Kabanata 1:

385 2 0
                                    


Kabanata 1- Sa Kubyerta

Mga mahahalagang tauhan:

· Donya Victorina

· Padre Salvi

· Padre Irene

· Padre Camorra

· Simoun

· Don Custodio

· Ben Zayb

Umaga noon ng Disyembre. May isang bapor na nagngangalang bapor Tabo ang naghahatid sa mga manlalakbay papuntang Laguna. Matatawag din itong daong ng pamahalaan dahil tulad nila, nagpapangap na mahaharlika sa labas subalit sa loob nama'y may kapintasan. Hindi rin nagkakaroon ng progreso sapagkat pag napinturahan ng bago'y nakukuntento na. Hindi manlang umuunlad ang pag takbo nito.


 Mayroon itong dalawang bahagi: ang itaas at ang ibaba. Nasa ibaba ang mga tinuturing na mabababang klase ng tao sa lipunan tulad ng mga kayumanggi, Indio, mestiso, at mga Instik. Mainit at siksikan at bahaging ito. Sa taas naman matatagpuan ang mga may matataas na katayuan sa lipunan tulad ng mga manlalakbay na nakasuot-Europeo, mga prayle, at mga opisyal.


 Andito ang kapitang may edad na, si Donya Victorinang malakas manlait ng kapwa Indio kahit sya'y Indiong nagpapanggap Europeo lamang. Naroon din ang tatlong prayle, Don Custudio, Ben Zay na isang manunulat, Simoun na mang-aalahas, at Kapitan Heneral.


 Madalas talagang magreklamo si Donya Victorina. Kilala sya ng mga tao at palaging dumadalo sa ma pagtitipon. Tinitiis lamang sya ng mga tao dahil sa pamangkin nyang si Paulita Gomez. Ang asawa niyang si Don Tiburcio de Espadana ay iniwan sya dahil natakot nang pagbuhatan niya ng kamay ang kanyang asawa. Hindi niya na kasi matiis pa ang ugali nito. Kaya siya nasa bapor upang akitin muli ang asawa gamit ang kanyang tininang buhok. Iniiwasan siya ng mga tao sa pamamagitan ng pagiging abala. Si Benzayb ay nakikipagtalo kay padre Camorra. Patungkol sa mga ilog, indio, at iba pa. Nakaisip si Simoun ng isang solusyon. Ang maghukay ng kanal mula sa lawa patungong Manila at gumawa ng bagong ilog. Nais niyang pag trabahuhin lahat nang sapilitan dahil kampante siayng hindi magkaka rebolusyon. Sirain na ang dapat sirain. Hindi naman sang-ayon si Don Custodio.



 Pinatunayan ni Simoun na nagawa na naman noong pilitin pakilusin ang mga tao nang may dahas. Naging matabil ang kanyang dila at sinabing ang mga salita ni Padre Salvi ay kabalbalan. Sinabi ni Don Custodio na isa daw Amerikano si Simoun kaya ganoon nalang mag salita. Masama dawn a hindi kilalanin ang tunay na kulay ng mga tao sa lupang sinasakop nila. Naisip ni Don Custodio na mag-alaga ng maraming itik sa panukalang makikita nila kung papaano magpapalalim sa gulod-duluran ng buhangin ang mga itik. Sabi naman ni Victorina, kung maraming itik ay marami ding balut, at nakakadiri iyon.




Buod lamang ito. Maaaring may detalyeng hindi mababasa dito dahil hindi gaanong importante.

El FilibusterismoWhere stories live. Discover now