Wala namang narinig na sagot si Dara mula kay Blaire. Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon at binasa ang mensaheng kanyang natanggap. "Blaire, sumakay ka na sa kotse," sabi ni Dara kay Blaire.

            "Bakit?" nakakunot ang noong tanong ni Blaire.

            "Alam mo, sumunod ka na lang kaysa naman mas galitin mo si Boss," natatawang sagot ni Dara. "Nag-text si Boss na umalis na raw tayo kasi matatagalan pa bago sila mag-take off. Tulog na rin naman daw si Lara," dagdag ni Dara.

            Napataas ang kilay ni Dara nang hindi siya sinagot ni Blaire at talagang sumakay na ito sa sasakyan. Bumuntong-hininga si Dara at sinabing, "Grabe namang mag-LQ 'tong dalawa. Dinaig pa kami ni Gideon."

            "I want to drink coffee," sabi ni Blaire nang makaupo na sa tabi niya sa backseat si Dara.

            "Coffee? Hoy, alas-dos na ng madaling araw. Ba't magkakape ka pa? Ayaw mong matulog?" sagot ni Dara pero hindi na muling nagsalita pa si Blaire.


            "NASAAN ka?" tanong ni Reneth sa kabilang linya. Ngumiti si Blaire at pinakita ang shop kung nasa'n siya gamit ang back camera ng kanyang cellphone. Kausap niya kasi sa video call si Reneth dahil nag-usap sila tungkol sa mga kliyente nila ng buong buwan.

            "Anong ginagawa mo diyan? Waldas ka nang waldas ng pera," natatawang sabi ni Reneth nang ibalik na ni Blaire sa front camera ang phone.

            Blaire chuckled and said, "Exequiel asked Dara to bring me here."

            "At bakit?" tanong ni Reneth.

            "I don't know," sagot ni Blaire. Hindi niya alam kasi hindi naman sinabi ni Exequiel sa kanya kung anong rason. Ni wala na nga siyang narinig mula rito simula no'ng umalis ito ng France kasama sila Lara.

            Basta ang alam niya'y babalik ito sa makalawa rito sa France. Siguro naman by that time papansinin na siya nito at susungitan 'di ba?

            "Kailan ka ba kasi babalik dito ha?" tanong ni Reneth sa kanya.

            "I can't yet. May balak akong negosyo rito," nakangiting sagot ni Blaire.

            Yes. Negosyo talaga ang rason niya kung bakit hindi pa siya makabalik sa Pilipinas. Another is that gusto pa niyang mas manatili sa Paris. Wala rin naman sa Pilipinas ang pamilya niya dahil nasa Switzerland ang mga magulang niya samantalang ang kapatid naman niyang si Blake ay nakatengga sa Australia.

            "At kailan naman 'yan matatapos?" tanong ni Reneth.

            "At least a year or two before it can manage to run without me," sagot ni Blaire.

            "Teka nga. Are you fucking telling me that you'll be staying for two more years there, Blaire? Niloloko mo ba 'ko? Baka may pangatlong anak na 'ko 'pag nakabalik ka na," asar na sagot ni Reneth.

            Blaire chuckled and said, "Eh 'di mabuti. Sakto sa binyag ang dating ko."

            "Gago ka ba? Bumalik ka na rito. Masaya naman na si Xavier tapos mukha namang improving relationship ninyo ni Exequiel," sagot ni Reneth. "O baka naman may boyfriend kang iba diyan?"

            Natawa lang si Blaire at naaninag niya si Dara na pinapakita sa kanya ang dalawang satin gowns na naka-hanger. Sinenyasan niya si Dara na maghintay saglit at tumango naman ito sa kanya kaya binalik ni Blaire ang pansin niya kay Reneth.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now