Hindi pa man pormal na nagsisimula ang klase,ang init-init na ng ulo ng lalaking nasa harapan.
Nakaupo ito sa may teacher's table at nakakunot ang makapal nitong kilay. May magagandang mata,matangos na ilong at mapupulang labi na sinisiguro kong malambot din. Dagdag kagwapuhan pa ang pagiging matikas at malinis. Hindi mo aakalaing may asawa na ito dahil mukhang bata pa.
Tunay na gwapo ang adviser namin!Ang kaso ubod ng sungit!
Ilang minuto na rin siyang dakdak nang dakdak sa harapan. Dinaig niya pa ang pari kakasermon sa amin tungkol sa dumi at kalat noong nakaraang taon. Kulang na lang isisi niya sa amin ang hindi dire-diretsong pagkapanalo ng mga estudyante niya sa taunang paligsahan sa kalinisan.
Nako! Kung alam niya lang kung anong kalat ang iniiwan ng mga estudyante niya at kung paano kami salubungin ng masasamang tingin at maaanghang na salita tuwing uwian ng mga iyon!
Ang sarap nila sabunutan!
Buti na lang talaga't nakabawi na kami. Sa papaanong paraan?sinira lang naman ng mga kaklase ko yung props nila sa play. Oo,tapos na ang play nila non pero pinaghirapan nila ang mga iyon kaya manghihinayang pa rin sila.
Napairap na lang ako sa pagkairita. Sermon na sa bahay,sermon din dito?buhay naman talaga,oo!
Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Nakakatuwa pa rin na halos kumpleto pa rin kami ngayong taon. May kakaunting nabawas at nailipat pero ang mga taong labis na malapit sa akin ay kasama ko pa rin sa huling taon ko sa paaralang ito.
Muli kong iginala ang mata ko,inobserbahan ko ang bawat galaw ng mga bagong mukhang naisama sa section namin. Mukha naman silang mabait. Napalingon ako sa lalaking katabi ko. Medyo mataba siya ngunit masasabi kong may itsura ito. I wonder what's his name. Ayoko namang magtanong at baka masabihan pa akong feeling close.
Napadako ang tingin ko sa harapan,sa mga babae. Apat na bagong salta. Dalawang mukhang tahimik at dalawang mukhang mataray.
Sa likuran,may dalawang lalaki. Isang payat na maliit na mukhang tahimik at ang isa't katamtaman,maputi at sinisiguro kong kahit nakaupo ito ay matangkad ito. Sanaol!
Nagtama ang paninigin naming dalawa. Agad akong nag-iwas ng tingin sa hindi ko malamang dahilan. Ang mga mata niya,walang ekspresyon at damang-dama ko sa pagkatao niya na tahimik at misteryoso siya.
He got my attention that easy, I wonder why?
I brushed the thought away. Never mind him. Ano bang pakealam ko sa kanya?Hindi ko naman siya kilala at wala Kong balak kilalanin siya. He's not attractive anyway.
Binalik ko ang tingin ko sa harapan. Hindi ko napansin tapos na magsermon ang gwapo naming adviser at ngayo'y magpapakilala na siya.
"I'm Mr. Aristotle Nieves,your adviser and Filipino teacher"
Nagsitanguan naman kami ng mga kaklase ko. Rinig na rinig ko rin ang pagbubulungan ng mga kaklase ko. Hindi na ako magugulat kung isang araw biglang malaman kong crush nila ang adviser namin. Ang mga 'to talaga,tirador ng teacher!
Matapos magpakilala ng adviser namin,idiniscuss niya ang lahat ng dapat naming malaman. His rules and regulations. Napag-usapan ring sa pasukan na lang talaga kami mag-elect ng class officers. Tinanong niya rin kami kung anong mga inaasahan namin ngayong grade 10 at kung ano-anong gusto naming gawin sa classroom namin para lang mapaganda itong plain and boring classroom namin. At isa sa mga pinakamagandang suggestion nila?
Electric fan!
Matapos niya magpaliwanag,ibinigay niya na sa amin ang lahat ng oras na natitira basta wag lang daw kaming masyadong maingay.
As usual,my classmates are all talking. Nagkikwentuhan sila tungkol sa mga ginawa nila sa bakasyon kahit alam naming pare-parehas na nakatunganga lang kami sa mga bahay namin.
Tumayo ako and I start to roam around the classroom. Linapitan ko ang mga bagong salta. Kumaway ako sa kanila at nginitian sila. Kung kanina,iniisip ko na baka sabihan nila akong feeling close,ngayon hindi na. Eh dadating din naman sa puntong makikilala ko sila e,edi gawin na ngayon.
Napatingin uli ako sa lalaking nasa likuran. Nakatungo siya sa desk niya. Mukhang natutulog siya.
Mabilis na natapos ang araw. Hindi pa masyadong madilim nang sabihin sa amin ni Sir. Nieves na pwede na kaming umuwi. Nagsitayuan ang mga kaklase ko at nagsihingian ng pulbo at pabango. Isa-isa silang nagpapagwapo't nagpapaganda samantalang ako pinapanood lang sila.
Mabilis na nahagip ng mata ko ang walang emosyong lalaki. Hindi niya na hinintay ang pormal na pagpapaalam sa adviser namin at sa isa't isa. Dire-diretso itong lumabas ng classroom at tila nagmamadali.
Ganoon na lang ba talaga siya kauwing-uwi?
"Hindi ka pa ba uuwi Miss Marcelo?"
Napapitlag ako sa narinig. Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Gaano katagal ko ba inisip ang lalaking iyon at ako na lang pala natira?Agad akong lumingon sa gilid at nakita ko ang adviser namin. Ngumiti lang ako at agad na lumabas ng aming silid.
Jusko! Nakakahiyaaaa!
And that day,Hindi ko akalaing ang lalaking iyon ay may malaking parte sa buhay ko
YOU ARE READING
All The Beautiful Heartbreaks And You
Teen Fiction"After all the heartbreaks you've caused,I don't know but my heart still chooses you" 'Wanna know a two-sentenced heartbreaking story?' I found love in him. And he found it with someone else.
