Chapter Four: I'm In!

Start from the beginning
                                    

“What I meant was, hindi ko na kayo paghihintayin ng matagal bago  ko sabihin kung sino ang pasok at hindi. Right after you dance sasabihin ko na agad kung in kayo or out. Ayoko nan g nabibitin pa ang lahat. Nagkakaintindihan ba tayo?”

“Yes miss.” We all respond.

Oh my gosh. Sasabihin na agad kung sino in and out? I might as well back out! Di ata ako deserving ma-in. For sure si Stefi in a yun, lalo na si Matthew and not to mention the suplado guy Gab. Uhhh, ayoko na!

“Okay, let the audition begin.” Ms. Carmen proceeded to her table. Grabeng kaba nararamdaman ko.

“Naiihi ako Stefi.”

“Agnes naman! Ano ka ba?”

“Di nga, naiihi ako.”

Tumayo ako bigla para mag cr. Nagulat ako nang makasalubong si Gab papasok ng mini gate ng bleachers. Nagkatitigan kami ng sandali. Well, ngayon nga lang hindi na siya mukang suplado ng at least 2%.

“Excuse.” Sabi niya sakin habang tinabig ako ng onti. The nerve. Alam ko namang tumabi pag may nag sabi ng excuse ah! Suplado!

Lumabas ako patungong lobby para mag cr. Good thing walang tao. Humarap ako sa salamin at tinignan ang reflection ko. I look kinda pale. Hindi parin maalis yung takot ko. Will I ever get through this? Lord, help me.

“I can do this!” Sabi ko sa reflection ko. Weird noh?

Bumalik na ako sa loob and nag start na pala yung audition. Wow, ang galing niya ha. Di ko nga lang siya kilala.

“Uy! San k aba galing?” tanong sakin ni Stefi.

“Naiihi ako diba?”

“Wag ka na umalis ah. Nag sastart na.”  Kita ko nga.

“Nes.”

Lumingon ako para Makita kung sino yun. Si Matthew. Not again?

“Sabihin mo nga sakin yung totoo. Mag au-audition k aba?”

Natahimik lang ako. I couldn’t think of another palusot na.

“Ahh… oo eh.”  Please don’t laugh.

“Yun naman pala eh. Bakit mo pa tinatago?”

“Wala, kasi…” Before I could continue tinawag na si Matthew para sumayaw.

“Mr. Atienza!” tawag ni Ms. Carmen.

Whew. The music started playing at sumayaw na si Matthew. Galing.

Kinalabit ako ni Stefi. “Hoy Agnes, tunaw na oh.”

“Ang alin?”

“Si Matthew.”

“Ano ba? Ang lawak ng imagination mo. Masama manuod?”

“Hinde.” She said snickering.

“You’re in.” Grabe, nakakapigil hininga yun ah. Ang galing naman kasi Matthew, paano naman ako?

“Ms. Soriano, you’re next.”

Si Stefi na. Good luck! Wait, di na pala niya kelangan ng good luck. For sure in na siya. I think I need all the good lucks I could have. Gulp!

Pansin ko lang,  habang sumasayaw si Stefi nakatitig si Gab. Hay! Ba’t ko ba pinapansin yun? Manonood na nga lang ako.

“You’re in darling.”

Sabi na nga ba eh.

“Ms. Cruz!”

Oh no! Oh no! Ako ba yun? Wait pwede ba paalisin mga tao dito? No! Sandali lang nakalimutan ko na gagawin ko!

“Ms. Cruz?” Third call na pala.

“Agnes!” Sigaw ni Stefi.

“Huh? Ahh, Miss!” Tumayo ako at pumunta sa harap ng stage. I could see the piercing stares of people from here. Feeling ko parang bawat tingin nila nalulusaw ako.

“Agnes!” Tawag ni Matthew sa kabilang side ng bleachers kasama si Stefi.

“Go Nes!” Cheer nilang dalawa. How sweet. EHEM! Concentrate.

Na play na ang music and lahat ng tinuro sakin ni Stefi na recall ko na. Thank God!

So there I was, doing my best. Hoping na sana “in”.

Ayun na nga. After the final step I feel good. No, great. I’ve never danced that much before. Feels good pala. Tinignan ako ni Ms. Carmen ng matagal. Grabe, parang lalabas na puso ko.

“Agnes, ngayon ko lang nakita ang talent mo sa pag sayaw.” Are ya’ kidding me?

“I never expect na ang isang katulad mo na academically inclined na student ay may tinatagong talent.” She paused. “Dahil doon, I want you to be part of the crew.  You’re in.”

Wa-wa-wait! Totoo ba narinig ko? “You’re in”? Ahahaha! Oh my gosh! I’ve never been this happy my entire life since nanalo ako sa Science convention last year! Thank you talaga Lord!

As I got back sa seat ko with Stefi and… Matthew, everyone clapped and seemed to be happy I got in. Hard work paid!

“For our last auditionee, Mr. David.”

Tumingin kaming lahat sakanya as he proceeded in front of the stage. Nag play na agad ang music and he started to dance.  Sh*t. He’s awesome. Grabe, everyone’s right, ang galing nga niya. Pero… di pa rin bagay sa ugali niya.

“You’re in.”

Okay. So?

Finally natapos na rin ang audition and I can’t wait to go home para masabi ang good news. Unfortunately, may mga hindi natanggap. Well, that’s life.

“Galing mo ah.” Sabi sakin ni Matthew.”

“Thanks.”

“Siyempre, magaling din yung nagturo eh!” Stefi exclaimed.

Habang papalabas na kaming tatlo, nakita namin si Gab kasama ang new found friends niya. It seems na wala lanag sakanya na nakapasok siya sa dance club.

“Lalo lang ako na a-attract kay Gab. He’ sooo good talaga.” Stefi talaga.

YES! Uwian na. I’m so excited to go home.

Sumakay ako ng tricycle on the way home. Stefi and I exchanged goodbyes at umuwi na rin siya agad.

Pagdating ko sa bahay…

“Oh anak, kamusta audition?” tanong ni Ma.

“You won’t believe it, I’m in!” Sinabi ko habang tumatalon. First time eh.

“Oh my gosh! I’m happy for you! Dad! Dad! May good news si Nes!” Tawag ni Ma kay Dad.

“Ano yun?”

“Dad, in ako sa dance club!”

“Oh?! Aba! Good news nga!” Lumapit si Dad at niyakap ako. “Ikaw pa hindi makakapasok.”

 Haayyy! Ang sarap ng feeling na ma-accomplish mo ang fear mo. Well, actually hindi ko naman talaga fear ang pag sasayaw pero at least nalagpasan ko ang challenge na to’. Can’t wait to dance again.

The Moment (on HOLD)Where stories live. Discover now