Chapter 5: Be Ready!

Start from the beginning
                                    

Naglalakad si Andrex papunta sa restroom ng may nakabangga siya, pagkabangga sa kaniya bigla itong bumulong na nagpagulo ng isip niya. 'Be ready'.

Be ready?

Nakabalik na si Andrex sa table nila na malalim ang iniisip, napansin naman nila na malalim ang iniisip ni Andrex kaya inistorbo nila ito.

"Uy! Andrex what happened to you?" tanong ni Shin. Pero di siya pinansin ni Andrex.

"Hey! Andrex"

"Andrex!"

"Andrex!"

"ANDREX LEIGHTON VILLONO!" sabay sabay na sigaw nila.

"Ha?" inosenteng tanong nito.

"Hatdog." sabay sabay na sagot nila maliban sa kanilang manager. Napailing iling naman ang kanilang manager at may sumusupil na ngiti sa labi.

"Bakit ka nakatulala at ang lalim ng iniisip mo, are you okay? Is there a problem?" tanong ng kanilang manager.

"Ahh! Nothing. I'm fine daddyger don't mind me, I'm just thinking of something not important." yeah! Not important.

"Sabi ko na nga ba eh, nag cr ka lang nagkaganyan kana, Tsk! Tsk! Tsk! Umam-" hindi natuloy ni Shin ang sasabihin niya ng binato siya ni Andrex ng kutsyara na nasalo naman niya.

"Bakit ka namamato?" inis na sabi nito. "Paano na lang kung natamaan ang gwapo kong mukha?"

"Tsk, wala namang mawawala!" Bulong nito.

"Ano!?" Gulat na tanong ni Shin.

Nagsitawanan naman silang lahat, maliban kay Andrex at One.

Habang nagtatawanan sila napansin ni Andrex na may nakatingin sa kaniya kaya liningon niya ito, nagulat siya ng nakita niyang yung lalaking bumangga sa kaniya ang nakatingin, hindi niya maaninag ang mukha nito dahil madilim sa parte na yun, pero kinabahan siya ng bigla itong ngumisi at umalis.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa hindi na niya ito nakita, nang tumingin siya sa mga kasama niya ay kinabahan siya ng makita niyang nakatingin ng seryoso sa kaniya si One. And  he's not stupid para hindi niya malaman na may alam ito kung bakit ganon ang ikinikilos niya. Patay.

---

Pagkadating nila sa bahay nila dali daling pumunta si Andrex sa Kuwarto niya.

Hatinggabi na pero hindi pa rin makatulog si Andrex kakaisip sa mga nangyari kanina, kaya naisipan niyang bumaba at uminom ng beer para makatulog na siya dahil hindi sapat ang ininom nila para mawala ang mga iniisip niya. Chineck niya muna kung gising pa ang mga kasama niya ng masiguradong tulog na ang mga ito ay lumabas na siya at pumunta sa kusina.

Nakakuha na siya ng maiinom at umupo, nagsimula na siyang uminom at nasamid siya ng biglang may nagsalita sa gilid niya.

Cough~cough

"Tss. Here. Drink this." inabutan niya ng tubig si Andrex at sinamaan siya ng tingin nito at kinuha yung baso sa kamay niya.

"Bakit ka nanggugulat?" inis na tanong ni Andrex pagkatapos nitong uminom ng tubig.

"Tss. Hindi kita ginulat nagsalita lang ako." sagot nito.

"Kahit n-" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng magtanong si One na nagpakaba sa kaniya.

"Anong nangyari kanina?" seryosong tanong nito.

"What are you talking about, Kuya One?" tanong nito pero tiningnan lang siya ni One ng seryoso na lalong nagpakaba sa kaniya.

"Ahh, nag inuman tayo, kasama nati-" Hindi niya ulit natuloy ang sasabihin niya ng magsalita si One.

Shin's POV

Nauuhaw ako kaya naisipan kung bumaba para uminom. Papasok na ako sa kusina ng marinig ko na may nag uusap. Sumilip ako at nakita ko si One at Andrex na nag uusap.

"Wag na tayong maglokohan dito Andrex" seryosong sabi ni One.

Napabuntong hininga naman si Andrex.

"Fine. May bumangga sa akin kanina nung papunta ako sa restroom." sabi niya at umupo naman si One sa katapat niyang upuan at kumuha din ng beer. Tumango naman si One na nagpapahiwatig na ituloy niya yung kinukuwento niya.

"Tapos pagkabangga niya sa akin bumulong siya, Be ready! daw." dagdag niya.

"May iba pa bang sinabi?" tanong ni One.

Umiling naman si Andrex.

"Siya ba yung tiningnan mo kanina?" tanong ulit nito.

Napabuntong hininga ulit si Andrex at tumango.

Ano bang pinaguusapan nila?

"Lumabas kana sa pinagtataguan mo Shin." sabi ni One. Huli! nagulat ako ng bigla niyang sinabi yun kaya nataranta ako at dali daling lumapit sa kanila.

"Ahm. Hi." nakangiti kong sabi. Shit! Wrong timing. awkward.

Halatang nagulat si Andrex na nandito ako. Napatingin naman ako kay One na seryoso lang, ito talaga ang lakas ng pang amoy. Aso ba siya?

"Kanina ka pa diyan Kuya Shin?" tanong ni Andrex.

"Ahh, HEHEHE! oo. " sabi ko.

"Narinig mo ba pinaguusapan namin Kuya Shin?" tanong ulit nito.

"Ahm, Uhh, Oo, 'di ko naman sinasadya eh, kukuha lang ako ng tubig." sabi ko.

"Sino ba'ng pinag uusapan niyo?" tanong ko. Nagkatinginan naman sila, tinanguan lang siya ni One.

"Upo ka muna." sabi ni Andrex. Umupo naman ako sa tabi ni One. Mukhang seryoso pinaguusapan nila kaya nagseryoso din ako.

Kwinento nila sakin ang pinagusapan nila, yung bumangga kay Andrex nung papunta siya sa restroom at pag sabi nito ng Be Ready, tapos yung pag masid nito sa kaniya at pag ngisi bago ito umalis.

"So nakilala mo ba?" tanong ko.

Umiling siya. Napabuntong hininga naman ako.

"Kailangan malaman to ng iba, matulog nalang muna tayo at pag usapan nalang natin to bukas." sabi ko na sinangayunan naman nila.

"Goodnight!" sabi ko.

"Goodnight!" sabi din nilang dalawa.

Paakyat na ako ng hagdan ng maisip ko ulit yung pinag usapan namin.

Tss. Kung sino ka man humanda k-

"Aww!" napasigaw ako sa sakit ng mauntog ako sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko pala napansin na nandito na ako.

"Ngayon na nga lang mag seseryoso palpak pa, Tsk!" bulong ko.

Haysssttt! Guwapo nga naman!

Lost StarsWhere stories live. Discover now