Chapter 2: The Gang

29K 408 13
                                    

Tuesday..

Aphrodite's POV

KRING.. KRING..

Pinatay ko yung alarm clock at tinaklob ulit yung kumot sa ulo ko.

Narinig ko namang bumukas yung pinto.

"Ateeee!" Aish eto na naman ang bakulaw.

"Shut up Tristan! Natutulog ako." Yan si Tristan Garcia, ang kapatid ko. I'm year older than him. Umupo siya sa kama at pinindot pindot yung bewang ko.

"Gising ka na, maligo na at kakain kasi maaga ako ngayon."Parang nanay ko tong kapatid ko eh.

"Mamaya na."

Pero dahil makulit ang lahi neto, niyuyugyog ako at hinila pa ang kumot. Aish. Kung hindi ko lang talaga mahal tong asungot kong kapatid eh di nabugbog ko na sana. Kinurot ko yun magkabilang pisngi niya.

"Yaaannn. Ganti ko sayo!"

"Asshhee! mashaakittt!"

Binitawan ko na kasi kawawa naman.

"Sige alis ka na, shu shu." sabi ko habang tinutulak ko siya palabas.

Naligo na ako't lahat lahat ng morning routines na walang masyadong kaartehan at ready na. Hindi ko hilig ang mag make-up kung wala namang okasyon. Bumaba na ako at dumiretso sa kusina.

"Good morning Mom, Dad." tapos kiniss ko sila sa cheeks.

"Morning baby."

"Morning Aphro."

Tapos umupo na ako sa tabi ni Tristan.

Kumain na kami at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanila. Nagpahatid kami sa driver namin.

Tinext ko muna yung mga gangmates ko para magkita kami sa opisina namin. Dumiretso na kami ni Tristan dun at etong kapatid ko naman ay pinapacute-tan ng mga nadadaanan naming mga babae.

Kung bakit?

Gwapo kasi at certified casanova slash player yan dito pero sa totoo lang feelingero. May pakindat-kindat pa. But really, he got all the looks. Nasalo lahat ng kakisigan ni Daddy pero iba nga lang si Dad kasi si Mommy lang ang kinabaliwan simula una. Yaan na nga sa buhay niya.

Black Tiger Gang Office...

Pumasok na kami at kumpleto na sila dun. Ipapakilala ko muna ang Gang ko.

Ako as rank 1 or the leader of the group.

Si Tristan ang rank 2.

Ray Marquez as rank 3.

Jeric dela Vega as rank 4.

Prince Guzman as rank 5 and lastly si Corrine Bautista ang rank 6.

"Good morning leader." sabay nilang bati sakin.

"Morning."

"Napatawag mo kami leader?" tanong ni Ray.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na mag-ingat kayo sa mga tao sa paligid dahil nabalitaan ko na ang Wolf Gang pala ay may balak tayong kalabanin at may mga spy sila kaya mag-ingat kayo at maging handa kung ano mang gawin nila." pagpapaliwanag ko.

"Kelan lang sila dumating leader?" Prince.

"Last week ayun sa investigator natin." sagot ko.

Nagkaintindihan naman at nagplano pa kami saglit, pagkatapos ay dumiretso na sa classroom namin. Magkakalase kami lahat.

Wala namang masyadong nagyari sa araw na ito kaya uuwi nalang rin ako.

Kung lalakarin ang bahay namin ay 10-15minutes lang kaya hindi na ako sasakay sa kotse namin. Kung bakit? Wala lang. Gusto ko lang maglakad.

Peo parang may sumusunod talaga sakin. Lumiko ako sa kanto kung saan wala masyadong tao. Nagtago ako at inintay na dumaan ang sumusunod sakin.

"Saan na yun?" rinig kong sambit niya.

Ng mapatingin siya sa gilid niya kung saan ako ay hinila ko siya at kinorner sa pader at hinawakan ng mahigpit ang kwelyo niya.

"Bakit mo ako sinusundan?" bantang tanong ko.

"I-inutusan lang ako."

"Nino?" wala akong nakuhang sagot kaya sinuntok ko siya sa mukha.

"Sino sabi eh!"

"Si.."

"AKO." may biglang nagsalita sa gilid.

Liningon ko naman at..


What the?

Black Tiger Princess 2(COMPLETED)Where stories live. Discover now