Chapter Thirty-nine

Magsimula sa umpisa
                                    

Batid ko ang panginginig ng kamay ni Viviene nang abutin niya ang nakalahad na kamay ni Spencer. Halos hindi na nga siya kumurap kakatitig lamang sa dyos na nasa kan'yang harapan.

"Viviene Arteta. Hmm... Cum Laude?" Ngisi ni Spencer, fully aware how my sister was taken aback by his mere charm, I almost want to roll my eyes. He's still the same him--arrogant and proud.

Tumango si Viviene na halos wala na sa sarili.

"Tamang tama. We're looking for job applicants, and you fit in the position." Ibinaba ni Spencer ang kan'yang kamay at may kinuha sa bulsa ng kan'yang likod, sabay abot ng maliit na papel kay Viviene "here's my calling card if you're interested."

Dahan dahan itong inabot ni Viviene at matagal pinagmasdan bago binigay ang kan'yang tingin sa akin. Ramdam kong kinakabahan siya, pero kitang kita ang saya sa kan'yang mga mata. Sinong hindi matutuwa kung wala pa ngang isang oras ng graduation ceremony ay makakakuha ka na agad ng trabaho? Tinanguan ko siya at nginitian. Right now, I'm just so proud of my sister. Malaki at mapagkakatiwalaan ang kompanya nina Spencer, alam kong mahahasa at maaalagaan doon ng mabuti si Viviene.

Inaya pa kaming ihatid pauwi ni Spencer, pero tinanggihan ko na. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang dapat sabihin sa mga tanong niya tungkol sa nakaraan. He also offered me to work for the company pero muli kong tinanggihan. I'm an undergraduate at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman kapag inassign ako bilang janitress.

Isa pa, nagampanan ko na ang responsibilidad ko. Napagtapos ko na si Viviene, may savings pa naman ako kaya't pwedeng pwede pa 'yun sa pagkain namin hanggang sa maging regular na sa trabaho si Viviene. Masayang masaya ako dahil narito na iyong matagal naming pinaghirapan.

"You sure you don't want a drive home?" Tanong ni Spencer.

Tumango ako. "Tsaka, ano, Spencer..." Lumayo ako ng kaunti para hindi marinig ni Viviene "Kung okay lang, sana 'wag mo muna sabihin kay Tyrone na nagkita na tayo."

"Your secret is safe with me." Tinapik niya ang balikat ko.

Niyakap ko siya. Na-miss ko ang lalaking ito. Nakakatuwa makakita ng taong matagal ko nang hindi nakita. Nakakatuwa dahil sa kabila ng pagdaan ng panahon, kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin.

Kumain kami ni Viviene sa isang restaurant para ipagdiwang ang kan'yang graduation at bagong trabaho. Pareho kaming tuwang tuwa dahil sa mga pangyayari, kaya't talagang binusog namin ang aming mga sarili. Nakagastos man kami ng higit kumulang isang libo para lang sa kainang ito, wala akong nararamdamang kawalan. This is all worth it.

"Boyfriend mo po 'yun? Diba sila ang may-ari ng FGoC?" Biglang tanong ni Viviene habang inuubos ang kan'yang spareribs.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Tyrone ba ang tinutukoy niya? Paano niya nalaman? "S-Sino?"

Kumunot ang kan'yang noo. " 'Yun po, si Kuya Spencer. Mukhang close na close kayo. Gwapo pa! Wow. May mayaman ka palang boyfriend." Humalakhak siya.

Nakahinga ako ng maluwag. Binalik ko ang tuon sa pagkain. "Hindi 'no, close lang kami n'ung high school, kaso n'ung umalis tayo sa dati nating tinitirhan, wala na 'kong balita sa kanila."

"Wow. Eh di close din kayo ni Tyrone? 'Yung nag-speech kanina?"

Natigilan muli ako. Nilingon ko siya. Bakit ba ganito ang epekto sa akin tuwing binabanggit ang pangalan niya? Naaalala ko lahat ng nangyari sa amin, mula n'ong maging kami, hanggang sa pinakahuli naming pagkikita.

"Sakto lang."

Tumango si Viviene.

"Okay ka na ba kung d'on ka magtatrabaho sa FGoC?" Tanong ko para malihis ang usapin tungkol sa magpipinsan.

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon