Chapter 3: The Happy Casanova

Start from the beginning
                                    



Condominium...

Ella's POV

Pagkapasok namin, sinarado ko na agad ang pinto. Alam kong hindi pa nakakatikim tong si Tristan my love pero sigurado akong gigive-up siya sa charms ko at ako ang kaunaunahang babaeng makakagawa nun.

Matagal na akong nag st-stalk sa kanya kasi nga gusto ko siya maging akin and now, I'll do everything to have him.

Hinalikan ko siya at tinugon naman niya ang halik ko. Naglakbay naman ang mga kamay niya sa leeg ko tapos sa likuran ko.

Tinulak ko siya sa sofa at hinalikan ulit.

"You're such a good kisser babe." sabi ko seductively. Habang hinahalikan ko siya in-unzip ko yung pants niya. Malapit na...


Tristan's POV

Tinulak ko siya ng mahina.

"Sorry babe but I gotta go." sabi ko tapos inayos yung pantalon ko. Muntikan na yun ah.

"But babe----"

"Bye." sabi ko tapos lumabas na. Ganun ang ginagawa ko. Binibitin ko sila. Kumbaga, pinaglalaruan lang. Habang naglalakad ako ay may nakabunggo ako.

"Aray! mag-ingat ka nga!' sigaw sakin ng babae.

"Sorry babe. Eto nalang." tapos hinalikan ko siya sa cheeks. "Okay na?" tapos nilampasan ko siya.

"HOY!" sigaw niya at lumingon ako tapos..

Sinampal niya ako. What the???

"Yan ang bagay sayo! manyak ka!" sabay talikod ng babae. Hinawakan ko naman yung pisngi na nasampal niya. Malakas yung pagkakasampal ah. Hindi ba tumalab yung charms ko sa unang pagkakataon??

Napangiti naman ako dun. Hmm..

Pagtingin ko sa sahig, may isang maliit na notebook. Pinulot ko naman. Krystal Yap huh? Well maganda naman siya, maputi tapos mahaba ang buhok.

Nilagay ko nalang sa bulsa ko yung notebook.

Sa susunod na pagkikita natin, sisiguraduhin kong tatalab ang charms ko sayong babae ka.

I swear.

Napagdesisyunan kong umuwi nalang.


Natalie's POV

Malapit ng mag 7pm pero wala pa yung dalawa kong anak. Saan na naman kaya nagsusuot yun. Nandito ako sa living room nanonood ng T.V.

Bigla namang bumukas yung pintuan.

Si Tyler pala.

Dumiretso siya sa tabi ko tapos dinampian ako ng halik sa labi.

"Ba't ngayon ka lang??"

"May inasikaso lang sa kompanya natin Hon."

"Sigurado ka?" nakataas na kilay na tanong ko. Kunyari seryoso.

"Oo naman. Saan na yung mga bata Hon?"

"Wala pa nga eh."

"Oh sige. Magluluto muna ako."

"Tulungan na kita Hon." At ayun nga pumunta na kaming kusina para makapagluto sa mga bata.


Aphrodite's POV

Nandito narin ako sa bahay.

"Good evening young lady." bati ng mga katulong sakin. Tumango ako at pumasok na sa loob. Ang bango naman ng niluluto..

Dumiretso ako sa kusina at andun sina mommy at daddy. Naglalambingan habang nagluluto.

"Mom, Dad. Nilalanggam na kayo." Komento ko sa dalawa. Nakaback-hug kasi si Dad sa kanya.

"Oh anak. Nandito kana pala." Mommy.

Lumapit ako sa kanila at kiniss sa cheeks.

"Hindi mo ba kasama ang kapatid mo Aphro?" Dad.

"Hindi Dad. Wala pa po ba siya?"

"Wala pa eh."

"Sige. Aantayin ko dun sa sala." Tumango naman silang dalawa at pinagpatuloy ang pagluluto.

Ayun dahan-dahan pang bumukas ang pinto at iniluwal ang cute kong kapatid. Si Tristan.

"Saan ka galing bata ka?" tanong ko ng pa strikto effect ng naka cross-arms.

"Sa mga chickababes ko ate----aarraaaayyy!!!"


Pininggot ko yung dalawang tenga niya.

"Ang babaero mo talaga, magstick to one ka na nga!"

Pinisil naman niya yung dalawang pisngi ko.

"Ehh palibhasa kasi ate, sa ganda mong yan, hindi mo ginagamit ng maayos tulad ko!"

"Eh kashhii meron na akong hinihinchay noh!"

"Sus, aray! yung soulmate mo? Hahah! Aray!"

Baliw talaga, tumatawa tapos umaaray.

"Kayong dalawa, tigil na sa pagkukulitan kasi kakain na." sabi samin ni mommy kaya natigil kami.


Makakain na nga lang muna. 

Black Tiger Princess 2(COMPLETED)Where stories live. Discover now