Pumunta ako sa mga sweet foods at kumuha ng mga cupcakes doon. Kumuha ako ng dalawa dahil una nagugutom na ako, pangalawa, naiinis ako.

Why the hell I can't control my emotion? Pakiramdam ko ito at hindi dapat ako nagagalit sa ibang tao dahil hindi naman nila kasalanan na gusto ko siya at gusto niya ang iba. Siguro kailangan ko lang ng hangin para huminga.

Pumunta ako sa malapit sa may swimming pool dahil alam kong naroon kanina sila kuya. Pagkarating ko roon, wala sila kaya naman dumiretso na ako sa isang upuan doon.

Huminga ako ng malalim at nilabas lahat ng negatibong bagay na naiisip at isinasapuso ko. Dapat positive lang ako dahil kaarawan ko.

"What are you doing here? Ba't umalis ka roon?" Napalingon ako sa tabi ko. It is Rovick.

Inoobserbahan niya pala ako at talagang pinuntahan pa ako rito.

"Gusto ko lang magpahangin. Babalik din naman mamaya," ngiti kong sabi sa kanya.

"Is Greg your boyfriend? He's too possessive to you," he asked hesitatingly.

"N-no, he's not my boyfriend. Hindi rin siya... uhm p-possessive, namisinterpret mo lang yata ang galaw niya."

"Ok... but the way, are you free tomorrow? Do you want to join with me? Bibisita kasi ako sa orphanage na itinayo nila mama. Magtuturo rin ako na magpaint sa mga bata. Do you know how to paint?"

"Talaga? Ang bait naman ng mama mo at nagpatayo pa siya ng ganiyan... Sama ako ha? Willing akong magturo. Pero hindi nga lang masyadong magaling magpinta, slight lang," natatawa kong sabi.

"Ok na 'yon, at least marunong. Basta bukas ha? Huwag makakalimot," sabi niya at tumitingin sa likod ko.

Napapakamot pa siya ng ulo at parang natatakot sa nakikita niya sa likod ko. May multo ba sa likod ko?

"Sige, balik na ako doon," sabi niya at tumayo naman ako para magpaalam sa kanya. Babalik din naman doon mamaya.

"Sige."

May tumikhim sa likod ko kaya tumingin ako. Lumakas pa ang kabog ng dibdib ko dahil akala ko multo, iyon naman pala ay si Greg.

"Why are you with him?" Angil niya.

"What's your problem with that?" Paghahamon ko sa kanya.

"My problem is, you left me with your friends without even telling me. Then, I saw you here with someone you just know tonight. That's my problem," he said. He is frustrated.

"Anong problema roon? Nakikipagkaibigan lang naman siya. Wala siyang masamang intensyon. Saka problemahin mo ang problema mo," sigaw kong sabi sa kanya.

"Ikaw lang naman ang problema ko. You are too friendly without knowing their intention to you."

"They have no intention to me. Ikaw lang naman ang malisyosong nag iisip ng kung anu ano riyan. I told you, Kuya, I don't need your concern," I rolled my eyes on him.

Hindi agad siya nakapagsalita at tahimik lamang itong nakatingin sa akin. Naging akward at iniisip ko kung lalakad na ba ako paalis o mag iistay ako rito. Ang kaso, sa tuwing binabalak kong umalis, parang may malamig na yelo sa paa ko na pumapako sa akin sa kinalalagyan ko. At ang totoo, naghihintay sa maaari niyang sabihin kahit na walang kasiguraduhan kung panghahamak o maganda ba ang sasabihin niya.

His jaw tightened but he heaved a sigh. Pinipikit niya pa ng mariin ang mga mata at tila nahihirapan sa sitwasyon namin.

He's just too protective to me. Parang kapatid na rin kasi ang turing niya sa akin. He'd do anything for me like what my brother always does for me. Iyon nga lang, masyado siyang OA.

Sunsets and HeartbreakWhere stories live. Discover now