"Maam? pwede po magtanong?"

"Oo naman kuya! Para ka namang others e" napatawa naman ng mahina si kuya rox. May katandaan rin ito ngunit hindi baba sa seventy ang edad

"Bakit po ba gusto ninyong pumunta sa lugar na ganon?"

Napaisip naman ako.

"May nabasa kasi ako. May limang tao raw doon na may kakaibang katangian o kakayahan. Ngunit para sa mga nakatira roon ay isa sila sa mga malas o di naman kaya'y masasama. Gusto ko lang silang makilala. Kahit walang kasiguraduhan kung saan ko sila hahanaping lima. Nasabi din kasi sa libro na magkakalayo ang mga ito kaya balak ko silang pagsamahin pagkatapos 'non. Hindi ko na alam. hehe" Nakangiting alintana ko.

Napukaw ng atensyon ko ang libro na iyon. May parte rin sa akin na hindi naniniwala pero meron rin oo. Para kasing sinasabi ng libro na pumunta ako roon at hanapin ang mga ito. Ilang saglit pa ay dahan dahang bumaba ang sinasakyan namin. Ang binabaan ni kuya rox ay magubat. Baka raw pag may nakakita ng chopper niya ay hindi pa raw nakakaalis ay sunog na ang mga ito. Tinanong niya pa nga ako kung sigurado na ba daw ako. Nakailang ulit itong nagtanong sa akin ngunit desidido talaga ako.

"Kailangan ko muna ng matutuluyan" hinawakan ko ang puting balabal na nakatakip sa ilong at bibig ko. Tanging mata lang ang kita. Pinasuot ito sa akin ni kuya rox. Habang naglalakad ay may nakakita ako ng batang pilit binubuhat ang dalawang balde ng may lamang tubig.

"Tulungan na kita" gulat ito sa biglang pagsulpot ko. Napatawa naman ako ng makita ang gulat nitong mukha.

ang cute.

"P-Paano ako makakasigurado na hindi mo k-kukunin ang balde ko, binibini?" nanatili itong nakatitig sa akin.

"Hawakan mo ang bag ko para walang kawala." Naguguluhan itong tumingin sa akin.

"Ano ang bag?"

"Ang bag ay salitang engles. Ibig sabihin ay malaking supot o lalagyan." Mukha naman akong teacher dito pero hehe ang cute niya e.

"M-Marunong kang magsalita ng engles binibini? I-Ibig sabihin ay.. ay.. prinsesa ka?!" gulat na bulalas nito sa akin. Lumapit naman ang mukha ko na mas lalo niyang kinalaking mata. Hula ko ay nasa sampung taong gulang pa lamang ito.

"Hindi. Kaya tara na" ginulo ko ang buhok nito at kinuha na ang dalawang balde ng tubig. Nasa gilid ko naman ang bata. Hindi ko alam ang pangalan niya. Natutukoy ko na nasa gitna ng kagubatan sila nakatira. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapanguso dahil kada hakbang ko ay napatutulala ito sa akin na para bang sinusuri ako.

Third person pov;

"Ina!" takbong yakap nito sa kaniyang ina. Puti na ang buhok nito at hindi maipagkakaila na may asim padin.

"Felix! ang tagal mong bata ka! nag-aalala na ako sa'yo" sermon ng kaniyang Ina.

Napangiti naman si sunny sa nakita niya. Parang hinahaplos nito ang kaniyang puso sa nasaksihan. Inilapag niya muna ang dalawang baldeng binitbit niya sa tabi ng pintuan ng bahay nila.

"Ina may kasama po ako. Tumulong po sa akin" Tumingin naman ito sa dalagang nakatalikod sa kaniya. Dahan dahan naman humarap si sunny at ngumiti. Napatulala naman ang ina ni felix. Bagama't mata lang ang kita rito hindi niya parin maiwasang hindi mamangha sa aking kagandahan nito.

"Napakaganda ng iyong mata iha. Ano nga pala ang pangalan mo?" Salita ng ginang dito. Maging si felix ay nagkaroon ng interes dito.

"Ako nga po pala si Sunny!" magiliw na pagkilala nito sa kaharap. Hindi maiwasang mapangiti ng mag-ina dahil bukod sa maganda ang mga mata at dilaw nitong buhok hindi maitatanggi ang maamo't maganda pakinggan ang tinig nito.

"Ako nga pala ang ina nitong si felix, tawagin mo nalamang akong Ina matilda." pagpapakilala nito. Pumasok naman sila sa loob. Maayos ang mga gamit at mukhang disente talaga. Inilapag ni sunny ang kaniyang bag.

"Kakain na, binibining sunny" natutuwa si sunny dahil pangarap niya dating tawaging binibini at ngayon alam na niya ang feeling.

Umupo naman sila sa sahig. Hindi naman maarte si sunny, giliw na giliw pa nga ito habang nakaupo. Hinawakan na niya ang tinidor ng hawakan ni Ina matilda ang kamay nito. Napatingin siya rito.

"Ang balabal mo iha" napakamot naman ito sa batok dahil hindi niya napansin na may balabal pa pala siya. Tumayo ito at tinanggal ang puting balabal. Inilagay naman niya ito sa kaniyang lagayan. Pagkaharap nito ay tila nawalan sila ng lakas ng makita ang mapupula nitong labi, may kaputian at saktong tangos ng ilong. Mas lalong bumagay pa ito sa dilaw na buhok na hanggang sa baba ng dibdib. Sunod-sunod ang paglunok ng dalawa.

"HAHAHAHA" tawa ni sunny ng makita niyang sabay na naglunok ang magina. Mag-ina nga talaga ito.Tumikhim naman ang mga ito bago magsalita

"A-Ang ganda mo po ate sunny" nakatitig na sabi ni felix. Pakiramdam ni felix ang kaniyang nasa harapan at isang anghel.

"Ah? salamat hehe. Pwede na ba tayo kumain?" ngumuso naman ito na ikinangiti ng mag-ina. Kumain na sila.

Sunny Adelson: The journeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon