“And who are you, b*tch?” tanong niya sa akin. Medyo na-offend ako sa pagtawag niya sa akin ng b*tch.

“And who are you, too?” balik tanong ko.

Ano’ng akala ng babaeng ito? Magpapatalo ako sa kanya?

“Please, Savanah, wait for me!”
Nagulat ako dahil sa biglang pagsingit ni William sa eksena.

Teka magkakilala sila ng babaeng ito? Kita kong natulala si William nang makita kaming dalawa.

What's happening here? May kailangan ba akong malaman?

“Hindi mo ako kilala? I’m the  secretary of William Dela Vega, my soon to be husband. At ikaw, sino ka naman?”

Tumingin ako kay William pero nag-iwas siya ng tingin.

“Wala akong kaalam-alam na dalawa ang secretary mo,” sambit ko.

“What are you talking about? I’m his secretary, okay? At kung sino ka mang hampaslupa ka, puwede bang umalis ka na?!” she said in sarcastic tone.

“And who the hell do you think are you, para tawagin akong hampaslupa? Wala kang karapatan na tawagin akong hampaslupa, dahil kung tutuusin, mas mukha ka pang lupa sa akin,” I said.

Laking gulat ko nang bigla n’ya akong sampalin nang dalawang beses.

Muntikan na akong ma-out of balance dahil sa lakas ng sampal n’ya. Buti na lang nahawakan ako kaagad ni William.

“William, sino ba iyang intrimitidang babaeng ’yan?”
“Shut up, Savanah. Tapos na ang trabaho mo rito, okay? Just leave us alone.

Tinanggal na kita bilang sekretarya ko kaya wala ka ng karapatan pang tumapak sa building na ito!”

Nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni William.

“Whatever, William. Babalikan kita. Tandaan mo ’yan!” Savanah said.

At tiningnan niya ako nang masama. 
Well, hindi naman ako nagpatalo at inirapan ko s’ya.

“Sorry for what happened,” William said at diretso nang pumasok sa loob.
Agad naman akong sumunod sa kanya.

“Close the door at umupo ka na roon sa bakanteng iyon,” he said.

Agad ko naman sinunod ang utos niya. Pagkaupo ko sa aking puwesto ay tumambad sa akin ang sobrang daming papel.

“Sorry for that mess. Isa sa mga dahilan kung bakit ko pinalitan si Savanah dahil hindi s’ya sumusunod sa mga utos ko.

She’s too noisy and crazy,” William said, habang nakatutok ang mata niya sa laptop niya.

Hindi na muli siya nagsalita pagkatapos noon.

Mga ilang minuto ko pang tinitigan lang ang mga papel na nasa harapan ko, nang biglang may lalaking pumasok.

Nag-angat ako ng tingin upang tingnan kung sino ang pumasok.

Walang iba kundi ang kaibigan ni William na kung makatingin sa akin kahapon ay parang kakainin na ako ng buhay.

“Ano’ng problema mo, Trace?”
So, Trace pala name ang n’ya.

“Wala, binibisita lang kita. Baka kasi may ginagawa kang hindi kaaya-aya,” sabay lingon sa akin ni Trace ma may halong pang-aasar.

Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko kaya agad kong ibinalik ang sarili sa pag-aayos ng papeles.

“Kung pumunta ka lang dito para mang-bad trip, Bro, puwedeng bumalik ka na lang doon sa puwesto mo at simulan mo na ang dapat tapusin!” William shouted to Trace.

A Beautiful Mistake [Published Under Immac]Where stories live. Discover now