Chapter-55

1.3K 31 2
                                    





Marian's POV...





"Any progress sa kaso ni Diana Attorney?" Tanung ko.





"So far mamaya palang lalabas yung hinihingi kong video then yung result ng drug test niya" Sagot nito.





"Attorney what if kalaban sa negosyo ang gumawa sa kaniya nito?" Tanung ni Deanna.





"Maari din kelangan natin hulihin si Keith sa sarili niyang dila during the hearing" Sagot nito.




"Attorney sabihin mo lang kung may maitutulong kami sa kaso ng kaibigan namin we are willing to help" Saad naming dalawa ni Deanna.



Masakit bilang kaibigan na nakikita mong nagsusuffer ang kaibigan mo sa piitan ng wala naman talaga siyang ginagawa.





Kilala namin si Diana hinding-hindi niya gagawin yun.




Maaring nagawa niya ang bagay na yun kay Chiara but alam naming natuto na siya sa pagkakamaling yun.




"Attorney bakit hindi muna tayo magpyansa pansamantala?"Tanung ni Deanna.




"Ayun na nga ehh. Inaayos ko narin kaos mukhang matatagalan pa bago siya makalabas bukod sa sunod-sunod ang holiday madami pang kelangan asikasuhin na papel pero ginagawa ko na ang lahat para mapabilis" Sagot ni Attorney.




"Ganun po ba sige po Attorney mauna na kami" Paalam namin.




"Saan tayo magsisimulang maghanap ng mga ebidensya?" Tanung ni Deanna habang naglalakad kami.




Sa totoo lang wala talaga akong naiisip na ideya para tumulong sa sitwasyon ni Diana but nagsalita na ako sa harap nila Celine na we will help Diana na hindi siya guilty sa binibintang sa kanya.


"Marian? Deanna?"




Nagulat naman kami ni Deanna ng makilala namin kung sinung tumawag saamin.




"I know naghahanap kayo ng mga ibedensya sa kaso ni Diana I'm willing to help" Saad nito




"Isabel sigurado kaba dyan? Baka gusto mo lang kaming iligaw sa mga nangyayari" Tanung ni Deanna.




"Grabe ka naman Deanna nagbago na tong best friend ko" Pagtatangol ni Jus.




"Okay lang Jus" Saad ni Isabel.




Napabugtong hininga naman si Isabel saka muling humarap saamin.



"I know nasira ko ang tiwala niyo noon but this time di ko na gagawin yun I want to help Diana dahil mas may malaki siyang paparating na problema" Sabi nito.




"Anung ibig mong sabihin?" Tanung namin ni Deanna.




"Pwede bang sa pribadong lugar na tayo mag-usap?" Na-aalangan sabi nito saka tumingin sa paligid.




"Sa condo ko nalang siguro" Sagot ni Deanna.




"Okay sige tara na" Dagdag ko naman.




Ring!

Ring!

Ring!





Isn't She Lovely (ToLine)Where stories live. Discover now