Chapter-57

1.1K 40 15
                                    




Diana's POV...




9:37 pm ng makarating ako sa aming tahanan. Hindi naman ganito ang usual na uwi ko noon depende nalang kung may dinner meeting ako or kelangan irush na mga papeles. Pero ito ako kahit hindi busy sa work ay ganitong oras na ako nakakauwi dahil sa naging gusot saamin ni Celine.



Madalas kasi ay tulog na siya pag ganitong mga oras dahil narin siguro sa maghapon niyang pag-aalaga sa kambal at ang pagbabalik work pa niya.



Ayaw ko muna siyang kausapin sa ngaun. Kahit sobra narin akong nahihirapan sa pag-iwas ko sa kanya.



Ikaw ba naman iwasan mo taong mahal mo diba suicide yun.



Nag-uusap naman kami pero pag-dumadating na ang topic duon sa nangyari noong nakaraan ay umiiwas na ako.



"Buti naman nakauwi kana Love, pinagluto nga pala kita ng paborito mo" Bungad sakin ni Celine sa may salas.



"Kumain na ako sa labas kanina kasama sila Marian, ikaw ba, kumain ka naba?" Tanung ko rito saka umupo sa sofa at mariing napapikit.



Sa totoo lang ay hindi ako kumain sa labas kasama sila Marian. Nagdrive thru lang ako kanina pero burger lang yun at drinks.



Nagugutom na nga ako ulit ngaun ehh..



"Hindi pa gusto sana kasi kitang makasabay sa hapunan ngaun just like the old times" Sagot niya.



Kita ko naman sa mga mata nito ang lungkot at sakit. Dahil sa nangyayari sa relasyon namin.



Ayaw ko namang sabihin na she deserves it dahil sa paglilihim niya saakin. Kasi nasasaktan ako pag nakikita ko siyang nasasaktan.



Tumayo naman ako at nagtungo sa kanyang harapan at masuyong pinunasan ang mga luhang malayang umaagos sa kanyang pisngi.



"I'm sorry Love nasaktan lang talaga ako dahil naglihim ka sakin lalo pa tungkol sa mga anak natin" Saad ko.



Hindi sumagot bagkus niyakap lang ako nito.




"Sorry din Love hindi na mauulit yun ayaw ko lang kasi na madagdagan pa ang problema mo noon hindi ko naman alam na hahatong pala sa ganito" Saad nito habang umiiyak.



"Shhh.. Tahan na mahal ko pinapatawad na kita, halika na kainin na natin ang niluto mo mukhang masarap yan" Sabi ko naman.



"Akala ko ba kumain kana?" Tanung nito.



"Pakipot style ko lang yun anu kaba luto mo yun tatanggihan ko? No way!" Sagot ko with matching action pa duon sa No way.



"Wait lang Love ipainit ko lang para mas masarap" Saad nito saka nagtungo sa kusina pero bago pa siya makalayo ay hinawakan ko siya sa braso saka hinapit papalapit saakin saka muling niyakap.



Wala ehhh.  Sobra ko siyang namiss.


"Hmmm... Namiss ko talaga ng sobra ang mahal ko" Saad ko then I bury my face to her neck. Naramdam ko naman na napasinghap siya sa ginawa ko.



"Ayan kasi pakipot kapang nalalaman Carlos, kumalas kana muna at ng mapainit ko na ang pagkain natin baka ako pangmakain mo" Sagot naman nito.



Natawa naman ako sa sinabi niya.



Well I want raw tonight!!




Isn't She Lovely (ToLine)Where stories live. Discover now