Chapter-58

990 27 4
                                    





Celine's POV...




"Bakit biglaan atang gusto mong makipag-usap sakin? Babalik naba kayo saakin ng mga Anak natin?" Tanung sakin ni John Vic.



Natawa naman ako sa sinabi niya.



Never!



"Hindi kailan man mangyayari yang sinasabi mo John Vic. Bakit ka naghain ng legal custody sa mga bata ha? Wala kang karapatan sa mga Bata at kailanman ka magkakaroon ng karapatan" Naiinis kong sagot.



Pagkarating ko palang sa meeting place namin ay gustong-gusto ko na siyang sampalin dahil sa mga pinag-gagawa niya, pinipigilan ko lang.



Nasa teritoryo niya ako, dapat magiging maingat ako sa mga galaw ko.



Sa totoo lang hindi alam ni Diana na nakipagkita ako sa kanya ngaun, pero pinilit ko parin gawin toh baka kasi madaan ko pa siya sa pakiusap.



Napatawa naman sa siya sinabi ko.


"Really? Wala akong karapatan? Eh kung hindi dahil saakin wala kayong Anak ni Diana ngaun, ewan ko ba naman kasi sayo Celine  ang daming lalaki sa mundo bakit pumatol ka sa tulad ni---



Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng mabilis akong lumapit sa kanya saka siya sinampal.



Sinu siya para sabihan ng ganun si Diana!?



"How dare you! Sabihan ng ganyan si Diana! Atleast siya nagbago siya noong nagloko siya di gaya niyong mga lalaki na tuwang-tuwa pa pag marami kayong babae!" Galit kong saad.



Sasampalin ko pa sana siya ulit ng mahuli niya ang aking kamay then he pinned me to the wall.




"I dont let you to slap me again Celine, ayaw kitang pagbuhatan ng kamay but you leave me with no choice" Saad nito saka lalo pang humigpit ang pagmamahawak nito saakin.



Napapikit naman ako ng mariin dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.



"Hmm.. Mas lalo ka palang gumanda Celine, " Bulong nito sakin.



Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya.



"Now I know magaling pala mag-alaga si Diana, kaya maraming nahuhumaling sa kanya" Natatawa niyang saad, then he tired to kiss me buti naiwasan ko yun. Saka siya sa tinadyakan sa between his thighs niya napa-upo naman ito sa sakit.




"Fck!" Daing niya.




"I came here in peace pero dahil iba tabas ng bibig mo yan ang napala mo, sana di kana magka-anak pa" Naiinis kong saad saka lumabas ng opisina niya.



Woah! That was close.




...





"Saan ka galing? Bakit ngaun ka lang?" Tanung ni Ate Jie, pagkarating ko palang sa bakery.



"Ahh dyan lang may kinausap lang" Sagot ko.



"Ahh ganun ba. Eh anyare dyan sa kamay mo bakit namumula? Parang magpapasa na oh" Tanung muli nito.



Saka ko lang napansin na namumula nga ang pulsuhan ko parang magpapasa na nga siya eh.


"Kyle kumuha ka ng yelo at towel" Utos ni Ate Pons.



Agad namang pumunta si Kyle.



"So saan mo nakuha yan?" Tanung nila.



Napabugtong hininga nalang ako. Ang hirap magtago ng mga secreto lalo na pag may mga ibedensya or kilalang kilala ka ng mga taong kaharap mo.



"Sinubukan kong kausapin si John Vic about sa legal custody ng kambal pero nauwi sa di maganda ang pag-uusap namin" Kwento ko.



"Alam ba toh ng Asawa mo?" Tanung ni Ate Pons.



Umiling naman ako.



"Wag mong sarilihin ang problema niyong mag-asawa Celine baka kung saan nanaman umabot yan" Saad ni Ate Jie.



"Alam ko kasing wala kaming laban ni Diana pag binigyan na si John Vic ng karapatan sa kambal baka ilayo pa niya ito saamin kaya I tried to talk to him ng hindi ko pinapaalam, gusto kong tulungan ang Asawa ko to solve this case pero mukhang mali ang mga ways na ginagawa ko" Naiiyak kong saad.



"Ang gusto lang naman ng Asawa mo ngaun ay. Wag ka ng magsecreto ulit sa kanya, di bale malalagpasan niyo rin ito tiwala lang kayo sa pagsasama niyo okay?" Advice ni Ate Pons.



"Salamat mga Ate the best talaga kayo" Saad ko saka sioa niyakap.



"Bat di kami kasama sa group hug na yan hah?" Sabat ni Kyle at Carly saka nakisali sa group hug.




-
-
-





Isabel's POV...





"Anung ginagawa mo rito?" Tanung nito without looking at me.



Mukhang wrong timing ang pagpunta ko dahil may ginagawa siya pero nandito na ako kaya wala ng atrasan toh.



Natutuwa ako dahil she's a grow up woman now. Hindi gaya noon na happy go lucky siya.



"I just want to talk to you" Sagot ko.



Narinig ko naman ang bugtong hininga nito bago niya pinatay ang laptop niya at tumingin sa akin.



"Now talk" Saad niya.



"Diana gusto ko lang sana humingi ng sorry sa lahat ng gulong nagawa ko sa pamilya mo, I know hindi madaling kalimutan lahat ng yun naiintindihan ko mag hihintay ako kung kelan ko makukuha ang kapatawaran mo at isa pa gusto ko kayong tulungan ni Celine sa issue niyo ngaun kay John Vic" Sagot ko.



"Nasabi narin sakin ni Marian ang mga ginawa mong pagtulong at nagpapasalamat ako roon Isabel napatawad na kita isa lang naman ang bukod tanging hiling ko sayo ngaun" Saad nito.



"Anu naman yon?" Tanung ko.



"Itigil mo na ang pag-asa na magiging tayo pa" Saad nito.



Napasinghap naman ako sa sinabi niya.




Oo, ititigil ko na nga pero iba parin pala ang sakit pag siya na mismo ang nagpapatigil saakin.



"O--Oo ba pag nagawa ko naba yun pwede bang maging magkaibigan tayo ulit?" Tanung ko.


Kahit yun nalang sana magiging okay na ako.


"Sige ba walang problema saakin yan" Sagot niya.



Napangiti naman ako sa sagot niya.


I hope ito na ang simula ng pagbalik ng samahan namin ni Diana.



--------

Hi nga po pala kay @icebearjean at kay @Reynette30 tapos yung nagmemessage sakin ng update salamat sa pagsupport always sa mga story ko.

Leave a vote and keep on supporting guys. Tatapusin ko na kasi ito baka awayin niyo ako sa ending nito hah. Ahahhahaha

Isn't She Lovely (ToLine)Where stories live. Discover now