UniCoco - (Untitled 1)

Start from the beginning
                                    

Bumalik na ako sa kwarto nila,pagkadating ko ay nandun na si Ate Ella.

"Ang kulit mo kase eh,sabi ko sayo kagabi wag ka na sumama."Rinig ko pang sabi niya.

"Eh kesa wala kayong kasama." Dinig kong reklamo ni Ate Gabb, is she pointing to last night? When we we're buying foods tsaka biglang umulan?

"Eh ayan naulanan ka. May sakit ka na nga kagabi dinag-dagan mo pa, imbis na gumaling ka. Pano ka pa makaka-amin sa kanya niyan? "

"Shut the fuck up, Amat. She might hear you!" Ate Gabb exclaimed.

"Ahm Ate Ella,ito na yung pagkain tsaka gamot ni Ate Gabb."Nilagay ko naman sa side table nila.

"Ah sige thank you,Coco. Ako na bahala kay Gabb."Ngumiti na lang ako nakolumabas ng kwarto.

Bumalik na ako kila Ate Brei na nonood.

"Ba't iniwan mo na kaagad si Gabo?"Tanong nila.

"Andon naman na si Ate Ella." Sagot ko na lang.

"Ah selos."Bulong ni Ate Ecka.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Tumawa lang siya kaya bumalik na ako sa panonood.

Pero ang swerte naman nung nagugustuhan ni Ate Gabb.

Gabb's

It's been a week simula nung nagkasakit ako. And ok na din ako. Naka-attend na rin naman ako ng mga events namin.

Naging busy na rin kami dahil nga sunod sunod ang events, sama mo pa yung MV Shooting namin para sa High Tension. Pressured pa kase nga ako yung Center. Baka hindi ko din ma-ibigay yung expectations ng MNLoves . Then trainings namin na sobrang nakaka-pagod.

Buti nga ngayon ay free kami kaya nakatambay lang kami sa mansion. Boring pero kasama ko naman si Ate Rans, dapat si Ate Brei kaso busy siya.

"Ayoko, nahihiya ako. Baka mamaya ma-reject pa ako." Reklamo ko sa kanya

"Tutulungan ka na ngang umamin kay Coco ayaw mo pa."Sabi naman ni Ate Rans. Tinutulungan niya kase ako na maka-amin kay Coleen.

"Eh hindi ko nga kaya. Mahirap."Nasabi ko na lang.

"Madali lang yon dami mo pang sinasabi,sasabihin mo lang naman sa kanya na gusto mo siya,oh tapos. Sample nga."Sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako bago magsalita.

"Gusto kita,matagal na. Hindi ko alam kung kailan yung exact na na-feel ko, basta. Gusto kita. "Ngumiti naman siya ng biglang may nagsarado ng pinto.

"Kaya mo naman pala eh."Sabi pa niya bago lumingon sa may pinto. "Oh sino ba yon kala mo may kaaway kung mag-sara ng pinto?"Takang tanong niya.

Sabay naman kaming lumabas,lalakad na sana ako nang makitang may panyo.

"Sayo ata yan e."Umiling naman ako.

"Wala naman akong ganto no. Tsak nandito lang naman tayo kaya bakit pa ako maglalabas niyan." I said before giving her the handkerchief.

"Paamoy nga."Inamoy niya naman.

"Kay Coco yan diba? Ganyan pabango ni Coco yang ganyang amoy." She said

"Ba't naman nandito?"Takang tanong ko.

"Ewan ko. Balik mo na lang Gabo,basta yung pin-ractice mo ha? Galingan mo, wag kang tatanga-tanga umamin. Babatukan talaga kita. "Tinapik niya naman ako sa balikat. Tumango na lang ako. Dumiretso naman ako sa kwart nila.

"Wag ka nang umiyak,sabi ko naman kasi sayo diba? Umamin ka na dapat."Dinig kong sabi ni Ate Brei. Abah, may nagugustuhan na ang Baby?

"Oo nga,Coco. Mawawala din yan. Wag ka ng umiyak. Malay mo naman di lang talaga siya yung para sayo diba? "Si Coleen umiiyak?

MNL48 One Shots (closed)Where stories live. Discover now