19. Outing

67 2 2
                                        

Aliah's POV

Sembreak na.. at ano ang meron kapag sem break?

OUTING!!

Kyaaa! On the way na kame ngayon sa beach resort. Three days kami dun. Bwahahaha!

“AISH. Art ano ba! Ang bigat kaya ng utak mo!!” =___=

Asar to. Matulog daw bas a balikat ko?!

“Kyaaa~ inggit ako! Rhayjan ikaw din dali higa ka sakin!”

=____=

At sino ang maingay na nilalang nay an? Si Chelai lang naman. Sya lang naman ang may lalamunang pinaglihi sa megaphone e.

Kasama namin ngayon si Rhayjan. Remember yung katabing room ko sa dorm? Close sila ni Chelai e. kaya nung niyaya ako na isama daw si Chelai, pinasama na din ni ate Althea si Rhayjan sa outing namin. The more the merrier daw. ^_____^

“Ano ba Chelai chinachansingan mo nanaman ako e!” poreber masungit yan si Rhayjan. =____=

“Sus gusto mo naman. Halikan kita jan e.” at ang poreber malandi  kong kaibigan. =____= minsan talaga hindi ko alam kung pano ko naging kaibigan yan e.

“Aliah dito ka nalang tabi tayooo. T____T”

“Sorry Pat ayaw umalis ng damuhong to sa pagkakahiga sa malambot kong braso e.”

“Pare, tanggapin mo na kasing wala kang pag-asa.” Tapos tinap ni Exian yung balikat ni Pat. Magkatabi kasi sila. Nasa kabilang side namin yung dalawa.

“Hahahaha! Forever alone ang peg niong dalawa ni Pat ah?” pang-aasar ni ate Althea kay Exian.

“Yabang mo ate Althea. Porket forever love team kayo ni Vin jan. Kunwari pa kayo pero may tinatago namang pagtingin sa isa’t isa. Tamo mamaya hahawakan na ni Vin yang kamay mo!”

Bigla namang napasipa si Vin. Nasa likod kasi namin sila ni Art. Tumingin ako sa likod para silipin yung dalawa. Aba! Mga mansanas ang muka! Kyaaa! sabi na may something dito sa dalawang to e.

“O-oy Aliah. Anong tinitingin tingin mo jan?”

“Eh bat namumula ka jan Vin?” tapos nginitian ko sya ng nakakaloko.

“H-hindi kaya! Story teller ka! Bagay sayo yung Basha! Lola BASHAng!” bwahahaha! Ang sungit talaga neto ni Vin. Kinikilig naman. Pinagtawanan nalang namin nila Pat at Exian sila Vin. Pikon kasi e. sarap pag-tripan! Hahaha.

“Tignan mo Janjan. Sila ate Althea din ang sweet! Naiinggit ako!” pagmamaktol ni Chelai. Close na agad sila ni ate Althea nung nagkakilala sila kanina e. pareho kasing kalog.

“Edi maghanap ka ng ka-partner mo! H-hoy Chelai! Minamanyak mo talaga ako!” pareho sila ni Vin, napakasungit!

Tapos nagtawanan nanaman kami nila Pat at Exian. Si Chelai naman kasi, biglang kinuha yung kamay ni Rhayjan tapos pinilit makipag-holding hands! XD

“Ahh. Ingaaaay.”

“Aahhh! Salamat naman nagising ka na din? Sineswerte ka ata’t natulog ka pa talaga sa balikat ko?” nagkukusot kusot sya ng mata nia pero nakasandal pa din sya sa balikat ko.

Tapos bigla syang tumingala para makatingin sakin with nakakalokong ngiti..

“Swerte nga.. ikaw una kong nakita pagmulat ko ng mata e.”

O____________O

“Ang cheesy mo ha. magtigil ka, kakagatin kita.”

“I’d be willing if you’re the one who’s gonna bite me.”

Count on MeWhere stories live. Discover now