"Dahil Saan???" Biglang singit nito. Bwisit to Sasabihin ko na nga Lang si singit pa kasi.

"Wait Lang kasi, patapusin mo muna ako." Inis na sabi ko. Tumango naman ito. "Kasi nga nung umaga pinasama ako ni mama sakanya, and for the first time pumayag siyang Samahan ako. Ta——"

"Talaga pumayag siya?!" Kinikilig na singit nito. Papatapusin ba nito yung sasabihin ko, or magtanong muna siya ng Kung ano ano bago ako magkwento.

"Kakasabi ko palang na pumayag siya diba? At hayaan mo nga akong patapusin tong kwenta ko bago ka magtanong-tanong, or Baka huwag ko nalang ituloy?!" Inis na sabi ko naman.

"Ay Hindi na, sige tuloy mo na. Heheheh."

"Tapos nung nakita ko siya pagbaba ko swempre naligo muna ako bago ko Siya lapitan, tapos nung nalaman kong hindi pa siya kumain Eh nilutuan ko siya, and for the first time inubos niya ang niluto ko para sakanya. Then pagkatapos namin kumain at magligpit, ay napagisipan namin na manood nalang ng movie kaya nung eplay nanamin. ay ilang saglit Lang ay may nagdoorbell at dahil Bahay ko yun, ay ako ang mag oopen ng door pero laking gulat ko ng si Timothy iyon. Ta—-"

"Si Timothy??" Bigla nanamang singit ni Sam.

"Oo Si Timothy. So etutuloy ko pa ba?" Inis na sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"Tapos swempre nagulat ako diba. Kaya tinanong ko sakanya Kung ano ginagawa niya sa bahay. Sabi niya bumibisita Lang daw tapos yun nagkwentuhan pa kami konti sa May Pintuan, tapos. Biglang nagsalita si Axel sa isang gilid tapos nagkatinginan sila ni Timothy. Tapos yun niyaya ko si Timothy na maki-join samin ni Axel, nung una Hindi siya pumayag pero magaling ako magpilit kaya na papasok ko rin ng bahay, tapos pumunta na kami sa living room, Kung Saan nakaupo na si Axel tapos yun nananood na kaming tatlo ng Horror. Tapos Habang nanonood napansin ko na parang takot na takot yung dalawa kaya ginulat ko sila. Nahulog naman sila sa couch dahil sa pagkagulat ko. Hahahaha. Tawang tawa nga ako Eh. Kasi Inis na Inis itsura nila. HAHAHAH. Tapos after manood ng movie nag order na ako ng Take-out. Nung dumating kumain na kaming tatlo tapos tinulungan nila ako maglinis Tsaka nag Alisan narin."

"Tapos...."

"Wait Lang ha Pagod na ako magkwento kaya rest Lang saglit." Sabi ko habang huminga ng malalim. "Ok so yun pag alis nila nag ayos ayos pa ako, at nung gabi na nung handa na ako matulog ay tinignan ko naman cp ko na May dalawang text, isa Kay Timothy at yung isa Kay Axel. Swempre nireplyan ko silang dalawa at nagreply rin kaagad si Axel, kaya medyo gulat ako tapos nagkwentuhan pa kami ng super tagal, tapos parang ang bait niya sakin, na May pagkasweet rin. K——"

"SI AXEL?!?" Malakas na tanong ni Sam. Nagsitinginan naman mga Tao dun sa resto dahil sa Malakas na pagkasabi ni Sam.

"Oo, at wag ka nga sumigaw."

"Sorry, medyo nagulat lang. Heheh. Sure ka bang si Axel yun?"

"Oo, E number naman niya yun Eh. So yun, swempre naninibago ako kasi parang Hindi si Axel yung kausap ko, kasi ang Bilis mag reply tapos ang bait makipag usap. Akala ko nga naka inom or Baka nagdrugs HAHAHAH. Tapos Biglang nag change ng mood at nagpaalam nalang bigla. Tapos yun Napaisip pa ako kaya medyo super late narin ako nakatulog kagabi."

"Yieeeee Sweet si Axel. Pero infairness parang medyo nagbago siya." Kinikilig na sabi ni Sam.

"Pansin ko nga rin, Hindi na siya kasing sungit at parang walang pakealam sakin."

"Yieee, hahahha wag ka muna umasa teh mamaya lasing Lang talaga. At sino pala susundo sayo ngayon?"

"Si Axel." Nanglaki naman mga mata nito.

"SI AXEL?!"

"Oo nga, ay Hindi ko ba nabangit kanina sa kwento ko ay sorry ah HAHAHHA." Natatawang sabi ko kasi parang shock na shock talaga siya nung sinabe ko na si Axel ang susundo sakin. Pagkalipas ng ilang saglit ay dumating narin ang pagkain namin, kumain na kami at nagkwentuhan pa.

Pagkatapos kumain ay nagbayad na kami at tumungo na sa school. Walking distance Lang kaya Hindi na kami nag tricy or taxi. Nung dumating na kami sa school ay andun narin mga kasama namin, kaya pagkatapos makita yung pinapapaint samin ay nagumpisa na kami.

~ ~ ~

Nang matapos na kami Ay 4:50 na, kaya pagkatapos namin magligpit ay nagsi Alisan narin mga kasama namin, at naiwan nalang kami ni Sam. Tumungo na kami sa May gate. Inantay pa ako ni Sam na masundo kaso 5:30 na at wala parin si Axel.

"Sure ka ba susunduin ka niyan? 5:30 na oh malapit na magdilim. Magtaxi ka nalang." Nagaalalang sabi ni Sam. May tiwala naman ako Kay Axel na susunduin niya ako.

"Sure ako, Kaya mauna kana mamaya hinahanap ka na sainyo, sige na ok Lang ako papunta narin yan." Nakangiting sabi ko naman Kay Sam.

"Sure ka be Ela?"

"Oo, Sige na mauna ka na." Pagpipilit ko Kay Sam. Wala naman na tong nagawa nung nung nagpara na ako ng taxi niya. Kaya sumakay nalang ito ay kinawayan ko habang papaalis na. Nagantay pa ako dun at 6:00 na kaya medyo madilim dilim narin. Axel saan ka na ba. 1 hour late kana susunduin mo pa ba ako. Kinuha ko naman cellphone ko na Palobat narin ay tinext siya.

[To: Axel]

(Sent) 6:04 "Axel Saan kana? Isang oras ka nang late oh."

(Sent) 6:11 "kanina pa ako andito sa labas ng school nagaantay. Dadating ka pa ba?"

(Sent) 6:14 "Axel susunduin mo ba ako or Hindi? Sabihin mo Lang. Ang dilim na at konti Lang tao dito oh."

(Sent) 6:18 "akala ko ba magtiwala ako sayo, bat Hindi ka dumating?"

(Sent) 6:23 "Axel Saan kana?"

6:30 na at wala parin si Axel, kanina pa ako andito sa labas ng school. Pero pinilit kong magtiwala sakanya at nagpatuloy tuloy sa kakahintay.

~ ~ ~

6:58 na wala parin siya. Habang nagaatay ay bigla naka ramdam ako ng patak ng ulan. Pagtingin ko sa langit ay biglang bumuhos na ang ulan. Basang-Basa na ako. Pero Hindi parin ako umalis kasi inaantay parin kita Axel. Saan ka na ba?

Akala ko ba mag tiwala Lang ako sayo. Pero bat parang nagkamali akong magtiwala na susunduin mo ako. So ano yung mga sinabe mo sakin kagabi. Loko Lang, ganoon ba? sabi ko na nga ba Hindi ka magbabago Eh. Ang lakas parin ng buhos ng ulan at Basang basa ako. Umupo nalang ako sa sahig at naramdaman ko nalang na nagumpisa na pumatak ang luha ko.

Axel ganito ba ako ka walang halaga sayo. Na Hindi mo Lang ako masundo kahit ikaw pa mismo nagsabi na susunduin mo ako. Ganito na Lang ba ang Turing mo sakin. Na walang kwenta at walang halaga. Akala ko pa naman ok na tayo. Akala ko ikaw yung kausap ko kagabi na mabait at sweet na Axel, kaso Hindi yata ikaw yun eh. Hindi na dapat ako umasa na susunduin mo ako. Dapat kanina pa ako nag taxi. Kaso malaki kasi tiwala ko sayo na susunduin mo ako. Kaso maling Mali ako.

Umiiyak parin ako at nakaupo parin sa may sahig ng Biglang May huminto na sasakyan sa harap ko. Narinig ko na nagbukas ang Pinto nito at naramdaman ko ang palapit ng isang Tao sakin, at naramdaman ko nalang na huminto ang pagbuhos ng ulan sakin. Axel ikaw na Bayan. Inangat ko ang tingin ko at si.....

TO BE CONTINUED...
(THANK YOU FOR READING MY STORY, I HOPE YOU CONTINUE TO SUPPORT IT.)
VOTE
COMMENT
SHARE

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now