[2] Crush ko siya......?

1.8K 30 5
                                    

[2] 

Lumipas pa ang mga buwan at mas lalo kaming nagkakilala ni Travis. Hindi lang naman na yung tipong kaming dalawa lang, pero siyempre, kasama ang buong klase. Nararamdaman na kasi namin na papalapit na ang pinakakinakatakutan naming panahon ng pagiging Seniors. Unti-unti nang nagoopen up ang bawat isa at masayang-masaya ang buong klase.

English period namin noon at magkakaroon kami ng friendly debate. Inassign kami ng teacher sa dalawang magkakahiwalay na grupo. Ako naman tong baliw na taimtim na nagdasal sa isip ko na magkasama sana kami ni Travis sa iisang grupo. 

"Bukas ko nalang iaannounce ang groupings nyo class. For now, iiwanan ko nalang muna kayo ng isang assignment since may Faculty meeting ang mga teachers ngayon." sabi ni Maam.

Yes! Walang pasok! Hahaha

"Hay salamat! Early lunch tayo!" sigaw na malakas ni Jared. Sumunod naman ang mga iba naming kaklase na nag-iingay. Bakit kaya pag hayskul masaya pa kami pag walang pasok, pero nasa school? :">

"Bawal mag-ingay class, kahit early lunch kayo, ha!" sinabi ni Maam. Sinulat niya ang homework namin sa blackboard at tuluyan nang umalis na paulit-ulit parin kaming sinasabihan na wag magingay. Ang batch kasi namin ang pinakamaingay sa buong highschool. 

Please! Sana magkagrupo kami ni Travis! Gusto ko siyang makasama sa debate! 

Hindi ko lubos matanggal sa isip ko iyon. Pero sana nga magkatotoo!

"Hoy babae ka! Anong pinagkakaabalahan mo dyan ha?! Mukhang malalim ang iniisip natin ah!" sumulpot naman si Mari.

"Wala ah." sagot ko nang mahina. Kinuha ko na ang notebook at bolpen ko at nagsimula nang sumulat. Hindi sinasadyang napatingin ako sa direksyon ni Travis sa front row. 

*ba-dump ba-dump*

Nakatingin din sya sa direksyon ko!

OhMyGoooooooooooooooooooooooo!!!!!!!!!!!!!!!

It was a brief moment. Madali lang, mga 3 seconds maximum. Nagka-eye contact kami. Binalik ko na ang tingin ko sa notebook ko. Shit lang! > <

"Ikaw ha, marunong ka na palang magkacrush-crush ngayon ha," sumulpot na naman ang boses ni Mari.

Tumingin ako sa kanya.

"Ha? Anong magcrush-crush na pinagsasabi mo?" tinanong ko siya.

"Si Travis!"

H-Huh? O_______O?

Anong crush crush?

Anong si Travis?

"Ha?"

"Wag ka na ngang magmaang-maangan Cars! Obvious kaya! Crush mo si Travis!" diin ni Mari.

Ha? Crush?

Crush ko si Travis?

"Ha ka ng ha diyan! Ano ka ba Caroline! Para kang timang!" asar ni Mari na parang naiirita. Crush ko daw si Travis? 

Timang daw ako. Oo ata. Natitimang na ako kay Travis. O-M-G! Natitimang na ako sa kanya! Bumilis ang tibok ng puso ko. Crush ko siya! Crush ko na nga siya! Pang-high school love story na to!

Tumingin ulit ako sa direksyon ni Travis gamit ang mga mata ko para di makita ni Mari. Tulala si Travis na nakatingin sa sahig. Hahaha. Ano na naman ba ang nakita niyang napaka interesante na nakapatong sa sahig? 

Haaay Travis. Ano ba tong ginagawa mo sakin?

--

Short update dahil may sakit ako. Gomen. (_ _") Salamat pala sa mga readers nito, kung meron man :)

Crush Kita, Manhid Ka Ba?!Where stories live. Discover now