Chapter 1: Beginning
〰️〰️〰️
''Good morning Mr. Sunshine!
I believe na magiging maganda ang araw na ito. Right? Mr. Sunshine?"
Asik ko habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ang ganda talaga ng gising ko. Parang ako lang.
Pagkatapos kong kausapin si Mr sunshine tungkol sa panaginip ko kagabi ay napagpasyahan ko munang maligo dahil ang lagkit ko na.
''Look to the left, 50%. Look to the right 50%. All in all 100%!
Ang ganda ko talaga kahit saang angulo.
''Give way to Queen Ira!''
Nag hiyawan at nagpalakpakan naman sina Tara,Pinky,blackie at Maiyak iyak naman sa tuwa si Mr. Sunshine na makita akong naglalakad patungo sa tronong nakalaan para sa akin.
''Give respect to our Queen Ira''
Mabilis naman silang lumuhod at yumuko sa aking harapan bilang pagbibigay galang sa Reyna.
Pagkatapos kong umupo ng maayos ay sinenyasan ko na sila na pwede na silang tumayo.
''Kyaahh ang ganda talaga ni Queen Ira. Diyosang diyosa ang dating!''
''Sinabi mo pa''
''Queen Ira ako nalang ang kulang para maging Hari mo!''
Hindi na bago sa akin ang puriin ako ng ganyan. Kaya't bilang pasasalamat binigyan ko sila ng flying kiss with matching kindat.
Nakita ko naman kung paano sila matulala at mahimatay dahil lang sa halik ng napaka gandang babaeng tulad ko.
''Aray naman Yumi''
Asik ko habang sapo sapo ang aking noo. Panira talaga itong kapatid ko kahit kailan.
''Para ka na namang temang diyan. Tapos dinamay mo naman itong mga walang kamuwang muwang nating mga aso''
Kinuha niya naman sina Pinky,blackie, at tara palayo sa akin. Ang harsh talaga nitong si Yumi sa akin. Kung hindi ko lang to kapatid baka ginawa ko na itong Dog foods.
''Pinagsasabi mo diyan Yumi. Ipinapakita ko lang sa kanila kung ano ba talaga ang meaning ng kagandahan. Lumabas ka nga, shooo! labas''
Sinunod niya naman ang aking utos at lumabas na.
''Ang taas talaga ng confidence mo Ate hindi ko ma reach''
Tawa tawa pa niyang pahabol. Niligpit ko na lamang ang aking mga pinagkalatan upang makapag almusal na.
**
''Good morning Dad! Hmm..
Ang sarap naman ata iyang niluluto mo dad. Pero mas masarap pa ata ang nagluluto''
Kunting bola lang para makakain na ^_^
"Loko ka talagang bata ka puro ka nalang kalokohan. Mag handa ka nga nalang ng mga pinggan diyan baka hindi ako makag timpi at baka gawin ka pa naming almusal''
Umiling iling na pagkakasabi ni daddy.
''Whhaaa wag po! Parang awa niyo na...
Mahirap na baka pagka gulohan lang ako pag nagkataon''
Mangiyak ngiyak ko pang pag susumamo.
''Umagang umaga naglalambingan na naman itong mag ama. Kung hindi lang kayo nag mana sa akin ng kagandahan ay naku''
Huwag na kayong magtaka kung saan ako nag mana ng kahanginan.
''Lyra, paki samahan mo nga iyang Mama mo mamaya sa doctor. Nanlalabo na ang mga mata ehh''
Pinandilitan ko ng mata si daddy pero hindi siya natinag. Lumayo nalang ako ng pwesto sa kanilang dalawa at hinayaan si daddy na patuloy parin sa kaniyang nararamdaman.
''Samahan mo siya para dalawa na kayong mapatignan sa doctor. Huwag na kayong mag alala ako na ang bahala sa pang gastos''
Tinignan ko naman ang itsura ni Mommy na pulang pula na dahil sa galit.
Alam ko na talaga kung saan papatungo to ehh
1
2
3
'Araay! Naman mahal. Masama na ba ngayon nagsasabi ng totoo?
Asik ni daddy
'Sapak gusto mo?'
'Amazona mo talaga'
''May sinasabi ka?"
Hawak parin ni Mommy ang kahoy na pinalo niya kanina kay daddy.
''Ehem, nandito po tayo sa hapag kainan kung gusto niyo po mag lambingan. Aba doon po kayo sa liblib na lugar''
Sabay sabay na sana nila akong babatukan ng buong tapang kong itaas ang dalawa kong kamay. Natigilan naman sila at nakiramdam sa paligid bago maintindihan nila ang aking pinapahiwatig at hindi nag alinlangang sabay binatukan ang isat isa.
Napahagalpak naman ako ng tawa pagkatapos makita ang kanilang mga itsura.
''Kung kumain na kaya tayo ano''
Naiinis na sabi ni Mommy
Kahit nasa hapagkainan na kami hindi ko parin mapigilan matawa ng patago kapag nakikita ko silang dalawa. Ang sama ng tingin sa isa't isa.
''Mom, saan nga po pala sa Yumi? ''
Kanina pa talaga yan gusto kong itanong.
''Ahhh si Yumi bah? Nandoon sa ibang bayan. Bumili ng bago niyang mga kagamitan sa pag pipinta. Pag sabihan mo nga iyang bunso mong kapatid na huwag masyadong gumala at baka mapaano pa iyan sa labas''
''Mahal ano ka ba, wala ka bang tiwala sa ating mga anak? Alam na nila iyan kung ano ang tama sa mali okay? Huwag masyadong Nega, nakaka sama iyan sa kalusugan ng magiging anak natin. Araay! Mahal naman eh, nakaka lawa ka na''
'Tumahimik ka nga diyan ka lalaking tao. Tinalo pa ang kapit bahay natin sa kaka daldal''
Nagsisimula na naman po tayo ayan na. Mukhang may world war 3 na magaganap. Naawa na talaga ako sa itsura ngayon ni daddy parang ginahasa na ewan. Kaya inawat ko na silang dalawa bago may madala pa sa hospital.
''Ehem, may dapat ba akong malaman?''
Nagkatinginan muna sila bago ako sagutin.
"WALA!"
''Nagtatanong lang naman ehh''
〰️〰️〰️
_Elle Pink
KAMU SEDANG MEMBACA
The Sting of Every Strings
Misteri / ThrillerLyra Cardinale is already contended of her life, but after she discovered the house with full of mystery, her life started to become a misery. Can she overcome her fears ? Or she will just going to slip it off? There may be a bridge that would ser...
