Chapter Thirty One*

Start from the beginning
                                    

First love? Si Ej? Pinakiramdam ko ang sarili ko. Hindi na lumalakas o bumibilis ang tibok ng puso ko pag naririnig ko ang pangalan niya. Tinignan ko ng seryoso si Arman. “Yes. I don’t love him anymore. Gaya nga ng sabi ko sayo, si Jm ang mahal ko. Siya na at wala nang iba.”

“Good for you, bad for me.”

“Huh?”

“Kasi mahal na mahal din ni Cherry ang first love niya at ang tanging hiling ko lang, makalimutan niya na din ito gaya ng paglimot mo sa first love mo.”

“Alam mo, ganito ang gawin mo. Lagi mo siyang bwisitin haha. Ganun na ganun ginagawa ni Jm e. Hindi ko alam nagpapapansin na pala siya.”

Nag-poker face ito. “Talagang gagawin mo lahat maisali lang siya sa usapan hah.”

I sneer at him. “Ginagaya lang kita no! Isinasali mo din naman sa usapan si Cherry e.” Pagkatapos nagkatawanan kaming dalawa sa ginagawa namin.

“We’re just inlove. Hayy. Kung kailan tumanda ako saka ako naging ganito. Grabe. Anyway, just want to tell you that I’m going to macau with her of course. Kaya kung ikakasal na kayo ni Jm, don’t forget to invite me okay. Kahit nasa malayong lugar ako, pupunta ako.”

“Sira! Matagal pa bago ako ikasal. Hindi pa nga siya nagpropropose e.”

“Doon na din ang tuloy niyo.”

Medyo nagblush pa ako. Ako, ikakasal kay JM? Sana! Syempre alam ko na sa sarili ko na, na si Jm lang talaga ang gusto kong makasama habang buhay. Ngayon na magkasama na kami sa iisang bubong e sweet na sweet na kami, paano pa kaya pag kasal na kami? Yiee. Kinikilig ako sa mga iniisip ko!

“Pero I wish you good luck with Cherry. Make her fall in love with you.”

“Oh come on! I can do that. Pag-uwi namin dito, patay na patay na siya sa akin.”

Natawa pa ako sa sinabi niya. “Lakas ng confidence..”

Nagpaalam na ito pagkatapos.  Ako naman, balik sa pagdial. Pero out of coverage area ang cellphone ni Jm! Kung kailan naman ako ang magyayang kumain saka pa ganito. Why? At saka may ibibigay din kasi ako sa kaniya e. Tinignan ko pa ang picture frame na yun. Picture naming dalawa ni Jm. Collage iyon na talaga namang pinaghirapan ko pang gawin. Mga pictures namin yun sa cellphone ko.

Gift ko sa kaniya yun kasi magthe-third monthsary na kami. Actually ayaw ko nga siyang i-celebrate kasi hindi naman namin isinelebrate yung first at saka second. Parang ordinary days nga lang yun e. Pero may pumunta kasi na magkasintahan dito noong nakaraan tapos nagpapicture silang dalawa. Monthsary gift daw nila sa isa’t isa.

Tatlong buwan na din pala simula ng maging kami. Oo, inaamin ko na hindi ko pa siya mahal nun pero nagawa ko siyang mahalin. Nagawa din kasi niyang iparamdaman sa akin na ako lang at wala nang iba. Ang swerte ko talaga kay Jm.

“Ma’am, daydreaming kayo dyan huh.”

Love Cafe Series: Picture of My HeartWhere stories live. Discover now