The preparations will be done by David's third wife, ang step-mother ni James at ng anak nitong babae. Gaganapin iyon sa isa sa mga hotel ng Kane Group of Companies. All preparations will be done by James' people. Ayon pa dito, si Valeria na step-mother nito at ang step-sister na si Sabrina ang bahala sa kanyang wedding gown.
Gustong humalakhak ni Xandria sa gitna ng pag-uusap na iyon. Parang hindi siya nag-e-exist at ni isa ay wala man lang nagtanong kung may opinion ba siya o wala. Lahat ay naka plano na na parang bang bago pa man pumunta sa bahay nila ang mag-ama ay buong-buo na ang plano at siguarado nang sasang-ayon siya.
'Wag ka ngang patawa, Alessandra Xandria! Ni hindi ka nga tinanong ng ama mo kung pumapayag ka ba o hindi sa desisyon niya! May magagawa ka ba?' kutya pa niya sa sarili.
Natapos ang pag-uusap na iyon na walang ni isang salitang namutawi sa kanyang bibig. Iilang beses siyang sumubok na magbigay ng saloobin ngunit agad siyang pinapatahimik ng kanyang ama. Pakiramdam niya'y para siyang batang paslit na walang karapatang sumabat sa usapan ng matatanda. Nagulat pa siya ng tumayo na ang mag-ama at nagpaalam nang umalis.
"I will ask Sabrina to find someone to help you and teach you some etiquette. I'm soon to be a chairman of one of the biggest companies in this country. Ayokong may masabi ang mga tao tungkol sa akin o sa magiging asawa ko." Walang emosyon pang sabi ni james bago ito dere-deretsong lumabas ng pinto.
THE SUN IS ALMOST hidden behind the distant mountains, ngunit hindi tuminag sa pagkasalampak sa damuhan si Xandria. Nilaro-laro niya ang mga petals ng bulaklak na nakalagay sa puntod ng kanyang ina habang nakatitig sa liwanag ng kandilang sumasayaw sa bawat paghihip ng hangin.
Kanina, nang umalis ang mag-amang Kane ay nagkulong siya sa kanyang silid. Ni hindi nga man lamang siya sinubukang kausapi ng kanyang ama. Gusto niyang humingi ng explanation. Gusto niyang malaman kung bakit nito nagawang ipagkasundo siya sa lalaking kanina lang niya nakilala. She waited for him to come and tell her his reasons ngunit nabigo siya. Her father acted like nothing happened.
Sabagay, bata pa naman siya'y ganoon na ang ama sa kanya. Hindi ito nag bibigay ng rason o eksplenasyon. Hindi ito nagbibigay ng oras. Hindi ito nagtatanong. Basta't pag sinabi nito ay iyon ang masusunod. Her father never showed her love or affection. Simula ng magkaisip siya ay ang mga yaya na niya ang nakamulatan niyang nag-aaruga sa kanya. It's her nanny who attended her school events. She tried everything she could to gain her father's attention but nothing worked. She excelled in her studies for her father to be proud of her pero wala kahit isang "good job". She tried rebellion when she was in high school but it did not work as well. Her father just scolded her once and told her na she can do anything she want with her life pero huwag daw niyang ipapahiya ang pangalan nito.
"Why is he like that, Mom?" tangis niya sa harap ng puntod ng ina. Hindi na niya maalala kung ilang beses na niya iyong tinanong ngunit hanggang ngayon ay wala siyang mahagilap na sagot.
All she had were blurred memories of her father telling her na kasalanan niya ang lahat. It was all her fault. Ngunit hanggang ngayon ay hindi malinaw kung ano ang kasalanan niya at kung bakit ganoon na lang ang attitude sa kanya ng kanyang ama.
"Ang unfair naman Mom. I am well provided ngunit bakit ganoon, pakiramdam ko,salat na salat ako kumpara sa mga kaibigan kong kailangan pang kumayod ng todo para lang may makain. Bakit ganoon?"
Ang bigat-bigat nga dibdib niya. Pakiramdam niya'y hinihiwa iyon at tinatarakan ng ilang daang kutsilyo.
"All my life Mom, I made myself believe that Dad loves me too, only he doesn't show it. All my life, I wrapped myself in this make-believe bubble to comfort me that Dad provided me everything I needed because he loved me too. Pero now I realized, I'm so stupid living in that fantasy Mom. That man never ever loved me and I don't fvckin' know why!"
KAMU SEDANG MEMBACA
It Started With A Lie
RomansaAlessandra lived in a lie all her life. Kaya naman sunod-sunuran siya sa lahat ng gustuhin ng ama. But nights before her wedding, she found out the truth and it cemented her decision to ran away. Sa Paradizo Resort siya napadpad. The island resort i...
--Chapter Three--
Mulai dari awal
