"So everything has been planned then?"
"The election for the next chairmanship of the board will be happening soon. Kailangang pulido ang lahat. I won't tolerate any error or mistake. Also, as agreed, sa iyo pa rin ang share mo sa kumpanya as long as you can convince the other board members to vote for me."
Lumong-lumo si Xandria sa mga narinig. What is happening to her life? Eversince she was young ay ipinadama na sa kanya ng kanyang ama that he doesn't care for her. Ni minsan ay hindi ito nagpakita ng affection sa kanya. But ang gawing siyang pambayad utang ng sariling ama, that is too much for her to bear.
Nagrerebelde man ang kalooban ay pinilit niyang magpakahinahon. She took several deep breaths at pilit na ikinalma ang sarili. She suppressed her tears at ang ibang mga nakahulagpos ay mabilis niyang pinalis sakanyang mga pisngi. More deep breaths and a plastered smile, she prepared to face the men that had torn her into pieces.
She knocked a few times, pinihit ang door knob at itinulak ang pinto. Agad namang napalingon sa direksyon niya ang tatlong lalaking natigil sa pag-uusap. Matamis ang ngiting binati niya ang mga ito, pretending like she wasn't broken a while ago.
Ang ama niya ay nakaupo sa pang-isahang sofa, samantalang ang isa pang matandang lalaking mukhang banyaga at tantiya niya'y nasa edad otsenta na ay naka –upo samahabang sofa. At ang huli niyang pinagtuunan ng pansin ay ang lalaking nakatayo malapit sa bookshelf ng kanyang ama. Matangkad ito, mestiso at kahawig ng matandang kaharap ng kanyang ama. Istrikto ang ekspresyon ng mukha at magkasalubong ang kilay ng tumingin sa kanya. Was it disgust written in his face?
"Bakit ngayon ka lang?" sita ng kanyang ama. "Kanina pa kita ipinatawag."
"I'm sorry Dad. Nag-jogging po kasi ako at kababalik ko lang," ekspleka niya.
"You're almost thirty minutes late," malamig na sabat ng lalaking nakatayo malapit sa shelf. "I am very strict with my time. Ayokong pinaghihintay."
She did not expect that. 'At sino 'tong herodes na to na kung makaasta ay parang hari ng sanlibutan?Tatay ba kita?' Hindi siya umimik ngunit tinapunan ng matalim na tingin ang lalaki.
"And you dare to face your fiancé wearing a track suit? Young lady, that is unacceptable," malumanay ang pagkakasabi ngunit halata rin ang pagka disgusto sa tinig nga matandang lalaki.
"I am sorry about my daughter," apologetic namang sabi ng kanyang ama.
"Pasensiya nap o kayo. Kagagaling ko lang po sa pagtakbo sa labas. Alangan naman pong naka gown ako, di ba?" Hindi na niya napigilang maging sarkastiko.
"Shut-up, Alessandra Xandria!" singhal ng kanyang ama. Ito lang ang tanging gumagamit ng kanyang buong pangalan, lalo na kapag galit o sinisita siya nito. "How can you be rude sa magiging asawa at magiging father-in-law mo? Hindi kita pinalaki at pinag-aral para maging bastos!"
Hihirit pa sana si Xandria ngunit nakita niyang dumilim ang anyo ng lalaking nakatayo sa shelf kung kaya't sa kabila ng paghihimagsik ng kalooban, minabuti na lamang niyang manahimik.
ANG MGA SUMUNOD na sandal ay hindi na niya halos na Malayan. She was introduced to James, her soon-to-be-husband at ang ama nitong Filipino-American, si David.
Matapos ang introduction ay nag-usap ang tatlong lalaki tungkol sa gaganaping kasal nila ni James. They talked about her wedding na parang hindi siya kasali. Ni walang isa sa mga ito na nagtanong ng opinion niya. Actually, parang sinasabi lang ni James kung ano man ang napagplanuhan na ang kanyang ama ay sumasang-ayon na lamang sa mga ito.
YOU ARE READING
It Started With A Lie
RomanceAlessandra lived in a lie all her life. Kaya naman sunod-sunuran siya sa lahat ng gustuhin ng ama. But nights before her wedding, she found out the truth and it cemented her decision to ran away. Sa Paradizo Resort siya napadpad. The island resort i...
--Chapter Three--
Start from the beginning
