Kasabay nang pagpikit ay isang buntung-hininga muli ang pinakawalan ni Lorraine. Sandali muna itong hindi nagsalita at nakatutok lang sa unahan ang mga mata. Nang muli itong bumaling sa kanya ay parang nakita na ulit niya ang dating Lorraine. "Puwede bang manahimik ka na lang at kumain na tayo? Bilisan mo na at malamig na ang pagkain," bigla ay paangil nitong sabi.

Napamaang dito si Brie. Pakiramdam niya ay umikot ang ulo niya. Bigla siyang napaisip kung may multiple identity disorder ba ito.

Parang nabasa nito ang isip niya. "Hindi ako baliw, okay. Kumain ka na."

Naikiling ni Brie ang ulo. Nag-iisip pa rin. Ilang sandali rin siguro siyang hindi nakahuma. "Was... was that you awhile ago? She feels different," tanong pa niyang hindi pa rin makabawi.

Bigla siyang sinamaan ng tingin ni Lorraine sa sinabing iyon. "Anong akala mo sa'kin, may sapi?"

Tigagal man ay biglang napangiti si Brie. May mga alaalang bumalik sa kanya sa sinabi nitong huling dalawang salita. "Parang eh... Bigla akong kinilabutan kanina," aniyang napahimas pa sa braso. Pakiramdam niya ay literal talagang tumayo ang mga balahibo niya. Nanlalaki pa ang mga mata niya

"Kumain ka na nga lang," pagtataray na naman nito.

Gustong mailing ni Brie. Sa kaninang nakakapanindig-balahibo ay bigla na lang nag-iba ang atmosphere at bumalik ang kakulitan sa paligid.

"Bumalik na naman ang katarayan mo. Puwede bang ibalik mo na lang siya. Buti pa 'yon at mabait at sweet sa'kin," pagbibiro niya, pero sa likod ng isip ay nagtatanong pa rin siya kung ano ba talagang ganap kay Lorraine.

"Gusto mo ba talaga?" tila seryoso naman ito sa tanong.

Biglang na namang nakaramdam ng kilabot si Brielle. "Hindi. Biro lang. Just be yourself, okay. You're scaring me," mabilis niyang sabi at itinuon na ang pansin sa pagkain. Naiiling sa sarili. Sinubukan niyang isawalang-bahala ang kung ano mang kakaibang nararamdaman.

Hindi na niya napansin ang mapait na ngiti ni Lorraine. "Ubusin mo 'to, ah. Iniluto ko 'yan lahat para sa'yo," anito.

Nilingon muli ito ni Brie. "Talaga ba? May sapi ka ngang talaga ngayon." Sumubo na siya ng caldereta. Bumilib siya sa sarap niyon. Napahanga tuloy siya kay Lorraine.

"Ikaw ang nagpapasok no'n sa katawan ko," makahulugan nitong sabi at sumubo na rin.

Natigilan muli si Brie at napatitig dito. Hindi pa rin talaga nawawala ang bigat ng dibdib niya. Sigurado siyang may mali talaga. "Sarap ng luto mo, ah. 'Di ko alam na may talent ka pala sa pagluluto," ang sabi na lang niya upang itaboy ang kaba sa dibdib.

"Well, you never ask," ang sabi lang nito.

They continued talking, exchanging small talks here and there. Nakisakay na lang si Brie sa kung ano mang paandar ni Lorraine. Gusto rin niyang malaman ang sasabihin nito. Magkatulong din nilang hinugasan ang mga plato. Nang nagsasabon na ay nakaisip ng kalukuhan si Brie.

Straight-phobia (GirlXGirl)[Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon