Seen Zoned

744 36 24
                                    

PLAGIARISM is a CRIME!!!!

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, incidents and even accidents are either products of the author's wild imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

COPYRIGHT (c) 2014 by EminaSakura

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

SEEN ZONED

Amethyst's POV

Me: Hi!

Seen 2:32 pm

Me: Uhmmmm... anong ginagawa mo?

Seen 2:34 pm

Me: Ano ba 'yan? Seen na naman?

Seen 2:37 pm

Me: Ouch! Wala ka bang ibang alam na gawin kundi ang mang-seen?

Seen 2:42 pm

Me: Grabe 'to, oh. Seen zoned na naman ako. ASAR!

Seen 2:43 pm


Haist! Seen zoned na naman ako. Langya talaga. --___-- Nag-log out na lang ako ng fb. Nakaka-asar, eh. Chat tayo nang chat, sini-seen zoned lang naman tayo.

Hi nga pala! I'm Violet Amethyst Villanueva, 14 years old na po ako. Kasalukuyan lang naman akong nag-ffb. Boring sa bahay, eh. Walang magawa. 

Kanina pa ako naghahanap ng ka-chat. Halos mga friends ko kasi sa fb, hindi ko masyadong close. Habang naghahanap ako, nakita kong online si crush. OhMayGhad! Kaya, hindi pa ako nag-aksaya ng panahon at chinat ko siya agad. Kaso nga lang, puro seens lang ang binibigay niya. Asar!

"Violet?" si Kuya Silver yan. Siya ang napaka-sweet kong kuya. Close kami dahil one year ahead lang siya sa'kin.

"Ya! Kuya. Pagsabihan mo nga yang kaibigan mong si Zircon. Nang-seen zoned na naman." I said habang naka-pout.

"Yaan mo na si Blue. Wala naman talaga yun paki-elam sa mga chats. Puro dota lang yun, eh. Alam mo yun?" sabi naman niya. Mag-best friends kasi sila ni Kuya at ni Zircon na tinatawag ding Blue. Kahit one year ahead si kuya, naging mag-kompare yung dalawa. Nagselos pa nga ako, eh. Buti pa sila ni kuya, close na close. Kami ni Zircon, open na open. -__-

Nagbukas na lang ako ng wattpad at nagbasa ng Will You be My Ubebe? by TheAlienMind. Nahawa na kasi ako sa mga alien stories niya. Tsaka, ang cute ng mga stories niya. (*o*)

 "Vi." tawag sa'kin ni kuya habang yinayakap ako.

"O? Bakit na naman?" -ako.

"Labas tayo." paanyaya niya. I-clinose ko yung window ng wattpad tsaka siya dinala sa labas ng kwarto.

"Oh, nakalabas na tayo. Ano na ngayon?" ako with my sarcastic tone.

"Eh, Violet naman." sabi niya nang naka-puppy eyes. Yeah! Yeah! Alam ko na ang mga matang yan.

"Tss. Sige na nga." ako.

"Yehey!" sabi niya na parang bata. Minsan, duda ako kung siya ba ang mas nakatanda sa'min o ako. Parang ako ata ang ate, eh. Sadyang nauna lang siyang iluwal kesa sa'kin. O di kaya't nagpalit kami ng utak. Pwede ba yun?

Seen Zoned (One Shot)Where stories live. Discover now