Prologue

7 2 0
                                    

"Hindi mo kailangan umalis Louisse." Nakahawak sa kamay kong sabi nya.

"Kailangan ko, at alam mo iyon" sagot ko lang sa kanya.

"Paano kaming mga kaibigan mo? Paano ako?" Nangungusap nyang tanong sa akin.

Tinignan ko siya at tinanggal ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko.

"Hindi ko alam.. Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Pasigaw na saad ko sa kanya.

Nag-uunahan na rin sa pagtulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Nandito ako Louisse! Alam mo naman yun diba?"

"Alam ko iyon, pero buo na ang desisyon ko. A-ayoko lang na madamay pa kayo sa gulo ko." Mahina kong nasabi sa kanya.

"Louisse naman.." mahinang sabi nya.

Napansin ko na rin ang pagtulo ng mga luha nya, kaya agad akong tumalikod sa kanya. Ayokong makita siyang umiiyak, ayokong maapektuhan nun ang desisyon ko.

"I'm sorry. But I have to go." Sabi ko at nag-umpisa nang maglakad palayo.

Napatigil ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod.

"Babalik ka naman diba?" Tanong nya.

Napapikit ako dahil nagmukha itong pakiusap sa pandinig ko.

Hindi na ako nakasagot ng makarinig kami ng sunod sunod na pagsabog.
Hinarap niya ako sa kanya tsaka siya ngumiti.

"Go." Nakangiting sabi nya.

"Salamat."

Tumakbo ako kaagad papunta sa papasara nang lagusan. Bago pa ako makapasok ng tuluyan sa lagusan, isang malakas na pagsabog ang nangyari. Masyadong mabilis ang pangyayari, naramdaman ko nalang ang pagtalsik ng katawan ko at tumama ito sa isang matigas na bagay.

Pinilit kung idilat ang mga mata ko, pero wala na akong lakas para gawin pa ito, hanggang sa mawalan na ako ng malay.

***

The UnkownWhere stories live. Discover now