First Day of Class

18 0 1
                                    

"Kriingg... Kriiingg"

Ang maingay na alarm ay nagpagising sa'kin. Kinuha ko yung cp ko, tamad na tamad.

"6:30 am Hayss.. Grabe, ansakit ng ulo ko. Makabangon na nga para makakain na!"

Bumangon na muna ako bago tumayo ng biglaan.

"Aray!"

Bigla nalang may bumulaga sa aking noo. Yung taas ng kama ng pinaghigaan ko. Ihinilot ko ang aking noo bago tumayo.

"makita na nga yung kalendaryo!"

Tumayo ako at grabe yung lamig na kumapit sa talampakan ko. Bigla bigla nang tumayo yung balahibo ko. 'sandali nga lang, ba't parang may kulang?' Nagtaka nalang ako na wala akong natandaan kagabi nung matutulog na ako pero ang ginawa ko nalang ay tignan yung kalendaryo. Napansin ko na may nakabilog na pulang marker sa June 3. Lumaki ang mga mata ko na para bang kwago na na dilat na dilat ang mata.

"j-j-june 3.... 2019.... Start of the first day of class?!"

Nagulat nalang ako bigla. Timignan ko ulit yung oras

"7:21 am... Sh*t, kelangan ko nang magready. 12:40 ang pasukan, makakapag ready pa ako ng gamit."

──────────── ·  ·  ·  · ✦

Tumungo ako papuntang kusina para makakain na. Pagkababa ko, nakita ko yung aking ina sa counter na natulog. 'takte, ba't di ko maalala kung ano ba talagang nangyari kagahapon? Nagpuyat ba kaya si mama?'
Nang sumilip ako sa living room (di ko kase alam kung anong tagalog) nakita ko na natutulog yung aking tatay sa sofa. Nagtataka na talaga ako, hindi lang nagtataka pero nawiwirduhan na rin. Bumalik ako sa kusina papuntang counter ng ginising ko si mama.

"ma..."

"oh bakit? Inayos mo na ba yung mga gamit mo?"

"hindi ko pa alam ma eh, nalimutan ko na nga rin kung anong nangyari kagabi."

"ahh..."

Nagisip muna si mama kung anong nangyara kagabi.

"di ko rin matandaan ko nga rin matandaan kung anong nangyari kagahapon e."

Nag facepalm nalang ako at tinanong ko nalang kung anong ulam. 'nice, hatdog!' yung paborito kong breakfast, pero it's not like i hate vegerables or whatever, mahilig lang kasi ako sa hotdog na kinakain. (oy, ansarap ng paborito kong pagkain baka masarap narin yang iniisip nyo).

──────────── ·  ·  ·  · ✦

Hinanda na ni mama yung mga plato, kutsara't tinidor para makakain na ang lahat. Ginising ko yung iba pero yung isa hindi nagising.

"Kuya, gising na oh. Kakain na raw sabi ni mama."

Pero, bwiset. Ayaw niya paring bumangon. Ang ginawa ko ay...
Kumuha ako ng isa sa pinakamabahong medyas niya sa basket at, ipinahid ang medyas sa kaniyang mukha. Ofcourse, nagising siya. Pero this time, hindi siya nagalit. Nagtaka ako na.. Through out all of the years na ginising ko siya ng parang gan'to. Ngayon lang siya hindi nagalit. Nadissapoint ako pero may halong worried. Tinangal niya yung medyas sa kaniyang mukha at tumingin siya sakin with a blank face. I knitted my eyebrows na nakatingin sakaniya, ang kaniyang reply ay, emotionless and cold.

"oh, happy ka na ba 'don sa ginawa mo?"

I sighed, at sinabi ko nalang na

"kakain na kase, ayaw mo pang gumising."

Kunwaring irita kong sinabi.

Bumaba na siya from his bump bed at tumungo na ako sa kusina. May laman na ang aking plato, same din sa kanila. Sinimulan ko nang kumain at wala pang isang minuto ubos na ang aking kinakain. Iniwan ko yung aking plato at naligo para maayos ko na ang sarili ko. Hindi ako naglalagay lagay ng kung ano sa aking mukha, it's just toxic. So, i'm sticking to powder para maiwasan ang pawis. Tinignan ko ang bag ko at nakitang ready'ng ready na. 'sinipag pala ako magayos ng gamit kagabi?' naguniform ako, at nagsuklay ng buhok, kinuha ko ang aking cp na full charge at isinalpak ang aking ear phones sa aking tenga at nagplay ng kanta. Iclinip ko nalang yung buhok ko then sabay takbo. Bumaba ako nang mabilis na parang wala nang kinabukasan, yung tipong feeling mo na kasama ka sa area 51 raid at isa ka sa mga nagnanaruto runners (at oo mahilig ako sa anime, hehe).

"Ma! Pa! Una na ho ako!"

"sige nak, ingat", "ingat nak"

Sigaw ng aking magulang.

──────────── ·  ·  ·  · ✦

Sumakay na ako ng tricycle papuntang labas, pagdating ko dun, may jeep nang nakaabang at daling dali akong sumakay ng jeep.

Ah! Oo nga pala, di ko pa pala napapakilala ang sarili ko. Ako nga pala si Fumiko Hiroshi (itinatago ko pala ang aking totoong pangalan, hehez), at ito ang kwentong 'school life' na puning puno ng plastics. Habang nabiyahe ako sa jeep papuntang bicutan, nageenjoy ako sa sountrip na buti dinala ko yung earphones ko na, kung hindi eh baka ngayon bored na agad ako.

──────────── ·  ·  ·  · ✦

Makalipas ng mga ilang minuto, naka baba na ako at tumawid papuntang kabila para makapag akyat ako sa foot bridge. Na habang naglalakad ako paakyat sa footbridge, narinig ko nalang yung pangalan ko na isinisigaw ng dalawang bulilit.

"pumeehh!! Pumeehh! Pumehyok kaya pala hindi jinowa!"

Huminto ako at tumingin sa baba para malaman kung sino ang dalawang 'yon. Natakbo sila na parang hinahabol ako na parng may kasalanan akong ginawa. Nalaman ko na sila Jaime at Rico ang natawag sa'kin. Ang dalawang bulilit na inaasar kong maldita at unano. Hinintay ko sila at kung parang tumakbo ay napakabagal. Nagsimula na akong lumakad nung malapit na sila. Tumawa ako ng pasikreto (ganon pala ako kademonyo hahaha).

•-------------------•

Pagtapak ko sa bridge ay natakbo parin sila, so naglakad na ako patungo kanan papuntang hintayan ng jeep, or... Jeepney stop.
Himala, madaming jeep ang nagaabang sa baba kaya tumakbo nalang ako kase natatakot ako na pag nasa baba na ako ay wala na palang jeep na masasakyan. One of my phobias by the way, jeepnophobia hahaha.

So ayun nakababa na ako sa baba na may jeep sa harap, may masasakyan pa, walang tao sa pasengers' seats sa loob kaya ang swerte ko na makakaupo ako sa tabi ng pagaakyatan. Though, naabutan naman ako ng mga bulilit at dali dali silang umakyat sa jeep na buti nakita nila ako sa pintuan. Naghintay pa kami ng mga pasahero para may maabutan kami ng pamasahe namin. Hindi sa tamad kami para tumayo at iabot ang pamasahe namin sa driver pero napagod din kasi sila sa pagtatakbo at selfish ako dahil gusto ko talagang umupo sa tabi ng pintuan. Madaming estudyante ang sumakay at maraming senior citizens at mga mamamalengke, syemprw pag papunta sa school namin may madadaanang palengke yung jeep, medyo puno ang jeep at di siksikan kaya nagharutan ang dalawa, madami silang topic, at ako naman ang napakatahimik pag magkalapit kaming tatlo, pero mas napakatahimik ako pag kasama nila ang kaclose nila at kasama rin ako. Naghanda na kami ng mga pamasahe namin at iniabot.

"kuya, bayad po. Tatlong estudyante, San Cadio."

(again, itinatago ko rin ang school priorities para hindi masiraan ang real school name namin.)

At sa wakas... Nakarating na kami sa aming destinasyon (este kulungan), balik sa school namin. Grade eight highschool students. At ngayon pala namin hahanapin ang classroom namin.

-Abangan-

──────────── ·  ·  ·  · ✦

Ey guys.. First chapter nga pala ng first story ko, sana nagustuhan niyo at guys baka namannn.. Vote niyo naman to para malaman ko kung nagustuhan niyo ba o hindi, magcomment narin kayo sa mga stanzas na inilagay ko kung ano ba ang opinion niyo. I'm doing my best kaya abangan ang susunod na chapter!





PlasticsWhere stories live. Discover now