MACKENZIE'S POV:
School Year 2003.
Hello! Hello!
Welcome to our classroom. Ito nga pala ang pangpito at panghuling section ng mga third year dito sa Castillano National High School, ang Section Uranos o mas kilala sa tawag na Section Pasaway. Bukod kasi sa kami ang mga kulelat pagdating sa grades sa buong batch namin ay kilala rin kaming lahat sa section na ito bilang mga dakilang pasaway.
Ako nga pala si Mackenzie Suarez. Ang naturingang pilya sa section namin. Lahat po kasi kami sa klase ay mayroong mga bansag. Ako ay binansagan nilang Pilya dahil sa saksakan ako sa pagkapilya. Mahilig akong gumawa ng mga kalokohan o pranks sa eskwelahan. Lalo na sa mga kinaiinisan ko. Ito ang dahilan kung bakit ako bumagsak sa section na ito. Dagdag na rin siguro na hindi ako mahilig mag-aral dahil mas gusto ko pa ang panonood ng anime at magbasa ng mga Manga series kaya mababa ang mga grado ko.
Para naman sa iba ko pang mga pasaway na kaklase, hayaan niyong ipakilala ko sila sa inyo isa-isa umpisa sa first row. Ang unang upuan na makikita katabi ng bintana ay sa akin.
Ang katabi ko naman sa kanan ay si Madison McLaughin. Kilala siya as The Campus Bitch dahil sa kanyang bitchy attitude. Pangkontrabida ang ugali niya. Hindi niyo siya gugustuhing makabangga. Laking america siya at mula sa napakayamang pamilya dito sa Castillano. Ipinatapon siya dito last year ng parents niya sa Pilipinas bilang parusa sa pagiging troublemaker niya sa US. At imbes na sa private school ay dito siya sa public school pina-enroll. Physically, napakaganda niya. Matangkad, maputi at payat na sexy. Dagdag pa ang artistahing mukha. Para siyang si Megan Fox. Half american kasi siya.
Ang katabi naman niya ay si Adam Bonifacio Jr. Ang Mr. Pogi ng klase namin. Gwapo, maputi, yung tipong ang linis sa pangangatawan, parating mabango at may cute na mga dimples sa magkabilang pisngi. Maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kaso ni isa ay wala siyang pinapansin.
Ang huling upuan sa hilera namin na malapit sa pinto ay pag-aari ni Harvey Buenaventura. Ang Resident Playboy ng section namin. Kaliwa't kanan ang syota. At katulad ng bestfriend niyang si Adam, napakagwapo din niya, matangkad, may pagka-kayumanggi ang kulay ng balat at mapupungay ang kanyang mga mata. Idagdag pa ang malakas niyang sex appeal. Pero kung anong ikinagwapo niya ay siya namang hina niya academically. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng last spot sa grading board since freshman year sa buong batch namin.
Punta naman tayo sa second row simula sa likuran ni Harvey. Siya si Jack Castillo a.k.a. Boy Tulog. Wala na kasi siyang ginawa kung hindi ang matulog sa klase. Lahat ng naging class adviser namin simula nung first year ay walang magawa sa kanya at hinahayaan na lang siya. Mahilig kasi siyang maglaro ng playstation games at gabi na kung matulog.
Katabi naman niya si Bon Clyde Nuńez. The Rakista! Rock singer kasi siya ng isang banda sa labas ng eskwelahan. Sabi niya ay pinaglihi daw siya ng Mama niya kay Bon Jovi kaya may Bon din sa pangalan niya. Nagkataon pang idol na idol rin niya ang musika nito. Madalas siyang makikita na nakikinig ng rock music gamit ang ipod niya kahit nasa loob ng klase. Pati sa pormahan ay rockstar din ang kanyang datingan. Trademark niya yung headphone na parating nakalagay sa tenga or leeg niya, makapal na eyeliner at hilig sa itim na mga damit kapag nakasibilyan lang kami.
Ang huling dalawang upuan ay pag-aari ng Hiphop Duo na sina Jett Noriega at Tj Fulgencio. Miyembro sila ng isang hiphop dance crew na madalas sumali sa mga dance competition.
Ang ikatlong hilera naman ay okupado ng Takas Squad sa pamumuno ni Nicholas Reyes a.k.a. Kulas Takas. Ang tatlo pa niyang kasamahan sa madalas na pagka-cutting classes ay sina Nathan Mendez, Crisa Ortega aka The Chismosa at Angelo Ricarte. Madalas silang tumakas para lang maglakwatsa o di kaya ay magdate sa part nina Nathan at Crisa. Sila kasi ang lovers ng section namin.
YOU ARE READING
Section Pasaway: Junior Year
Teen FictionSamahan natin ang buong Section Pasaway sa kanilang magulo, madrama, masaya, nakakakilig at puno ng mga kalokohang junior year sa Castillano National High School.
