Diary ng Pogay Chapter 12 Badboy

6.3K 171 25
                                    

HELLO MGA BABES THANKS SA MGA NAGCOMMENT AT WALANG SAWANG
NAGBABASA NITONG DIARY NG POGAY

PROMOTE KO LANG YUNG 2 NEW STORY KO

I KNEW I LOVED YOU

THE GAY PRINCE

LUKE HEMMINGS as CHARLES ------> MULTIMEDIA

........................................................................................................................................................................................

Trevor's POV

"GAGO KA PALA TREVOR EH!!!" naramdaman ko nalang ang dalawang suntok sa sikmura ko at isang suntok malapit sa lips ko.

Napaupo ako dahil sa sakit ng suntok niya sa sikmura ko at naramdaman ko nalang na may kaunting dugo sa lips ko.Tatayo sana ako para lumapit sa kanya at sapakin siya pero nanghina ako dahil narin siguro sa alak na nainom ko,pagod sa hangout at sakit ng pagsuntok niya sa akin.

"WHAT THE FVCK ARE YOU DOING??" narinig ko nalang na may isang lalake na 

"Anong pakealam mo dito? Umalis kana dito bro kung ayaw mo matulad sa kanya" narinig kong sagot ni Andy.

Naramdaman kong lumapit sa akin yung lalake at tinutulungan akong tumayo...

"Sinabi kong wag kang makealam diba!???" napabitaw yung lalake sa pagalalay sa akin dahil sa sapak ni Andy sa kanya.

"BASTARD!!!" sagot nung lalake

Lumaban yung lalake at sinuntok si Andy sa pisngi at likod.. nakita ko nalang na tumakbo si Andy papalayo at tuluyan na akong tinulungan nung lalake na makatayo.

Inalalayan niya ako na makaupo sa gilid 

"Are you okay?" tanong niya sa akin

"Not really "

"Whos that stupid guy?"

"Nothing just a guy ive met online" sagot ko nakakahiya

"stupid,bakit ka kasi nakikipagmeet sa mga lalakeng nakilalamo online?" nakita ko ang itsura niya may naaalala ako sa kanya pero di ko alam kung sino..Porma niya naka all black.Pero super suplado ng muka.

"I dont know what to say, just leave me but thanks" sabi ko sa kanya, nanatili lang akong nakaupo habang pinupunasan yung kaunting dugo sa lips ko.

"umuwi kana gago,san kaba nakatira?san mga kasama mo?" tanong niya.bwisit minura pa ako.

"Hindi ako pwedeng umuwi ng ganitong itsura ko,siguro dito nalang muna ako or aalis ako mamaya dito at maglalakadlakad, hindi ako pwedeng umuwi ng bahay na ganito ang itsura ko malalagot ako sa mga kuya at ate ko lalo na sa parents ko"

"Bahay ng mga friends mo pumunta ka,o baka gusto mong makita ka ulit ng lalakeng yun at mabugbug kang tanga ka" aba minura na naman niya ako.

"Bakit ba inuulit ulit mo pang stupid at tanga ako?"

"bakit hindi ba? sino ba naman kasing matinong tao na magtitiwala agad sa kakakilala niya lang sa internet at sumama pa mag club,diba katangahan yun?" sabi niya.

"OKay sige na tanga na ako tanga na kung tanga,iwanan mo na ako dito" 

"Hintayin mo ko dyan wag kang aalis diyan" sabi niya, hinayaan ko nalang umalis yung mayabang na yun kala mo kung sino kung di lang niya ako pinagtangol kanina aawayin ko eh.

Hangang sa may narinig akong motor at nakita kong pumarada sa harapan ko...Nagtangal ng helmet yung lalake

"HOY!! SAKAY NA Ano pang hinihintay mo dyan?" sabi niya.

"AYOKO umalis kana" sagot ko. 

"SUMAKAY KANA WAG KANA MAARTE o Baka gusto mong balikan ka ng gagong yun,sasakyan niya ba yang sinasandalan mo?" tanong niya. Shit oo nga sasakyan to ni Andy at malamang babalik at babalik siya dito.Kaya kinuha ko yung helmet na pinahiram sa akin nung lalake at sumakay sa likod niya.

Diary ng PoGay(BoyxBoy) Season1 CompletedWhere stories live. Discover now