Prologue

222 4 0
                                        

"Yes! Yes! Yes!" sigaw ko at sinamahan pa nang talon habang nilalaro ang music at bawat beat na umaalingawngaw sa buong bar.

Nakita kong nagtatalunan na ang lahat at nagsusumigaw na para bang naging konektado ang lahat. At matapos ang ilang beat at saka pinasabog ang buong tugtugin kaya lalong nagwala ang mga tao. Kahit ako'y nagsisigaw at nagtatalon na.

Natigalan ako nang may kumalabit saakin at nangiti nang makita na ang kaybigang Dj ng bar.

"Show your body moves, Yuvienco!" sigaw na ni Brix at mabilis na tinanggal saakin ang headphone.

Hinawakan ako nito sa bewang kaya kumapit ako agad sa balikat saka sinabayan nang talon ang pagangat saakin sa isang platform na halos nasa bewang ko ang taas.

Agad akong kumapit sa pole nang maiakyat na. Kasiya ang tatlong babae rito kung gugustuhing sumayaw sa gitna.

Nakita kong nagthumbs up saakin si Becky. Isa sa permanent Dj na kasama ni Brix, na matalik na mga kaybigan, na umiindak na rin at siyang tumuloy sa ginagawa ko.

Kumapit ako nang maayos sa pole habang tumatawa ay ginilingan 'to pababa kasabay nang pagsayaw at paghiyaw ng mga tao.

Hinawi ko ang abot bewang kong buhok habang kumekembot. Walang sinabi ang suot kong puting croptop at highwaist skirt sa init na nararamdman ko. Hindi na ako nagtataka ba't may ilang naghuhubad na lasing dito.

Inilingan kong pabiro ang umakyat na lalake at sinabayan ako sa pagsayaw habang inaabot ang isang shot ng tequila. Mabilis na inabot nito ang lemon saakin habang bumubulong.

"Lei, left side. Four bachelors chilling on table number nine." sabi ng kaybigang si Bernard.

"So what?" natatawang sabi ko at birong pinalandas ang palad sa leeg nito pababa sa dibdib. Nakaramdaman ko ang pagtapik nito sa balakang ko kaya natawa ako.

"I heard one of them is asking about you. Tangina, ba't di na lang ako?" bulong nito kaya napahalakhak ako. Baklang 'to, may boyfriend na nga gusto pa tumikim ng iba.

"Calm your tits, Bernard. You have a man!"

"Bitch, if you were eyed by those men! Do you think your tits will stay calm?"

Umikot ako sa harap ng kaybigan habang dahan-dahang ikinikembot ang bewang. Not minding if people down there can have a glimpse of my panty short. I think that tequila is making me a hoe.

"I already have a fiance." sabi ko pagkaharap sa kaybigan saka bumaba na kaya sinundan rin ako ng kaybigan.

Brix offered me a fist bump that I gladly answered.

Inakay ako pababa ni Bernard at inakbayan, awtomatik namang pumulupot ang mga braso ko sa matigas na katawan nito at sumandal sa balikat.

We're walking straight to the bar counter and ordered a drink.

"When are you going home to the Philippines?" tanong agad niya pakaupo namin.

"Don't know. Daddy is still under observation and you know mommy. She wants us both here with daddy."

Umikot naman ang mga mata ni Bernard sa dance floor bago nagsalita."Ang sabihin mo ayaw niya lang na nagkakalat ka sa Pilipinas na wala siya.."

"Kahihiyan sa mga Yuvienco." sabay naming sabi ni Bernard at tumawa. My parent's reminder became a joke to both of us eversince the day I can't remember.

Ang hirap maging bastardang anak. Lahat ng kilos at desisyong gagawin kakabit na ang salitang kahihiyan at kapalpakan. Kahit paghinga ko nga lang sa mundo ay tila kasalanan. No.. I should still be thankful not everyone can be lucky like me.

Claiming MisfitWhere stories live. Discover now