kabanata 2

183 1 1
                                    


Kabanata 2- Sa Ilalim ng kubyerta

Mga pangunahing tauhan

· Basilio

· Isagani

· Kapitan Basilio

· Simoun

· Padre Florentino

Ang ilalim ng kubyerta ay isang mainit na lugar kung saan siksikan ang mga tao. Iba't ibang uri ang makikita dito. Dito rin matatagpuan si Basilio na mag-aaral ng medesina at si Isagani na nakapagtapos sa Ateneo. Kausap ni si Kapitan Basilio.

 Ayaw daw ni Kapitan Tiago magpagamot sa kahit sinong doctor at pinayo daw sakanya ni padre Irine na umuwi sa San Diego kahit ang totoo'y pinaaalis lamang siya upang Malaya siyang makahithit ng apya. Binuksan ni Kapitan Basilio ang paksang pagtuturo ng wikang Kastila. Nasabi na daw nila ito kay Padre Irene at siya ang makikipagkita kay kapitan heneral. Binigyan siya ng dalawang kabayong kastanyo.


 Siya na rin daw bahala sa mga sumasalungat. Naihanda na rin nina Simoun at Isagani ang mga kailangan kung sakaling maaprubahan. Sabi ni Kapitan Basilio, hindi na rin daw masamang ituro ang Kastila dahil nakasulat ang mga libro nila sa Kastila ngunit hinndi naman ito itinuturo sa mga mag-aaral.


 Napag-usapan din nila kung gaano kaperpekto ang nobya ni Isagani na si Paulita. Ang kapintas-pintas lamang daw sa kanya ay ang tiya niyang kakatwa na ang asawa ay kay Isagani ipinapahanap.


Ang nangyari pa'y sa tahanan ng tiyo ni Isagani nagtatago si Tiburcio kaya laking iwas na lamang ng tiyo ni Isagani kay Victorina. Dumating bigla si Simoun at agad na kinumusta si Basilio. Sinabi ni Simoun na mahirap daw ang buhay sa lalawigan dahil hindi manlang sila bumibili ng alahas. Sabi ni Simoun, hindi nman daw nila kailangan ng alahas.


 Naipaliwanag naman ni Simoun na wala siyang masamang ibig sa kanyang sinabi.Niyaya niyang uminom ng serbesa sina Simoun subalit tumanggi sila. Sinabi ni Simoun na ikabubuti nila ang alak at kahit si padre Camorra ay sang-ayon dito. Muntikan nang tuligsain ni Isagani si Simoun subalit napigilan siya ni Basilio.


 Umalis na si Simoun matapos magbigkas ni Basilio ng mga berso. Sinabi ni Basilio kay Isagani na hindi dapat kinakalaban si Simoun dahil mataas ang kanyang posisyon, halos kapantay na ng sa mga prayle.

Naabala ang pag-uusap nila nang ipatawag si Isagani ng kanyang tiyo. Ipinakilala si Padre Florentino bilang isang mabait at kagalang-galang na pari. Ikinumpara siya sa iba at sinabing nabibilang siya sa ibang panahon dahil sa taglay niyang mabuting asal.


 Kahit hindi niya ninais ay naging pari siya dahil sa kagustuhan ng kanyang ina na may matalik na kaibigang isang arsobispo. Dahil naging pari siya, ang nag-iisang babaeng minahal niya ay nag-asawa ng iba. Ito ang sumugat sakanya nang malala subalit nagpatuloy lamang siya sa kanyang buhay dahil walang ibang paraan.


 Nang magkaroon ng pag-aklas sa Cavite, sa dahilang ibig niya magkaroon ng kapayapaan ay humingi siya ng pamamahinga sa paghawak ng tungkulin. Nanirahan siya sa baybayin ng Pasipiko kasama ang pamangking inampon na si Isagani. Sinasabi ng iba na anak niya daw ito sa dating nobya subalit alam ng higit na mapag-isip na anak ito ng kanyang pinsan.






You can ask questions sa wall ko, sa comment box, or sa private message. Thank you for reading, and welcome in advance HAHAHA!




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

El FilibusterismoWhere stories live. Discover now