"Sorry ah. Hindi naman ako nag-major in Linguistics," natatawang sagot ni Exequiel.

            "At hindi rin naman ako nag-major in Linguistics," nakataas ang kilay na sagot ni Blaire. "Siguro naman alam mo distinction ng language at dialect? Na hindi dialect ang Cebuano, Hiligaynon, Ilokano, Bisaya and many others?"

            "Oo naman 'no!" sagot ni Exequiel.

            "Sige nga. Example nga ng dialect," natatawang sagot ni Blaire.

            "May Tagalog-Bulacan, Tagalog-Rizal, Tagalog-Batangas, Tagalog-Quezon," nakangising sagot ni Exequiel. "Variations ng isang language. Iba-iba rin kasi ang Tagalog in different regions."

            "Buti naman alam mo kasi hihiwalayan talaga kita," pabirong sagot ni Blaire.

            Nakita ni Exequiel na biglang bumukas ang pintuan ng kanyang opisina at pumasok mula roon si Misty habang kasunod nito ang mga empleyado niyang makakatikim na naman sa kanya dahil sa palpak na progress report na binigay ng mga ito.

            "D'accord. Go to Greece if that's what you want, but I'll call Phylane first," sagot ni Exequiel. (Fine.)

            "Bien! Au revoir, Mon Amour!" huling sabi ni Blaire sa kanya at binaba na nito ang tawag. (Good! Bye, My Love!)

            Nakangiting nailing na lang si Exequiel bago niya ibaba ang cellphone niya. Blaire called him "Mon Amour", one of her endearments for him before. This is the first time he heard her call him that again, and he doesn't want it to be the last.

            However, he won't make a move yet. It's too early for that.

            "Ahm, Boss?" dinig ni Exequiel na tawag sa kanya ni Misty.

            "Nevermind. Just revise the progress report and I need it by tomorrow, 8 in the morning," sabi ni Exequiel at pinaalis na niya ang mga empleyado niya sa opisina. Naiwan naman doon si Misty. "What?" tanong niya rito.

            "Si Miss Blaire kausap mo, Boss, 'no?" nakangiting tanong ni Misty.

            "Yes," sagot ni Exequiel bago isuot ang eyeglass niya at bumalik sa kanyang ginagawa.

            "Kaya pala biglang bumait," natatawang sagot ni Misty bago umalis sa opisina ni Exequiel.

            Nailing na lang si Exequiel at naalala niyang kailangan nga pa niyang tawagan si Phylane. He picked up his phone again and rang Phylane's number while he's reading the contract in front of him.

            "Ano na namang kailangan mo, Kuya? Nakakailang utang ka na sa'kin ha. 'Pag ako hindi mo nahanap ng lalaking made-date ko, hindi ko hahayaang makauwi si Blaire sa Pilipinas, ni hindi makakatawid 'yung eroplano niya sa ibabaw ng Pilipinas," pagbubungangang sagot ni Phylane sa tawag niya.

            "Do whatever you want, but you also know that whatever you do, I can still take her home," sagot ni Exequiel.

            Tumawa si Phylane at tinanong si Exequiel ng, "So, ano ngang kailangan mo, Kuya?"

            "I'll go to Greece," sagot ni Exequiel.

            "Okay," sagot na lang ni Phylane at binaba na nito ang tawag niya dahil alam naman nito kung ano ang kailangan nitong gawin at kung bakit pupunta siyang Greece dahil ito ang may pakana paniguro ng lahat.

            He pressed the button on his intercom at pumasok naman agad ulit si Misty sa opisina.

            "Yes, Boss? May nakalimutan ka?" tanong ni Misty sa kanya.

The Waiting GameWhere stories live. Discover now