.

      Ang kanina'y hinagpis na nararamdaman ni Xandria ay biglang nahalinhinan ng pagkayamot para sa walang modong lalaking gumambala sa kanya, at takot ng mapagtantong wala nang ibang taong naroroon sa madilim na bahagi ng memorial park.

     Mabilis siyang tumayo at nilisan ang puntod ng ina.

       "HELLO, Xandria. Come here, come here."

      Lumapit si Xandria kay Valeria na agad namang nakipag-beso-beso sa kanya. Nasa shop sila ng kakilala nitong siyang gagawa ng kanyang wedding gown. Nilingon niya si Sabrina at nginitian ngunit inismiran lang siya nga babae.

      Magkasalungat ang pakikitungo nina Valeria at Sabrina sa kanya. She met the mother and daughter last night when James asked – correction commanded – her to have dinner with his family. Her father was also there ngunit tila hindi siya nito nakikita at busy itong nakikipadiskusyon kay James tungkol sa negosyo.

        Valeria took a warm approach. Magiliw itong makipag-usap sa kanya.Asikasong-asikaso siya nito while Sabrina gave her the cold shoulder. Ilang beses siya nitong binara, bagay na pinalampas lamang niya. She also rudely commented her dress. Wala ba raw siyang alam sa fashion that she looked dull and boring? The entire night, she did not gave her the warm look she was throwing in James direction.

      Xandria is a very observant person. Kaya naman, before the night ended, she got something fishy about Sabrina.

      "Hello Sabrina," bati pa niya sa babae giving her one of her naughty smile. 'Alam ko pinagpuputok ng butse mo, girl. Got some little secret for your step-brother?' Nilapitan niya ito at akmang hahalikan ngunit agad na umiwas si Sabrina, giving her a dagger look. She discreetly gave her a wink at muling hinarap si Valeria.

        Matapos siyang pumili at magsukat ng mga ready to wear wedding gowns ay niyaya naman siyang mag-shopping ni Valeria. Ibibili raw siya nito ng sapatos as her wedding gift. She politely declined pero nagpupumilit ang babae kaya wala na siyang nagawa kundi hayaan itong hilahin siya sa kung saan-saang boutique. Nagmamaktol namang nakasunod rin sa kanila si Sabrina.

      Mula sa boutique sunod siya nitong dinala sa isang spa.

      Xandria was tired ngunit nahihiya siyang basta na lang iwanan si Valeria. The woman is being nice to her after all. At least may isa man lang sa pamilya ni James na maayos ang pakikitungo sa kanya.

      Gabi na ng makabalik siya sa mansion ng ama. Yes, mansion ng kanyang ama dahil na realize niyang noon pa ma'y wala naman talaga siyang pag-aari sa bahay na iyon. Lahat ay pagmamay-ari ng kanyang ama.

      Papanhik na siya dapat sa kanyang silid ng makita niyang nakaawang ang pinto ng opisina ng kanyang ama. Napatigil siya sa pagpanhik at nakiramdam kung may tao ba roon. Ilang saglit pa'y bumaba siya ulit at iniwan ang bitbit na mga bags sa sofa at nagtungo sa opisina ng ama.

     She remembered that her father strictly prohibits her to be in his office especially if he's not there. Noong elementary pa lamang siya ay minsan siyang pumasok at nag laro sa mesa nito. Nang madatna siya nito, hindi lamang siya napagalitan. Napagbuhatan pa siya ng kamay ng kanyang ama. She never understood why ganoon na lamang ang galit nito noon.

        Pushing the door, he called for him, pero walang sumagot. Pumasok siya at nagpalinga-linga sa paligid. Madilim ang silid kaya't binuksan niya ang lampshade. Naupo siya sa swivel chair ng ama at pinaikot-ikot iyon. Pagkuwa'y natuon ang paningin niya sa picture frame na nasa ibabaw ng desk. It was the picture of her mother.

         "He loved you so much that he can't even spare a little for me," she sighed while touching her mother's face.

        Akmang ilalapag na niya ang frame ng may mahagip ang mata niya sa ibabaw ng desk kung saan dapat ito naka lagay. There was a small wooden box. Hindi mo ito basta makikita kung nakapatong ang frame sa desk. It was positioned behind her my mother's picture frame. Inabot niya ang box at binuksan iyon. Walang laman ang box maliban sa isang maliit na susi.

       Putting the frames aside, Xandria took the key and examined it. Then, she looked for a lock na pwedeng paggamitan niyon. She checked her father's drawers ngunit walang pagkasyahan ang susi.

     Curiosity and instinct pushed her further kaya't mula sa desk drawers ay sinunod niyang i-check ang bookshelf. And there behind some thick books is a medium size wooden box. She took it down and hurriedly opened her.

       The box contained some newspaper clippings, a notebook at iba pang papel. Taking out the papers, she found a brown envelope na may laman na mga litrato. Checking each one of them, her heart started to race. Mga litrato iyon ng kanyang ina. Mayroong mag-isa lang ito at may mga kuhang may kasama itong lalaki. The last three pictures horrified her and she almost fainted.

        Putting the pictures back to the envelope and the envelope back to the box, she started to read check clippings.

      What she found out that night shattered her whole world. 

It Started With A LieWhere stories live. Discover now