"That's why I'm here," nakangiting sabi ni Exequiel. "I'm here to help you."

            "Aalis ka naman," naiiyak na sagot ni Blaire.

            Exequiel helped Blaire put on her slippers before standing up and pulling Blaire up to hug her. "Ikaw talaga. Kanina, pinapaalis mo na 'ko, 'tas ngayon, ayaw mo naman akong umalis," natatawang sabi ni Exequiel while consoling his crying wife in his arms.

            "Hormones!" asar na sagot ni Blaire.

            "I like that you're clingy," natatawang bulong ni Exequiel at napangiwi siya nang maramdaman niyang kinurot siya ni Blaire. "I'll just attend that short meeting and I'll go home," sabi ni Exequiel.

            "Talaga?" tanong ni Blaire sabay tingala sa asawa niyang nakayuko na sa kanya.

            "Talaga," nakangiting sagot ni Exequiel.

            "Talagang-talaga?" tanong ni Blaire.

            "Talagang-talaga," natatawang sagot ni Exequiel at hinalikan niya ulit sa mga labi ang asawa. "Today will be Blaire and Exequiel Day," nakangiting dagdag ni Exequiel.

            "Last week naman, Blaire and Exequiel Week. Baka magsawa tayo," nakangusong sagot ni Blaire.

            "Nguso-nguso ka diyan, gusto mo namang hindi ako umaalis sa tabi mo," natatawang sagot ni Exequiel. "And 'magsawa'? Wife, I've been with you for years and I never got tired of you," dagdag ni Exequiel at hinalikan niya ulit ang asawa. "Tara na. I'll make your Toast, then I'll leave."

            "Wife!" rinig ni Blaire na malakas na tawag sa kanya ni Exequiel mula sa dining room. Agad na tumayo si Blaire mula sa pagkakaupo niya sa couch sa living room at sinuot ang mga tsinelas niyang nasa sahig.

            "Tulungan na kita, Hija," nakangiting sabi ni Manang Renalyn pagdating nito sa living room nang makita niya si Blaire na nahihirapang magsuot ng tsinelas.

            "Naku, 'Nang, yuyuko ka pa, baka pareho tayong madali," natatawang sagot ni Blaire at mabuti nama't nasuot na niya ang kanyang mga tsinelas bago ba yumuko si Manang Renalyn. "Nagluluto na raw po kayo ng pang-tanghalian?" tanong ni Blaire habang sinasamahan siyang maglakad ni Manang Renalyn papuntang dining room.

            "Oo, kaso sabi ng asawa mo gusto mo raw ng tostadong tinapay kaya tumigil muna kami sa pagluluto at hinayaan na namin asawa mo," nakangiting sagot ni Manang Renalyn.

            "Dapat pinalayas ninyo 'Nang," pabirong sagot ni Blaire na ikinatawa ni Manang Renalyn.

            "Kumusta naman pakiramdam mo?" tanong ni Manang Renalyn.

            "Okay naman ho. Alagang-alaga ng demonyo eh," natatawang sagot ni Blaire at ikinatawa ulit nang malakas ni Manang Renalyn ang pagtawag ni Blaire kay Exequiel ng "demonyo".

            "Palabiro ka talagang bata ka," natatawang sabi ni Manang Renalyn. "Oh siya, maiwan ko na kayong mag-asawa ha? Magluluto na kami ng tanghalian. Ipaghihiwa na rin kita ng Mangga."

            "No need, 'Nang," biglang sabat ni Exequiel. "I prepared fruits for her," nakangiting dagdag ni Exequiel habang inaabangan ang asawang makalapit sa dining table.

            Napangiti nang malapad si Blaire nang makita kung ano ang hitsura ng kanyang asawa. Naka-office attire pa rin ito—white office shirt na naka-tuck in sa suot-suot nitong itim na slacks. Nakarolyo ang mga manggas ng office shirt ni Exequiel hanggang siko at nakabukas naman ang dalawang butones. Nakamedyas na rin itong pang-pasok pero nakasuot ito ng house slippers.

The Waiting GameNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ