19.

358 21 6
                                    

            "TALAGANG okay ka na rito?" tanong ni Xavier kay Blaire pagkahatid niya rito sa isang saradong restaurant. Nasa Pilipinas na sila at kadarating lang nila from Moscow. Sa isang saradong restaurant nagpahatid si Blaire.

            "Yes," nakangiting sagot ni Blaire. "Do you want to come inside?"

            "Legal ba 'tong ginagawa natin?" natatawang tanong ni Xavier. "Whose restaurant is it anyway at bakit dito ka nagpahatid?" dagdag niya. Alas-onse na rin kasi ng gabi kaya talagang nagtataka siya kung bakit dito nagpahatid si Blaire. Imposible rin namang dito nakatira ang dalaga.

            Natawa si Blaire sa sinabi ni Xavier at sinabing, "This is my restaurant."

            "Talaga?" amused na tanong ni Xavier. "I didn't know you already have your own place. You're really getting there, Blaire. I'm so proud."

            "Tara na. Mainit dito sa labas," nakangiting sabi ni Blaire at hinila na niya ang kanyang bagahe papalapit sa entrance ng restaurant niyang tapos na talaga.

            Sumunod naman si Xavier kay Blaire at agad niyang kinuha ang bagahe ng dalaga mula sa kamay nito. "Ako na maghihila. Dito ka lang ba ngayong gabi? Don't tell me that you live here," sabi ni Xavier.

            Blaire chuckled and said, "Silly. I just have to finish something overnight at uuwi rin ako bukas."

            "Why don't I send your luggage to your place tomorrow? Kaysa naman hila-hila mo pa 'to bukas," sabi ni Xavier.

            "Makakaabala pa 'ko sa'yo. I know you're also busy kasi babalik ka na sa trabaho," sagot ni Blaire at tuluyan na niyang binuksan ang pintuan ng kanyang restaurant. "Open lights," malakas na sabi ni Blaire.

            Natigilan siya nang maalala niya kung pa'no nga ba nauwi sa voice command ang pagbubukas ng kanyang restaurant. It was Exequiel's idea.

            "What's wrong?" tanong ni Xavier kay Blaire nang makita niyang nakatayo lang ang dalaga at hindi gumagalaw. "Blaire?" tawag niya ulit dito nang parang hindi siya nito narinig.

            "H-Ha?" tanong ni Blaire nang marinig niyang tinawag siya ni Xavier.

            "Nothing," nakangiting sagot na lang ni Xavier. Naaalala na naman siguro nito ang dati nitong nobyo.

            Xavier made sure that he'll keep Blaire company while they're in Russia. The woman's brokenhearted and he feels like it's not right to leave her all alone. Besides, no'ng natapos din naman ang relasyon niya sa ex niya noon na talagang minahal niya, Blaire was there for him.

            Blaire laughs and smiles while she's with him, but Xavier knows that Blaire is not okay and is still hurting. Kitang-kita rin naman ni Xavier na mahal na mahal ni Blaire ang dati nitong nobyo. Why didn't Exequiel do anything to get her back? Hindi ba nito mahal si Blaire? Those are the questions that he thought of.

            Xavier knows that Blaire is an amazing woman. He has so much fun 'pag magkasama sila no'n. Blaire is not really hard to like, and maybe, just maybe, she's also not that hard to love.

            Pero sino ba siya para magtanong tungkol sa mga bagay-bagay? He's just a friend from a long time ago, who happened to also be in Moscow, at ni wala ngang nakakakilala sa kanya sa mga kakilala ni Blaire.

            He'll just keep her company.

            "Your restaurant looks great," nakangiting sabi ni Xavier kay Blaire habang nakatukod ang mga kamay niya sa isa sa mga kitchen stations at pinapanood si Blaire na tinitingnan ang mga kagamitan sa loob ng kusina.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now