Ugh! Masakit!

74 1 0
                                    


"Girls! Sumama kayo sa'kin! Magpapraktis kayo ng sayaw! Boys! Maiwan kayo dito! Maglinis kayo at may dadating na bisita ngayon! Dapat kapag pagbalik ko walang kahit ni isang alikabok akong makikita!"sigaw ni Ma'am Dela Cruz

Nagsisilabasan na ang mga kaklase kong babae sa classroom nang mapagpasyahan kong lumapit kay Ma'am. "Ma'am,lalaki ako 'di ba? Ma'am, 'di ba? 'di ba?"tanong ko

Napabuntong-hininga siya tsaka sumagot. "Oo na. Basta dapat kabisado mo na 'yung mga steps kapag magpeperform na ah"sabi niya

Ngiting-ngiti akong tumango. Kumuha ako ng walis tambo't dustpan at nagsimulang maglinis sa unahan ng classroom.

May kumalabit sa akin. "Baby Ivy! Bakit ka naandito? 'Di ba dapat nagpapraktis ka ngayon?"tanong ni Elimar na tropa ko

"Tangina mo! 'Wag mo nga akong tawaging Baby Ivy! Tsaka nagpaalam ako kay Ma'am. Nakakainis kaya sumayaw nung 'Woman like me'! Kembot ng kembot! Giling ng giling! Nakakadiri sumayaw!"reklamo ko

"Eh makikita mo naman 'yung mga chicks mo dun 'di ba? Dapat nagpraktis ka na lang,Pareng Ivy"sabi niya

"Makikita ko nga mga chicks ko pero sasayaw naman ako. 'Wag na lang! Dito na lang ako,Pareng Elimar"sabi ko

"Oo nga. Dito ka na lang sa piling ko,Baby Ivy"sabay biglang yakap sa akin ng mahigpit kaya't nabitawan ko ang walis at dustpan na hawak ko.

"Hoy! Ano 'yan?! Ano 'yan?!"sigaw ni Donie na siyang nakatawag ng pansin sa lahat ng nasa loob ng classroom. Hiniwalay ako ni Donie sa pagkakayakap ni Elimar.

"Pareng Ivy! Bakit ka naandito?"tanong ni James

"Oo nga,Pareng Ivy! Bakit ka nga ba naandito? Hindi ba dapat nagpapraktis ka kasama ng mga babae?"tanong pa ni Leo

"Gusto niya lang daw kase dito sa piling ko"sabay hila ni Elimar sa'kin at kinulong na naman ako sa yakap

Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinarap siya. "Umayos ka nga,Pareng Elimar! Hindi tayo talo!"sigaw ko sa kanya

"Boom! Sakit!"sigawan nila

"Ganto kase 'yan mga kumpare. Ayaw ko magpraktis ng nakakadiring sayaw na 'yon kase puro kembot. Sinabi ko naman kay Ma'am kaya maglinis na tayo! May dadating daw na bisita,remeber?! Kaya linis na!"sigaw ko at nagsikilos naman agad sila

Kanya-kanya silang linis. Napagpasyahan kong mag-agiw ng kisame matapos kong magwalis. Pinagpatong-patong ko ang mga upuan at dinala ito sa parteng aagiwan ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-aagiw nang may biglang sumagi ng upuan na pinagtutung-tungan ko. Nawalan ako ng balanse at pumikit na lamang habang hinihintay ang sariling bumagsak sa sahig. Ilang segundo akong nakapikit pero hindi ko maramdamang bumagsak ako ako sa sahig kaya nagmulat na ako ng mata.

"Baby Ivy"sambit ni Elimar na siya palang sumalo sa akin

Tinititigan niya ako. Napatitig na lang din ako sa kanya. Nakakahipnotismo ang kulay kayumangging mga mata niya. Isang malakas na palakpak ang nagpabitaw sa aming dalawa sa pagtititigan.

"Kung magtitigan kayo parang kayo lang ang tao sa mundo ah! Maglinis nga din kayo!"sigaw samin ni Julian

"Pre,huwag ka namang ganyan! Minsan nga lang kami magtitigan ni Baby Ivy ng ganun sinira mo pa! Wala lang si Daniela dito ganyan ka na! Tawagin mo para may katitigan ka din!"naghihimutok na sabi ni Elimar pero hindi na siya pinansin ni Julian.

Nagulat ako nang harapin niya ako at hawakan nang mahigpit sa magkabilang balikat. "Ikaw naman! Bakit kase hindi mo ako tinawag para sana hawakan 'yang upuan na tutung-tungan mo! Kung wala ako para saluhin ka eh di nahulog ka na sa sahig! Huwag mo na ulit 'yun gagawin ha! Pinag-aalala mo ako ng sobra,Baby Ivy"titig na titig niyang sabi

"Bakit? Sinabi ko bang mag-alala sa'kin?"nakataas-kilay kong sabi. Alam kong mali ang magtaas ng kilay dahil gawain 'yon ng babae pero hindi ko mapigilan.

"Hindi. Pero kase..."nakayuko niyang sabi

"Hoy! Elimar! Tawag ka ng chicks mo dito!"sigaw ni Julian na nasa pintuan kasama ang magandang babae.

'Hindi na talaga ako aasa. Alam ko namang wala akong pag-asa. Wala nga maski akong panama sa mga magagandang babaeng nagkakagusto sa kanya. Pinapaasa niya lang naman ako. Nagbibigay siya ng motibo pero wala lang naman pala. Tulad ng mga piangsasabi niya sa'kin kanina. Hindi totoo 'yun! Minsan, kinikilig ako pero nawawala din agad dahil alam kong kalokohan niya lang 'yun.

Napagpasyahan ko namang linisin ang wall fan sa likurang bahagi ng classroom namin. Puro mga wall fan kase sa unahan ang nililinis nila. Pansin ko ring lahat sila ay wala ng damit pang-itaas pwera lang kay Elimar na busy pa sa chicks niya. 'Walang foreber!'

Kinuha ko ang mga upuan na ginamit ko kanina. Tinungtungan ko ito para maabot ko ang wall fan. Kailangan ko itong buksan pero may tornilyong kailangang tanggalin.

"Pareng Donie! Pwede mo ba ikuha 'yung screw driver sa tool box? Bubuksan ko lang 'tong wall fan para malinis ko"paliwanag ko

"Sige. Para sa'yo,magandang binibini"nakangisi niyang sabi tsaka umalis

"Gago! Gwapo ako! At ginoo ako hindi binibini!!"sagot ko sa kanya

'Di nagtagal ay bumalik din siya dala-dala ang screw driver na hinihingi ko. Ilang minuto ko nang pilit binubuksan ang wall fan pero ayaw niya talaga. Tinawag ko si Donie para tulungan ako sa pagbukas.

"Pareng Donie,tulungan mo nga ako. Hindi kk kase mabuksan"nagpapacute kong sabi kaya't tumango siya

'Sheeet! Abs! Yummy! Bad ka,selp! Remember! Tomboy ka!'

Umakyat siya sa upuan na tinutungtungan ko. Nasa likod ko siya at kinuha ang kamay ko. Ginabayan niya ako sa pagtanggal ng tornilyo.

"Sheeet! Ramdam na ramdam ko 'yung matigas niyang mga pandesal! Yummy talaga!'

Nabuksan rin naman ito sa wakas. Una siyang bumaba ng upuan para alalayan daw ako. Hinawakan niya ang kamay ko habang bumababa ako. Pagkababa ko ay may biglang bumablot non.

"Baby Ivy,bakit hinahawakan ka niya? Nagseselos ako. Gusto ko akin ka lang"titig na titig niyang sabi

"Huwag mo nga akong tawaging Baby Ivy! Nakakadiri! At ano?! Nagseselos ka?! Ulol ka ba?! At anong sa'yo na lang ako?! Nababaliw ka na ba?! Pre,hindi nga tayo talo!"sigaw ko sa kanya

"Pero mahal kita,Baby Ivy. Mahal na mahal. Nagseselos ako. Gusto ko akin ka lang"bakas sa boses niya ang pagmamakaawa

"'Yan ka na naman sa mga kalokohan mo! Ayaw ko na! Sawang-sawa na ako umasa! Please lang! Mahal din naman kita! Pero kase eh! Alam kong niloloko mo lang ako! Gawain mo 'yan! Ang dami mo ng babaeng nasabihan ng mga linyang 'yan! Nakakaselos kahit alam kong wala akong karapatan! Tangina naman kase eh! Please lang! Huwag mo nang sabihin sa'kin na mahal mo ako! Nakakagago kase eh! Alam ko naman kaseng hindi totoo! Please lang!"nagmamakaawa kong sabi sa kanya

Ps: Ugh! Masakit! Please lang! Huwag ka nang maging manhid!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Oneshot Per DayWhere stories live. Discover now