6. Ikaw at Ako

740 52 7
                                    

Author's Note: Fiction

Balik tayo sa nakaraan. Walang tanongan. Walang sumbatan. Yong dating IKAW at AKO lang.

Yon ang rule natin na napag usapan bago ko pinaandar ang sasakyan ko sa dating lugar  kung saan ako laging nagpa-park. Malayo sa publiko, ilan lang ang nakakaalam.

Binabaybay ko ang kahabaan ng EDSA nong nakita kong gumagalaw kang normal sa loob ng kotse ko. Kilalang kilala mo pa rin pala ito at mukhang kilalang kilala ka pa rin ng kotseng to—lalo na ng nag mamay-ari nito.

Ini-on mo ang car audio at kinnonect sa bluetooth ang phone mo. Unang kanta?

Fantastic Baby.
Nagkatinginan tayo. Unti unting ngumiti at tumawa tayong bigla.

"Good times! hahaha"

"Good times indeed! Ang saya lang."

Sumunod—Twerk it like Miley.
Tawang tawa ka. Yong tawang tipong nakakahawa, wala akong magawa kundi makitawa at sabayan ng pagsayaw, palapit sa'yo.

"Pambansang Bae..."

Sabi mo sabay poke sa dimple ko. A habit you always do, walang nakakagulat don. Masarap pa rin sa pakiramdam.

Syempre paglalakbay to sa nakaraan. Huminto ako sa isang daanan ng streetfood, alam mo na kung anong bibilhin ko.

"Dito ka lang, baba lang ako."

Ngumiti ka at tumango.

"Yong maanghang na sauce ha."

"I know"

Oo naman. Alam ko taste mo. Di ba nga you influence me to eat spicy foods. Ikaw yon, ikaw ang nagpapakain sa akin ng maanghang na pagkain.

Nagkagulo sa labas nong bumili ako. Ilang minuto ang lumipas bago ako nakabalik sa kotse. May dinala akong sealed na lagayan, para sa ganitong pagkain para di lumalabas ang amoy.

Inix-tend mo din ang mga braso sa likod, may isang bag kasi doon na ang laman ay extrang damit. Kinuha mo to, pumili ng isang tee, ibinalik ang bag sa likoran.

"Ito, magbihis ka nangangamoy isaw ka. Dali."

Napangiti ako. Maalaga talaga.

Nag hubad ako, pero bago mo ibigay sa akin ang damit, may kinuha kang bottle of perfume sa bag mo.

Napakunot noo ako. Ba't may perfume ako sa bag mo?

"Hmmm, naiwan mo to noon sa condo, may isa pa ngang di nabubuksan doon."

"Dala mo ba yan palagi?"

"Oo."

"Bakit?"

"Akala ko ba wala tayong tanongan?"

"Okay, sorry."

Napangiti ako sabay taas ng dalawang kamay. Nga naman, rule is rule.

"Akin na, taas dalawang kamay at leeg please."

So, I did, and you sprinkle my body with perfume—the scent of me that you love the most.

"There, bihis ka na."

Tahimik akong nagbibihis habang napapangiti. Ang sarap lang sa pakiramdam.

Kinuha mo sa akin ang pinagbihisan kong damit at nakita kung tinupi mo ito at inilagay sa isang bag na nasa likod, alam mo pa din lahat ng nandito sa loob, sa bagay wala naman nagbago, wala akong binago kahit nong mawala ka na sa buhay ko, pero alam mo kung anong nagpapataba ng puso ko ngayon? Marunong ka ng mag tupi ng damit, dati tinuturuan lang kita, ngayon gamay na gamay mo na.

"Tara..."

Sambit mo, at tumango ako, pina andar ko na ang kotse at ilang sandali lang ang lumipas ayon, nakikikanta na tayo ng Dessert ni Dawin.

"Are we going to Tagaytay?"

"Yes..."

Nakita ko ang excitement mo. Napangiti ako, that was one of the best episodes on our onscreen partnership and the rest of our roadtrips—many of our roadtrips after that happens during wee hours.

Hmmm...you're so good with the selection of your music, puro happy songs ang nakasalang.

"Wala bang God Gave Me You diyan? hahaha"

"Gusto mo ba?"

"Huwag na, wala tayong panahong mag drama ngayon."

"Sabi ko nga diba? I've carefully selected them."

"Good job on that."

"Thanks!"

Lumipas ang byahe natin na nag eenjoy tayo parehas. Parang kagaya lang noong una. Nakakamiss din ang ganitong feeling. Nakakamiss ang mga panahong hindi pa komplikado ang lahat.

Nakarating tayo sa lugar kung saan tayo nag date noon on national tv. Pinabook ko na to kahapon pa. Nakisuyo ako sa may-ari nong hotel, kilala ko naman, at isa lang ang hiniling ko, gawin itong pribadong-pribado. Dumaan tayo sa VIP na daanan nila, nagpark at bumaba tayo. Walang taong nakakita.

Sanay naman tayo sa ganito di ba?
Sanay tayong magtago at gumawa ng ala-ala sa sarili nating mundo.

Farthest from the area where the public can roam, we are here once again—trapped in our own bubble—sa mundong ito tayo lang ang bida, walang kontrabida—IKAW lang at AKO lang.

Pwede natin gawin lahat, pwede nating pag usapan lahat, pwede nating sabihin sa mga puso natin na: SIGE, SA MGA ORAS NA ITO MALAYA KANG MAGMAHAL NG BUONG-BUO.

May naka handa ng pagkain—the way I instructed them, pag naka upo na tayo, wala ng didisturbo, kaya lahat ng kailangan natin nandito na.

Inihanda ko ang isaw, binigay ko sa'yo pati na ang sauce na maanghang na pinabalot ko kay ate kanina.

"Iba ata ang lasa ng isaw ngayon?"

Sabi mo.

"Bakit? Di ba masarap?"

"Masarap, pero may iba, basta di ko ma pin point ano."

"Nakikiayon lang siguro ang tastebud mo sa nakaraan, alam kasi niyang naglalakbay tayo pabalik, kaya ayan, lasang nakaraan yan."

"Hahaha, may ganong hugot?"

"Hindi naman hugot yan. Minsan kasi gaya ng pag acting, may mga time na gusto mo e achieve ang isang bagay kaya lahat sa'yo umaayon, kasi yon ang nakalagay sa utak mo."

"Sabagay, tama naman."

Sinuboan mo ako ng isaw. Pinahiran ng daliri mo ang sauce sa bibig ko.

Tumitig ako sa mga mata mo. Napangiti ako, kasi nakita ko na naman ang dating ningning nito. Siguro nakikita mo din yong ningning ng mga mata ko ngayon? Sigurado akong nakikita mo, kasi simula kanina—buong buo akong humarap sa'yo. No holding back—this is me and my heart.

You kissed my dimple.

"Lalim oh..."

Sabi mo, and right there, alam kong yon din ang ginagawa mo—setting your heart free and letting it feel kung anong gusto mong ma feel sa araw na ito.

Kalahati pa lang ng araw pero achieve na achieve na ang IKAW at AKO.

I kiss your forehead and there, we seat and eat comfortably, exchanging stories—the good stories, smiling, laughing, flirting—like it was just yesterday.


Author's Note: Pahingeng sauce ng isaw—bubuhos ko sa inyong dalawa—mga punyeta! 😂🤣😅

Nasaan Ka Na? (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon