"Is that okay with you?" tanong ni Blaire sa kanya. "I know you've been having a hard time flying back and forth."

            Napangiti nang mas malapad si Exequiel. His woman is not selfish. His woman takes him into consideration. Gone was the woman who was burdened by the pain of the past.

            "It's okay, Wife. I love you," sagot ni Exequiel.

            Napangiti si Blaire habang iniaabot niya ang dalawa pang damit na nakita niya para sa anak ni Reneth sa sales lady.

            "Besides, I love traveling," biglang dagdag ni Exequiel na ikinatawa ni Blaire. "I might as well spend my money because I won't be able to bring them to my grave anyway," natatawang dagdag ni Exequiel.

            "Wala kang iiwan sa'kin? Grabe ka," pabirong sagot ni Blaire na ikinatawa ni Exequiel.

            Ito na naman sila. Nagbibiruan na naman sila tungkol sa mana-mana at maiiwang yaman katulad noon, and as usual, Blaire with end up getting pissed dahil tuluy-tuloy ang pagsasalita ni Exequiel tungkol sa mga iiwan nito kay Blaire kung sakali.

            Medyo paranoid kasi si Blaire na kapag nagtuluy-tuloy ang pagbibiruan nila nang ganoon ay baka magkatotoo na. Mas mahirap pa man din ngayon dahil walang kahoy na makita si Blaire na malapit sa kanya para katukin ng tatlong beses.

            "I'm guessing that you're looking for wood right now?" nakangiting tanong ni Exequiel at naiimagine na niya ang asawa niyang kumukunot ang noo.

            "Yes," nakangusong sagot ni Blaire habang lumilingon-lingon sa paligid.

            "Mapamahiin ka talaga," natatawang sagot ni Exequiel.

            "Hindi naman, Mon Coeur," natatawang sagot ni Blaire. "Nasanay lang. Kasi naman 'no, kapag may biro-birong ganoon when I was young, laging sinasabi sa'min to knock on wood three times para hindi magkatotoo."

            "I love you," natatawang sagot na lang ni Exequiel sa asawa.

            "Nakaka-ilang 'I love you' ka na sa'kin ah," may malapad na ngiting sabi ni Blaire kay Exequiel at narinig niyang tumawa ang asawa. "Sige na. Ngayon ko lang naalalang nagdra-drive ka pala. Please focus on driving, Mon Amour. I'll talk to you later," paalam ni Blaire.

            "'I love you' ko?" tanong ni Exequiel.

            "I love you, Husband," natatawang sagot ni Blaire at binaba na niya ang tawag.


            NGUMITI si Exequiel kay Florence nang salubungin siya nito sa pintuan ng restaurant. Ilang taon na pero hindi nabawasan ang mga tauhan ni Blaire. Gano'n na gano'n pa rin ang mga mukhang nakikita niya sa restaurant nito, nadagdagan lang.

            "Good afternoon, Sir Exequiel," nakangiting bati ni Florence sa kanya.

            "Good afternoon," nakangiting sagot ni Exequiel. "How's everything going, Florence?"

            "Okay naman po, Sir. Chef Blaire's restaurant is still booming," nakangiting sagot ni Florence. "I heard po that you were here too yesterday?" tanong ni Florence at tumango si Exequiel. "May pinapaasikaso po kasi sa'kin si Chef Carlo kahapon kaya hindi ko ho kayo nasalubong," paliwanag ni Florence.

            "I understand, Florence," nakangiting sagot ni Exequiel. "Is my usual table occupied?"

            "No, Sir," nakangiting sagot ni Florence. "Alam po kasi namin na darating kayo, so we made sure that your table's vacant."

The Waiting GameKde žijí příběhy. Začni objevovat