9.

367 22 16
                                    

            "IT is nice to finally meet you, Hija," nakangiting sabi ni Paula kay Blaire nang ipakilala ito ng kanyang anak na si Exequiel sa kanilang mag-asawa.

            She's glad that she finally met the girl that Exequiel's been talking about. The lady's a beauty and true catch. Masuwerte ang anak niya sa babaeng ito. The lady could be the woman Exequiel's looking for—the only one thing missing in his life.

            Her son is one of the luckiest people in the world to have a life handed out to him on a silver platter, but she also knows, and she was also a witness of how her son built a name for himself.

            She's proud of what her son has become and to have found Blaire, a woman who doesn't give a damn of Exequiel's wealth. Ang kuwento pa nga ni Exequiel sa kanilang mag-asawa ay gustung-gusto ni Blaire ang mga simpleng paglalabas lang nila. Okay nga lang din sa dalaga kung sa tabi lang sila ng kalsada kumain.

            Paula also likes the fact that Blaire didn't want the people in power above her to know that she's dating Exequiel because Blaire knows what will happen once malaman ng nakatataas sa kanyang nasa isang relasyon siya with Exequiel.

            Paula appreciates that Blaire is in the path of making a name for herself and is someone who will not use her son for her own gain.

            "It is nice to meet you too po," nakangiting sagot ni Blaire sa mga magulang ni Exequiel.

            Ngayong nakita na ni Blaire sa personal ang mga magulang ni Exequiel ay alam na alam na ni Blaire kung sa'n napulot ng nobyo ang karisma nito.

            How can someone be this blessed? isip ni Blaire. Marahil may nagawa ngang maganda at mabuti ang mga ninuno ni Exequiel para maging ganitong ka-blessed ang isang Exequiel Vonn Matteo.

            "And happy birthday, Hija," nakangiting sabi ni Robert, ang ama ni Exequiel.

            "Thank you po," nakangiting sagot ni Blaire.

            "Pasensiya na at hindi kami nakabili agad ng regalo kaya a trip for you and Exequiel na lang ang ibibigay namin," sabi ni Paula sabay abot kay Blaire ng isang puting envelope.

            "Ay Tita, hindi naman na po kailangan," gulat na sagot ni Blaire.

            "Oh, take it, Anak," nakangiting sabi ni Paula. Hinila niya ang kamay ni Blaire at idinutdot doon ang envelope. "Magugustuhan ninyo ni Exequiel kung sa'n kayo pupunta," dagdag ni Paula.

            "Mom, you know Blaire," natatawang sagot ni Exequiel kay Paula.

            "Minsan lang naman, Hija," natatawang sabi ni Paula.

            "Oo nga. Minsan lang," nakangiting dagdag ni Robert. "Pagbigyan mo na kami ng Tita Mommy mo."

            "Tita Mommy?" tanong ni Exequiel sa ama niya.

            "Yes," nakangiting sabi ni Paula. "Hija, I want you to call me 'Tita Mommy'," sabi ni Paula kay Blaire.

            "Baby," dinig ni Blaire na tawag sa kanya mula sa kanyang likuran. Liningon niya ang kanyang mga magulang nang may malapad na ngiti sa mga labi. Blaire's parents are smiling at her widely.

            "Mommy, Daddy," nakangiting tawag ni Blaire sa kanyang mga magulang.

            Exequiel removed his hand from Blaire's waist to let his girlfriend go to her parents. Nakangiting sinundan naman ng tingin ng mga magulang ni Exequiel si Blaire pagkatapos mag-excuse sa kanila ng nobya ng kanilang anak.

The Waiting Gameजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें